End Part 2

43.7K 457 26
                                    

MAYA's POV

(MUDRA's ONLY POV. Lels)

"Fayyyeeeee!!!!" todo na ang sigaw ko sa babaeng yun pero hindi pa rin sumasagot. Napakalapit naman ng kwarto nya. Impossible namang hindi nya naririnig yun.

"Rose... o ikaw muna ang magtimpla nitong gatas.. pupuntahan ko lang yung babaeng yun.. Grabe naman sa bingi nun! ."

Batang to talaga... kahit kelan.. Ito na nga lang ang POV ko sa kwentong to.. pahihirapan pa ako. Sa mga di nakakakilala sa beauty ko.. Ako nga pala ang pambansang nanay sunod ke Mommy D. Uber mahal na mahal ang unica hija ko na si Faye at syempre ang mga apo ko. Anyway ayaw kong humaba pa ang exposure ko bilang atat na kayo sa kung anu ba talaga ang nangyari sa dalawang Love birds. Eto HINDI NAGKATULUYAN. PATAY NA NGA PALA SI ATHOS. chika lemeng! Eto na nga! Pupuntahan ko na ang napakaganda kong anak..

Pag bukas ko ng pinto, nakatalikod saken si Faye, nakaharap sya sa may bintana at suot ang Bathrob nya.

"Anu ba naman hindi ka pa bihis? wag mong sabihing kelangan pa kitang bihisan ha!" Lumingon sya saken at pinulot ko ang mga damit na nagkalat sa kwarto nya.

"Naaaaayyyyy..." ibinagsak nya ang sarili nya sa kama.

"Problema mo?"

"Itutuloy ko ba to? kinakabahan ako ehhh.." Kumunot ang nuo ko sa sinabi nyang yun.

"Teka teka teka ngang bata ka." Umupo ako sa tabi ng kama nya.

"Wag mong sabihing hindi mo itutuloy to? eh sobra sobra na ang lahat ng bagay. Sobrang pag hihintay mo sa kanya. tsaka di ba an tagal mo na ding hinintay to. o eh eto na ang pangarap mo." dagdag ko pa.

"Eh Nay, baka po hindi pa nya ako naalala eh."

"Sus eh anu pa bang pruweba ang kailangan mo. Ang sabi naman ng doctor okay na sya. Wala ng amnesia si Athos. Go ka na! Kasal nyu na nga oh! Aarte ka pa, kung kelan may kambal na kayo." Singhal ko sa kanya.

"Mag bihis bihis ka na! sinasayang mo ang make up ko. Tayo na lang an hinihintay dun. Bihis na din ang kambal ang cucute! andun sila sa labas. Naku mag babanas na ang mga yun dahil sa damit na suot." Pero sumimangot lang sya.

"Hoy! wag kang mag inarte! Maganda ka lang pero mas maganda pa rin ako dahil saken ka nagmana!" Tumayo ako at nilapitan ang wedding gown nya. tube cut ng gown nya at may mga bato sa itaas na bahagi. Plain lang ang baba pero may nagkalat din na swarovski na bato. Mahaba din ang belo nya. Naku mukhang prinsesa ang anak ko dito! Anung sinabi ni Marian Rivera pag nasuot na nya to! Pero... Mag aasawa na sya... Mag aasawa na an anak ko.. Nangilid ang luha ko sa isiping yun. Pero hindi ko pinansin...

"Halika dito. tulungan na kitang isuot to. ito na ang huling araw na makakapiling kita... magkakapamilya ka na... tapos..." hindi ko napigilan ang mga luhang pumatak sa mga mata ko.

Ito na yung pinaka masaya at pinakamalungkot na mangyayari sa buhay ko simula nung ipanganak ko si Faye. Masaya dahil makikita kong lumakad sya sa altar patungo sa lalaking makakasama nya habang buhay. Hindi sya matutulad saken na single mom. May makakasama sya hanggang pagtanda nya. Malungkot dahil iiwan na nya ako. Kung bakit kasi di ko pa pinush yung amerikanong manliligaw ko dati eh. Ayan tuloy, hashtag forever alone ang peg ko. waaaaahhhh!

Naramdaman ko na lang na niyakap nya ako sa likod. Ganito sya kapag seryoso ang sasabihin nya saken. Parang nung huling birthday lang nya.

"Nayyy... wag ka ng umiyak dyan. Kahit saan ako magpunta hindi ka mawawala okay? hindi tayo maghihiwalay. Aalagaan kita hanggang pag tanda mo. Ang gagawin kong to, eh lara madagdagan lang ang mga taong magmamahal at mag aalaga sayo. Hindi ibig sabihin na magpapakasal ako ay iiwan na kita. You'll always be part of me... forever and ever." Nilingon ko sya. Napakaganda ng anak ko. Simple lang ang inapply na make up nung baklang kumare ko. Nakataas ang buhok nya at may bulaklak pa sa gilid nito.

BABY under CONSTRUCTION [editing on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon