6

2 0 0
                                    

Andrina

Nakaramdam ako ng dahan-dahang tapik. May tumatapik?  Doon na ako napatuwid nang upo ng maalalang nakatulog ako sa aking upuan. Pag-angat ko ng tingin ang mga matang 'yon agad ang sumalubong sa akin. Umiwas ako at bumaling sa harap, may propesor na pala.

"Are you alright, Miss?" Medyo wala pa ako sa ulirat ng magtanong ito.

"Yes po." Medyo nahiya ako bigla. Dahil lahat sila'y napatingin sa aking gawi. Wala sa sariling napa-punas ako ng gilid ng aking bibig. Baka may panis na laway pa.

Binalingan ko ang tumapik sa akin kanina. May katabi na pala ako. Isang napaka-cute na babae. Nag-aalinlangan pa akong bumati rito. Baka mamaya kung ano pa ang isipin niya tungkol sa akin.

"H-hi, salamat. Buti ginising mo ako." Naka-ngiti kong sambit. Napayuko ito at dinutdot ang daliri sa kanyang mesa.

"W-walang anuman." Halos pabulong na nitong sambit. Mahiyain din siguro siya gaya ko.

Hindi na nasundan ang susunod naming pag-uusap. Kapwa kaming nagkaka-ilangan, nahihiya naman ako magtanong ng pangalan niya o kung ano.

Nanahimik na lang ako at inilabas ang tanging notebook na mayroon ako sa bag. Nagpakilala ng kaunti ang guro sa harap, at nag-sambit ng mga patakaran na dapat sundin habang nasa loob ng campus. Nag-banggit din ito ng mga kinakailangan para sa kanyang klase.

Pagkatapos ng kaunting salita kami naman ang susunod, kailangan magpapa-kilala sa harap. Bigla na naman akong nanlamig. Dumoble ata ang lamig ng aircon sa silid na ito?

Nauna ang unang hilera mula kanan papunta sa kaliwa.  Pangalan, edad at bakit ito ang kurso na iyong napili lang daw ang kailangan sagutin. Naku! Nakaka-kaba pa rin kahit ganoon lang ka-ikli.

Ilang sandali lang susunod na ang aming linya. Pakiramdam ko namumutla ako sa sobrang kaba. Mas malala kung bigla akong nahimatay habang nagpapakilala. Wala akong naalala ni isang pangalan ng aking ka-klase sa kakaisip na ako na ang susunod.

"Next.." Sambit ni Ms. Tam.

"U-Umm...Hello. Ako po si Andrina Lieve Juarez, eighteen years old. Turismo ang kurso na napili ko, dahil ito po ang inabot ng score ko sa entrance exam." at sa tingin ko ay sakto lang sa aking kaalaman? Ngunit hindi ko na binanggit iyon. Narinig ko ang ilang hagikgik sa aking kaklase. Kahit si Ma'am ay napatawa din. Sumenyas na itong umupo.

Sumunod ang aking katabi. Ang cute niya talaga, mukha siyang naligaw na hayskul sa unibersidad. Umaalon-alon ang kulot nitong buhok. Pero maliit lang pala siya kapag tumayo na.

"A-ano po, I am P-penny Jiminez, nineteen years old. Ito po ang napili ko because my Mom was a F-flight Attendant before." Lahat naman ng ka-klase namin ay kanya-kayang "Wow" at "Woah" ang nai-sambit nang marinig ito.

Sumunod na ang kabilang grupo, una agad na magsasalita ang "Tobias" na 'to.

"Hello, I'm Tobias Sergei Solorio. Right hand man of the Captain of Swimming Team. Nag-tourism po ako dahil hindi ko pa po talaga alam kung ano ang gusto ko, for the mean time I'll stick to what I have." Halatang habulin ang isang 'to. Dinig na dinig ko ang mga impit na tili ng mga katabi ko eh.

Sumunod sa Tobias yung kaninang maingay na si Ryker na may kulay ang buhok. Sumunod kay Ryker yung kanina pa tahimik at may bangs na si Otto. At huli ay ang mukhang pinaka-normal sa kanilang apat si Homer.

Hanggang sa natapos na ang buong klase. Sumakto sa huling nagsalita ang tunog ng bell, hudyat na oras na para sa susunod na klase. Nag-paalam na ang aming guro at pinaalala na lang ang pinapadala sa susunod na meeting.

"Uy, rinig ko si Tobias ay walang girlfriend!" kwento ng nasa kanan kong katabi. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya.

"Talaga? Sa gwapo niya walang jowa?" segunda naman ng kasama nito. Hanggang sa palabas sila ng room yung swimming team ang kanilang usapan.

"Eh, sabi ng pinsan ko mas gwapo an..." yun na lang ang huli kong narinig. Teka, bakit ba ako nakikinig sa usapan ng iba? Umiling-iling ako.

UnwrappedWhere stories live. Discover now