-07-

6 0 0
                                    

"HON, baka malate ako mamaya ah? May dumating kasi na pasyente kanina, kailangan na raw mabiopsy ngayon. Tingin kasi ni Dr. Dimalaya may liver cancer. "

"Ganun ba—akala ko pa naman makakapanood pa tayo ng sine."

"Sorry. Di bale, sigurado naman darating ako sa dinner date natin. S'an tayo? Shakey's pa rin?"

"Hindi naman tayo pizza-addict 'di ba?" natatawa niyang sagot rito. "Pizzahut, gusto mo?"

"Sure, sige. Basta hintayin mo 'ko okay?"

"Ayoko nga!" biro niya rito. "Ay, maalala ko, sabi pala ni mama, kung hindi pa raw natin siya mabibigyan ng anak next year, humanap na 'ko ng ibang mapapangasawa. So, kapag hindi ka na naman dumating mamaya, maghahanap na talaga ko!"

"Subukan mo," natatawa nitong sagot. "Hey, love, sorry, but I need to go now. See you tonight. Love you."

"Okay. 'Wag masyadong magpakapagod, dok. Love you."

Huminga siya ng malalim. Sayang naman ang day-off niya. Kung kailan naisip pa man din niyang iispend ito kasama ni Mael, sakto namang naging busy ito. Oh well, may dinner date pa naman sila. Mamamasyal na lang muna siya.

**

"No, that deal was already closed. Tell him we already talked about that and he agreed. So hindi na siya pwedeng umatras pa ngayon. It's a thirty-seconder; I think our price is fair enough. No, 'wag kang padadala sa drama niya. Nangunguripot lang 'yan. Anyway, I need to go. Okay? Let's talk about it on Monday."

Pinindot niya ang end button ng kanyang cellphone at humarap sa sales lady na kanina pa siya sinusundan. "Here, I'll take this, too. Oh, wait, do you have another shade of blue?"

"Ito na lang po, ma'am, eh."

"Okay, I'll get this one."

"Sa counter na po, ma'am," sagot nito as she led her to the cashier.

Tumunog na naman ang kanyang phone. Ng tignan niya kung sino ang tumatawag, nairita siya ng makitang ang assistant na naman niya ang tumaawag about their current client sa ad agency.

"Cynthia, I'm on a day-off. You're smart. You can deal with that. Okay? Bye."

"Ma'am, eto na po," wika ng nakangiting sales lady sa kanya habang iniaabot sa kanya ang mga pinamili niya kasama ang kanyang card. "Thank you, ma'am. Come again."

"Thanks," wala sa loob na sagot niya habang palabas ng boutique. At dahil kinakalikot niya ang mga pinamili niya, hindi niya napansin ang matangkad na lalaking nasa harap niya. Nagkabungguan sila.

"Oh!" gulat na wika niya ng mabitawan niya ang mga dala niya. "I'm so sorry. I wasn't looking—"

The man was looking at her oddly. And he looked vaguely familiar...

"Prie?"

Kilala siya nito? Muli ay tinitigan niya ang matangos na ilong nito, ang medyo maninipis na labi nito, maging ang cleft chin nito. He really looked familiar...Ngunit bago pa siya makapagdedisyon, muli na itong nagsalita.

"It's you," amused na wika nito at pagkatapos ay kinabig siya nito palapit at yinakap ng mahigpit. "You haven't changed a bit except for yor hair. And your boobs—I think they're fuller."

Sa sobrang pagkabigla ay hindi agad siya nakapag-react sa ginawa nito. Ngunit ng maka-recover siya sa shock na naramdaman niya ng yakapin siya nito at sa mga pinagsasabi nito, agad niya itong itinulak. "Excuse me!" mariing sabi niya rito.

Halatang nagulat naman ito sa ginawa niya ngunit agad din iyong napalitan ng amused expression. "Just like the old times, huh," wika nito habang tinitigan siya ng mga nakakahipnotismong mga mata nito. She suddenly felt her pulse quicken.

A Promise not to RuptureWhere stories live. Discover now