7

2 0 0
                                    

Andrina

Nagmamadali kong nilisan ang silid, dahil unang araw palang maaga kaming pinalabas.Habang ang susunod kong klase ay alas tres y media pa, mayroon ulit akong isang oras na bakante.

Paliko na sana ako ng biglang may humila sa akin, dahilan pa ako'y mapatigil. Nilingon ko ang may ari ng mga kamay na 'yon.

"Hi! Andrina right?" Ano bang kailangan nito? Bakit niya ba ako nginingitian?

"Anong kailangan mo sa akin?" bumitaw ito.

"Woah, calm down. I ran after you to give you this." Inabot nito ang kulay itim na panyo na may burda pa ng aking pangalan. Tinitigan ko ito pabalik sa kanyang muka at sa panyo muli.

"Hindi ba sa iyo 'to?" Inilahad na nito sa aking mukha ang panyo.

"Ssob! Hindi ka pa tapos diyan? Tara na!" Litaw ang malakas na boses nung Ryker sa hallway. Teka ano daw? Ssob?

Napalingon ang lalaking nasa harap ko. Bumalik ang tingin nito sa akin. Doon ko lamang inabot ang panyo ko at walang lingon na umalis.

Saan ako ngayon pupunta?  Si Esther ay nasa klase pa siguro. Pupunta na lang ako sa lugar na alam kong masaya ako.


Sumalubong na naman sa akin ang mahabang pila sa mga kiosk ng pagkain. Naku naman.

Pumila ako sa tindahan na mayroong pinaka-murang tinda. Isang daan lang ang baon ko, habang karamihan sa tinda ay nasa singkwenta pataas hanggang otsenta.

"Isa pong tuna sandwich at tubig" pagkatapos kong makabili nag-hanap ako ng mauupuan. Bago pa man makaupo nahagip ng paningin ko ang kanina lang ay katabi ko sa klase.

Naisip ko sanang tumabi at kausapin ito pero baka mailang lang siya. Pinili ko na lang na umupo katapat siya.

Bakit siya mag-isa? Mukha naman siyang pala-kaibigan. Mukha rin naman siyang mabait. Ganoon ba talaga kahirap maging maganda? Mukhang hindi ko na gugustuhin maging ganon.

Naagaw ng aking atensyon ang nakaupo sa aking harap.

"Kamusta ang klase? May naging kaibigan ka na ba?" Tanong agad ni Esther. Hindi ko alam kung nang-aasar ba itong pinsan ko o ano.

"Ay oo nga pala mahiyain pala ang pinsan ko!" Bigla itong humagalpak ng tawa. Nagbibiro ba siya? Anong nakakatawa dun?

"Lumuwag ba ang turnilyo ng utak mo dahil sa unang subject mo?" Doon ito tumigil at bumusangot.

"Huwag mo nga ipaalala sa akin ang subject na 'yon. Unang araw may pinapagawa na agad!" Nilantakan nito ang Carbonarang binili.

"Mag-kwento ka naman ng iyo. Anong ginawa niyo?" Tanong nito sa kabila ng tuloy-tuloy na pagkain.

"Nagpakilala lang kami at puro biro ang propesor kanina.." Sabihin ko kaya yung nangyari kanina bago ang klase?

"Ayon lang? Wala nang kasunod?"

"Sa totoo lan---"

"Ay! Nandiyan na ang bago kong kakilala Andie! Kailangan na namin pumunta sa sunod na klase." Dali-dali nitong inubos ang pagkain at nag-ayos.

"Pangako ipapakilala kita sa kaklase ko. Tsaka sa bahay mo na ituloy yung kuwento mo ha!" Bago pa man ako makasagot nilisan na nito ang Cafeteria.

Akala ko magiging tahimik na ang paligid ngunit wala pang sampung minuto mula umalis si Esther, ay pumalit naman ang lalaking naka-ngiting aso.

"I hope you don't mind me joining you." May saltik ba ito? Itatanong niya kung kailan naka upo na siya sa harap ko at nilalantakan ang limang balot ng Palabok.

Hindi ko na lamang ito pinansin. Baka sakaling tantanan ako nito.

"Mabubusog ka na ba diyan?" Biglang tanong nito habang binubuklat ang pangatlong balot ng pagkain.

Tintigan ko muna siya bago tumango.

"Sigurado ka? Huwag mo sana masamain, pero ang payat mo na tapos kakaunti ka lang din kumain." Payat? Saan banda ba ako naging payat?

"Sanay na ako sa tinapay lang." Napatigil ito sa pagkain at tumitig. Naasiwa naman ako sa tingin nito. Baka may nakita siyang bakas ng tinapay o tuna spread.

"Ito ang unang beses na sumagot kang hindi magkasalubong ang kilay mo." Tumawa ito at lumabas ang magkabilaang biloy nito sa pisngi.

Maya-maya may lumapit sa aming puwesto.  Homer ata ang kanyang pangalan. Kapansin-pansin sa tumatamang sinag ng araw ang kulay lila nitong buhok.

"Tobias! Hinahanap tayo ni  Griffin..." Humina ang pagsasalita nito ng makita ako. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa akin at kay Tobias.

"Bilisan mo na. Magkita na lang tayo sa gym, may meeting ang swimming team."

Nagsimula akong mag-ayos ng sarili. Kailangan ko na din umalis, maghahanap ako ng matutulugan.

"Anong pwede kong itawag sa'yo?" Napalingon ako rito. Kanina lang ay tinawag niya ako sa pangalan ko, pero ngayon ay nagawa niya pa magtanong?

"Kahit ano."

"Okay, Andrina. Pero parang masiyadong mahaba. Ano ba ang palayaw mo?" Bakit ba ang kulit mo? Nais ko sanang sambitin.

"Andie na lang." Tumayo na ako at isinukbit ang bag.

"Sandali! Magkaklase ba tayo ulit mamaya?" Hindi naman siya matanong ano?

"Hindi. Huwag mo na akong tanungin pwede." Tinalikuran ko na ito.

Hindi naman nakalampas sa akin ang mapang-matang tingin ng mga estudyanteng nakikinig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnwrappedWhere stories live. Discover now