THE KING AND QUEEN OF DISGUISE

4 3 2
                                    

  Shannah's POV

Ako si Shannah Morizon, 16 yrs old student ng Mavis High. Nasa dorm ako ngayon at nagseselpon. Habang nagbo-browse ako sa internaet, may nagsend sakin ng e-mail. Ano to?

Who'sTheKiller.docx

Binuksahin ko ito at lumabas ang isang invitation. "I know your skills ang identity. Let's find out who's the killer. If you're interested, the meet-up is on Wednesday, 6:00 pm, at the school's basement." sabi dito.

Hmm, kanino kaya ito galing? Walang pangalan ng sender. Medyo interested ako dito kasi malay mo makatulong ito para makilala ang pumatay sa mga magulang ko.

Maya-maya pa, tumunog ang selpon ko.

"Asan ka na oy!" message ni Keith.

Magkikita kami ngayong gabi kasi daw namiss nya ako. Psh, daming alam.

Si Keith Ximon ang kaibigan ko at kasamang mag-disguise. Kami ang tinaguriang king and queen of disguise sa school. Ewan ko basta dito kami magaling.

Nagdisguise na ako at pumunta sa meeting place namin. Nakadisguise din sya at hindi ko makikilala kaya ang meeting place namin ay ang lugar na kaunti lang ang pumupunta. At ito ang streetlight na katapat ng creepy na basement.

Pagdating ko, may nakita akong lalaki na nakasumbrelong itim. Nilapitan ko ito ang bumulong:

"He saw me but didn't notice me." ayan ang code namin para makilala ang isa't isa. Dati nga epic fail pa kasi naibulong ko sa iba. Natakot tuloy.

"Shannah!" aniya.

"Keith, tara maglibot na tayo." sabi ko sa kanya.

Naglakad-lakad kami ngayong madilim na gabi. Alas onse na at bawal na lumabas ang mga estudyante. Nakadisguise kami para kung sakaling mahuli ng guard, hindi masisira pangalan namin. Mahilig kami sa mga ganto, gagala tapos pag may guard, takbo. Para may thrill diba?

"Keith, tignan mo oh. Sali kaya tayo dito?" sabi ko habang pinapakita sa kanya yung invitationg natanggap ko. Binasa naman nya ito at napatango-tango.

"Interesting naman pero anong mapapala natin dito?" aniya.

"Uhm Keith, may sasabihin ako sayo." sabi ko sa kanya.

"Ano aamin ka nang crush mo ako?" nakangiti nyang sinabi.

"Hindi." tipid kong sagot.

"Ikacrushback naman kita eh." aniya sabay pout. Loko talaga.

"Makikinig ka ba o hindi?!" naiiritang sabi ko.

"Sorry, sige na magkwento ka na." sagot nya.

"Nung Wednesday pagkatapos ng school fest, umuwi kami ni kuya sa bahay at..." napatigil ako nang biglang tumulo ang luha ko.

"Shannah? Ayos ka lang?" sabi ni Keith.

"Hmm hmm. Umuwi kami sa bahay at... at natagpuan ang bangkay ng aking mga magulang... Tapos may letrang E na sinulat gamit ang dugo nila... Kaya gusto kong sumali kasi baka makatulong ito para makilala ang pumatay sa mga magulang ko." naiiyak kong sinabi.

"S-Sorry to hear that." sabi nito.

Pilit kong pinipigil ang mga luha ko pero tuluyan na akong naiyak nang maalala ko ang muka nina mama't papa.

"Aish, tara nga dito. Kung sasali ka, edi sasali din ako. Tahan na okay?" sabi ni Keith sabay yakap saken.

Maya-maya, pinagtapat nya ang muka naming dalawa. Ngayon ko lang napagmasdan at muka nya nang ganito. Ang gwapo nya... Sobra!

"K-Keith?" naiilang na tanong ko.

"Yes?" sabi nito habang lalong inilalapit ang muka nya.

"MAY GUARD TAKBO"


Who's The KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon