Solar 1

9 1 0
                                    

Yuri's POV

                Ako si Shinyuri Morizon,18 years old,nag-aaral sa Mavis High.Kakatapos lang ng School Festival namin ngayong Wednesday.Kasama ko si Shanna ang kapatid ko.Pauwi na kami ngayon sa bahay galing dorm para bisitahin sina mama't papa.

                Maya-maya pa'y nakauwi na kami ni Shanna sa bahay...

"Ma, Pa, nandito na kami!"sigaw ko.

"Kuya bakit walang ilaw?Nakabukas lang pati yung gate."nagtatakang sabi ni Shanna.Oo nga noh!nakakapagtaka.

'Panong nangyare na walang ilaw dito gayong takot si mama sa dilim

Binalewala ko na lang ang naisip.Pumasok na kami ni Shanna,dumeretso ako sa kwarto ko habang ang kapatid ko naman ay nagtungo sa kwarto ng mga magulang namin.

Patapos na sana akong magbihis ng biglang...

"AAAAAAHHHH!!!"tili ng kaptid ko.

Agad akong napakaripas ng takbo patungo sa kinaroroonan nya at naabutan ko syang humahagulgol sa labas ng kwarto nila mama.

"Anong nangyare?Bakit umiiyak ka Shanna?"naghihisteryang tanong ko sa kanya.

"S-sila mam...a K-kuya!*sob*"sabi nya sabay turo sa kwarto.

"A-anong meron bakit?"nag-aalalang sabi ko habang sinusubukang sumilip sa loob ng nasabing kwarto ngunit bigo ako dahil wala maski isang liwanag ang maaaninag sa loob.

Tinuro nya ang kwarto at hindi na makapagsalita.May nabuo nang konkulsyon sa isip ko,ngunit ayokong isiping ito ay totoo.

Dahan-dahan kong binuksan ng tuluyan ang pinto kasunod ng ilaw.Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag nito.Pagtingin ko sa kama,natigilan ako at mabilis na namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata...

"N-no,hindi ito totoo...H-hindi ito totoo.This is just a d-dream.NO!!!"

Hindi ko lubos maisip na posible pala itong mangyari,ang mga magulang ko ay may tama ng baril sa ulo at sa dibdib.

Habang sinusuri ko ang bangkay ng mga magulang ko,may na pansin akong isang letra sa tabi ng kanilang kama na tila ba isinulat gamit ang kanilang dugo.

Letrang 'E'

Who's The KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon