Sandrine
I woke up yet again without a husband lying beside me. I've gotten used to waking up without Gustave by my side. Maybe that's just how it is if you have a workaholic husband. It's only 6:30 in the morning, I still have time to prepare my son's breakfast. Kahit na gaano pa ako ka-abala, hindi pwedeng hindi ko maipag handa ang anak ko. He's still my baby and he needs his mother's care.
"Good morning, Madame." Bati sa akin ng aming household chef.
"Good Morning, Marissa." Bati ko pabalik.
She was already plating my breakfast when I sat on the kitchen counter. She knows I hate to eat alone. Lalong lalo na sa napaka habang lamesa sa dining room. Mas mabuti nang dito ako mag-agahan, at may nakaka usap ako kahit papaano.
"Enjoy your meal, madame." Magalang na sabi niya bago yumuko at tumalikod para hugasan ang mga ginamit niya.
Tiningnan ko pababa ang agahang naka hain sa akin. Isang plato ng scrambled egg at bacon, french toast, orange juice at brewed coffee. Hindi ko naiwasang mag-isip kung ito din ba ang kinain ng asawa ko kanina. But then again, ano naman iyon sa akin? It doesn't matter.
"How's your daughter?" Tanong ko kay Marissa.
Lumingon naman siya sa akin sandali at ginawaran ako ng tipid na ngiti. Chef Marissa is a single mother. She was our personal chef but I have strong respect for her. Hindi birong magpalaki ng anak, lalo na at wala siyang katuwang.
"Maayos naman po si Hailey, Madame. Pakulit na nga ng pakulit." Aniya.
Her eyes are twinkling with so much love and happiness as she talks about her daughter. How could she do that? How could she become whole without her daughter's father?
"Dalhin mo ulit dito next time. Para naman may kalaro si Ansel." I answered.
Tinapos ko ang pag-kain ko at nang tumayo ako ay naka handa na ang nga iluluto ko sa kusina. Ako ang nag hahanda ng agahan at baon ni Ansel sa school. It's pancakes and bacon day today so that's what I cooked. For his lunch, I prepared chicken lollipops and buttered vegetables. Freshly sliced fruit cocktail for dessert and orange juice for drinks. Pagkatapos kong mag-luto ay umakyat akong muli para puntahan sa kwarto niya ang anak ko.
Napangiti kaagad ako nang maabutan siyang mahimbing ang tulog. His room was full of train toys and building blocks. Marami ding naka paskil na educational poster sa pader ng silid. The doctor said it could help him with his disorder.
"Ansel... Anak? Time to go to school!" Masiglang sabi ko.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinaplos ang buhok niya. I felt a familiar warmth embracing my heart. I can't even explain how much I love this boy. Iyon nga lang, sa tuwing tititigan ko siya ay ang mukha ng ama niya ang nakikita ko. Wala kasing itinapon si Ansel mula sa Daddy niya. Tanging ang makapal na labi ko lang ang nakuha niya mula sa akin. Kapag nga tatakpan ang ibabang parte ng mukha niya, Gustave na Gustave.
"Hmm." Reklamo niya. Bahagyang nalukot ang mukha niya at gumalaw siya para talikuran ako.
"Baby... Male late ka na niyan." Sabi ko naman.
Niyakap ko pa siya at pabirong hinalikhalikan ang leeg niya. Nakikiti siguro kaya maya maya ay tunatawa na siya.
"M-m-mommy... I'm-m a-awe-wake." Aniya sa gitna ng halakhak.
BINABASA MO ANG
Elite Wars
RomanceGustavo Pocholo Salguero is the eldest grand son of Don Sergio Salguero, the chairman of the multi billion dollar company Salguero Tropic. He is married with Sandrine Avenida for three years. They are the greatest couple of their time, running an em...