A/N: Sorry na po sa napakatagal na update. 😭😭😭 Burn na yung utak ni Author dahil sa sobrang daming work related problems. 😁 Anyway. Enjoy reading this. Four more chapters na lang... LABYU ALL! 😉😚
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Athos' POV
"Anung sinasabi mo Faye?" Naguguluhan ako. Pagkatapos ng lahat ng pasakit ni Art sa kanya, sasabihin nya saken wag kong sasaktan si Art?
"Nakikiusap ako sayo, wag mong sasaktan si Art." She then again repeat. I clenched my fist and gritted my teeth. Mas mahal na nya ba ang lalaking yun kesa saken?
"Faye, halos mapatay na nya kayo ng mga bata tapos sasabihin mo sakeng wag akong gumanti kay Art?!" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. Habang si Faye ay halos mangilid na ang luha sa mga mata.
"He has his own reason Athos. Hindi mo naiintindihan!"
"Kung ganun ipaintindi mo! tell me! He is an evil Faye! at ang mga demonyong kagaya nya, kahit buhay pa ay sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno!"
This is so pathetic.. Ipinagtatanggol ko ang babaeng mahal ko sa lalaking yun tapos ako pa ang lalabas na masama? ako pa ang lalabas na kontrabida?! Hindi ko alam kung bakit----
"Dahil kapatid mo sya Athos!" She exclaimed. At napatanga ako sa sinabi nya. Kulang ang salitang gulat sa reaksyon ko. Hindi ako makagalaw. Hindi maproseso ng utak ko ang sinasabing ito ni Faye.
"what are you talking about?" I furrowed my eyebrow in disbelief. Si Art? kapatid ko? Paano nangyari yun? Could he be Mike? pero patay na sya. Sumabog ang sinasakyan nila ni Mama.
"Y-Yes Athos. S-sya si Mike. Buhay si Mike."
Taas baba ang dibdib ko sa galit. Hindi ko alam kung sa sarili ko ako magagalit. Basta nagagalit ako sa mundo. Bakit nangyayari to?! Napaupo ako sa sofa at naihilamos ang mga kamay sa mukha ko.
Tila gumuho ang lahat sa akin. All this time, I thought patay na silang dalawa? Sumabog silang dalawa di ba?! sumabog ang sasakyan tapos sinabi ng kamag anak ni Mama na patay na sila. All this time?Paanong? Bakit?
"Nabuhay sila. Hindi sila kasamang sumabog ng sasakyan na inaakala mo." I looked at her nung magsimula na syang magkwento.
She took a deep sigh.
"Nagtanim sya ng galit sayo kasi akala nya mas pinili mo ako dati. Na akala nya ikaw ang sumira ng pamilya nyu. dahil na rin siguro paborito ka ni Tito Mario."
Huh?! paano ako nagin paborito ni Papa, eh halos sya nga yung kainggitan ko dati dahil ampon lang ako at sya yung tunay na anak eh. That Man!
"Kaya nakikiusap ako sayo Athos" she looked at me with a sullen look. "intindihin naten sya. Higit sa lahat dapat tayo an makaintindi sa kanya."
"Pero hindi sapat ang selos para gawin nya tong mga bagay na to."
Tumahimik sya at saka tumingin sa ceiling. Lumapit ako sa kanya and hold her hands.
"Ney. Intindihin mo ako. Gusto ko lang naman bigyan ng leksyon---"
"Athos. Hindi tama na gantihan mo din sya. Alam kong masama ang ginawa ni Art. Pero nilamon lang sya ng galit nya. Wag mong hayaang matulad ka sa kanya na lalamunin din ng galit ang puso mo. Kapatid mo pa din sya. Try to understand him. Kahit na alam kong pare parehas tayo ng sakit na pinagdaanan. Kahit ako. Nawala ang lahat ng ala ala ko ng dahil sa aksidente. Hindi kita magawang alalahanin pero gumawa ang dyos ng paraan para muli tayong magtagpo at magmahalan. Di ba? kaya nakikiusap ako. Buksan mo ang puso at isip mo para kay Art."
BINABASA MO ANG
BABY under CONSTRUCTION [editing on going]
HumorPlano lang naman nya sa buhay ay ang mag pa anak, mag palahi sa isang amerikano. Engr. Gabriella Faye Medina doesn't want to get married. Naniniwala sya na kapag nag pakasal ka, para ka na ring kumuha ng bato na ipinukpok mo sa ulo mo. Masakit. Pe...