Chapter 10

2K 72 22
                                    

SANDRINE

I drank my morning tea as I scan through my emails this morning. I am waiting for Charlotte at an exclusive restaurant for brunch. I am so jealous of other guests who are sipping their mimosas while I'm stuck here drinking tea because I still have to go to the office after this.

I would say my days are back to normal after Gustave and I's little confrontation. I've learned to suck it up and move on after so many fights with him. Hindi kami nag-aaway tungkol sa personal na bagay. It was all about business. Pilit ko nalang na itinatatak sa isip ko na walanh mangyayari sa akin kung manlulumo lang ako. I shouldn't let him get the best of me. Alam ko sa sarili kong kaya kong gawin ang trabaho ko ng maayos.

Charlotte came into the restaurant with a red suit paired with the same colored skirt. She lowered her shades and scanned through the people dining, looking for me. Bahagya kong itimaas ang kanang kamay ko upang mabilis niya akong makita. I saw how her face lit up when she saw me. Mabilis siyang nag-tungo sa puwesto ko at umupo sa harapan ko.

"Good morning! Sorry, I'm late. Traffic is so bad!" Ibinaba niya ang maliit na bag niya sa gilid ng lamesa at nag-tawag ng waiter.

"It's fine. Kakarating ko lang din." I closed my phone and put it back inside my bag.

"So, what's this I hear? You need Holden Smith's contact number?" She asked.

Ang tinutukoy niya ay ang CEO ng sikat gumagawa ng energy equipment sa bansa. Pinag aagawan ng mga tao ang kumpanya nila dahil gawang America ang mga produkto. They buy parts from the states but build the equipment itself here in the Philippines. Kaya naman ang mga produkto nila ay nag-tatagal at hindi basta basta nasisira.

"Yes. I heard he's a pain in the ass." Sagot ko.

"He's a womanizer, yes. But I heard he's good with his work. Hindi naman siguro siya pagkakatiwalaan ng mga consumer kung hindi diba?" Ani Charlotte.

Nag-kibit balikat lamang ako at kumagat sa croissant na inorder ko at pagkatapos ay sinundan iyon ng kaunting tsaa.

"Why are you looking for a new contractor anyways? Ano ang sasabihin ng mga Chiu?" Takang tanong niya.

The Chius had always been the company's supplier of raw materials. Simula pa noong panahon ni Abuelo. Matalik silang magkaibigan. Pero iba ang isip ko sa ngayon. Masyado nang outdated ang mga gawa nila. Naisip kong mas mabuti na humanap ng panibagong gagawa ng mga bagong equipment ng planta. At nag-babakasakali ako na magawan ng paraan para kahit papaano ay maging solar powered ito. Hindi ko pa man nasasabi kay Gustave ang tungkol dito, desido na ako.

"They trusted me with this. Hindi ko man nakuha ang gusto ko, gagawan ko pa din ng paraan na kahit papaano ay may masunod sa mga plano ko." Sagot ko nalang.

Masuwerte ako dahil mayroong contact si Charlotte kay Holden Smith. Hindi ko siya personal na kilala pero marami na akong narinig tungkol sa kanya. It might seem that the business industry is huge but it really isn't. Marami ka pa ding maririnig kung kani-kanino. And believe it or not, there are some rich ass tismosas too.

"Sandrine... It's that time of the year again. What's your plan?" She asked.

Natigilan ako. Oo nga pala.

"You know, the usual." Maiksing sagot ko. Mayroong kaunting pait ang mga katagang binitiwan ko.

Mag-aapat na taon na pala. Parang kahapon lang ang nag-daan. Arnulfo's death anniversary is fast approaching again. It has always been tough for me. Akala ko, pag lumipas na ang mga taon ay unti unti ko nang matatanggap at hindi na ako masasaktan pero hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

Elite WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon