stephanie bae's
perspective—
"tara na mingi oppa," nakangiting sabi ko kay mingi habang siya naman ay tinigil ang ginawa niya at inangat ang paningin sakinnat ngumiti din.
sana all ngumiti si crush maingit kayo sakin please.
"sige teka muna tatapusin ko lang to," sabi niya kaya naman umupo ako sa katabing desk niya na bakante kasi nag lunch na ang umupi dito.
tinitigan ko lang si mingi habang nagsusulat siya ng kung ano ba yan, ba't ba ako nagkagusto nito? putcha kasi itong si sindy e, e rereto ba naman kasing gwapo at kasing bait ni mingi hays.
nagulat naman ako ng makitang nakatingin na sa akin si mingi na parang nagtataka, kaya naman iniwas ko nalang ang paningin ko.
gusto ko sana sampalin nag sarili ko pero wag nalang kasi masakit yun char.
"tara na stephanie," napatingin naman ako kay mingi ng sabihin niya yun nakatayo na siya at niligpit ang gamit niya, kaya naman tumayo na ako.
mabuti naman ay may bakante pang upuan sa cafeteria kaya naman ay nakaupo ka agad kami ni mingi pagkapunta namin dito.
"ako na mag oorder," sabi ni mingi tsaka nilahad ang kamay niya para bigyan ko siya ng pera, di naman ako nag reklamo kasi sinabi ko naman sa kanya na libre ko to.
"ano ba sayo?" tanong niya sakin.
"ikaw bahala kung ano sayo yun nalang akin," sabi ko nalang awkward kasi dahil nakatingin siya sakin i mean di lang ako sanay na matagal niya akong tinignan pero wala naman palang meaning amp!
"sige sabi mo yan ah," nakangiting sabi niya at pumila na kaya naman ay napahawak kaagad ako sa bandang dibdib ko kay bilis ba namang tumibok ng puso ko.
kaya naman dali dali kung kinuha ang salamin sa bag ko at inayos anh itsura ko para fresh akong tigna ni mingi.
"heto na," sabay abut niya sa pagkaing binili niya, ano lang naman to spaghetti sakin tas sa kanya adobo kaya naman ay napatingin ako sa kanya na nagtataka, kaya naman tinignan din niya ako.
"what's this? i said na kaparehas lang sayo," reklamo ko, napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.
"akala ko kasi ayaw mo ng adobo e, kaya spaghetti nalang binili ko malay ko ba baka di mo magustuhan ang adobo," sabi niya at nagkibit balikat kaya naman napatango naman ako.
to be honest i like adobo specially when my dady wilk cook it pero wala nalang akong sinabi at kumain nalang.
"salamat sa libre steph, ha!" nakangiting pasasalamat ni mingi habang nakahawa sa tiyan niya, kanina niya pa kasi sinasabi na nabusog daw siya.
"ah no problem, bayad ko lang yun dahik na disturbo kita." nahihiyang sabi ko, naglakad na kami papunta sa room namin since malapit na ang afternoon class namin.
"nako sabing wala kang kasalanan e," sabi niya tsaka ginulo ang buhok ko kaya naman masama ko siyang tinignan, malapad naman siyang ngumiti sakin bago pumasok sa roon namin.
di ko na nga namalayan nasa harapan na kami sa classroom namin, sana naman ay di nagmadali ang oras para nakasama ko pa siya ng matagalan.
kaya naman nakabusangot akong pumasok sa room namin.
BINABASA MO ANG
STUPID | mingi
Fanfiction❝ i'm willing to be stupid so you'll like me. ❞ a story in which ― a girl who named stephanie bae who's willing to be stupid for song mingi. ⌈ song mingi x you : ateez chatfic series no.3 ⌋ 📌STATUS: completed DATE STARTED: feb. 01...