CHAPTER 2

39 4 3
                                    

ℍᗅℕℕᗅ ℙ⌾

Pababa ako ng hagdan nang maabutan ko ang isang napakapamilyar na lalaki.

"Jacob? Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ko na ikinagulat din ata n'ya kasi bigla siyang napatayo.

"Sinusundo kita? Dont worry, your mom let me in." Oh shit! Oo nga pala sinagot ko nga pala siya kagabi.

"Atsaka Hanna, pusa mo ba to? Kanina pa kasi masama ang tingin niya sa akin." Turo niya sa pusang mariing naka titig sa kanya. Agad ko namang kinuha ito, baka mamaya kung anong kabulastugan ang gawin.

"Baka gutom lang to hindi ko pa kasi siya napakain mula kagabi hehe. Teka lang ha hintayin mo ako rito." Paalam ko saka pumuntang kusina. Ibinaba ko to sa ibabaw ng lamesa.

"What are you doing here? At paano ka nakapasok, you intruder!" Tanong ko sa pusa na to. "Im here because it's my job,  and im a cat Hanna. Sino yung lalaking 'yon?" Well, oo nga pala nakalimutan ko na ipakilala sa kanya si Jacob.

"Boyfriend ko bakit? Ah oo nga pala my boyfriend ako so paano ba yan paki sabi sa prinsipe niyo na my boyfriend ako."Pagmamayabang ko.

"At sino niloko mo? I almost followed you for about a month, Hanna. You can't fool me." Argh! Stalker na pusa. Engleshero pa!

"Whatever. Tapos na ang usapan na to papasok na kami ng BOYFRIEND KO." Bahala ka basta ipapamukha ko sayong my boyfriend ako. "What!? Hindi bat kabilin bilinan ko na dito ka lang sa bahay. Ako malilintikan sayo e!"

Nagulat kami pareho ng biglang sumulpot si Jacob.

"Are you talking with your cat? Dont know na mahilig ka pala sa pusa . Were going to be late tara na?" Tumango na lang ako sa pagkagulat. Akala ko pa naman at nahuli na kami baka mamaya ano pang sabihin at naaaning na bigla yung babaeng ginusto niya.

Binalik ko ang tingin ko sa pusa at inirapan . Ayon ang sama sama ng tingin sa akin. Manigas ka diyan!

Habang naglalakad kami actually its feels so awakward wala naman talaga kasi akong gusto kay Jacob, naisip ko lang na kung sakaling my bf ako e, lulubayan ako ng mga pusang 'yon. But i guess its not going to work. Jacob is totally an ideal man, pati nga bestie ko crush siya. Pero ewan ko ba sadyang hindi lang ako handa maki pag relasyon kaya i keep on avoiding him. I know this is not a good idea na gamitin siya pero i dont have a choice. Kesa naman sabihin ko na kung pwede ba siyang magpanggap na boyfriend ko para hindi na ako ikasal sa pusa di ba? Tingnan ko lang kung anong isipin nun. Eh bakit kasi hindi na lang si Amy ang ginusto niya.

Pagdating namin sa school syempre like the normal couples do hinatid ako ni Jacob sa classroom na ikinagulat ni Amy.

"O to m to the g what is the meaning of this ?" Tanong niya. Palipat lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa at naghihintay ng kasagutan.

"I guess i have to go? See ya around. " Paalam ni Jacob na nakuha pang humalik sa pisngi ko na ikinagulat ko.

"OMG! Kayo na!? Wow totoo? Sasagutin din naman pala pakipot ka pa." Tukso ni Amy na tinutusok tusok pa tagiliran ko. As if naman balak ko talaga s'yang sagutin. Kung pwede lang ilipat ang feelings ni Jacob kay Amy matagal ko ng ginawa.

Matapos ang mahaba habang oras sa wakas uwian na namin at mula nga 'yung nangyare at naipakilala ko si Jacob doon sa pusa na 'yon hindi ko na nakita ni anino niya. Im glad at mabuti naman sana nga magtuloy tuloy na. Ang ganda tuloy ng araw ---- binabawi ko na! Sa dinami dami pa ng makikita ko, pagmumukha pa niya! At ang kapal kapal talaga ng pagmumukha ng pusang to. Tulad ng lagi niyang ginagawa pag nakikita ko siya, dinidilaan nanaman niya ang katawan niya at sa harap pa talaga ng gate hindi na nahiya! Napapairap tuloy ako ng wala sa oras.

Dapat pala pumayag na lang akong ihatid ni Jacob pauwi ng bahay. Eh kasi naman naano na ako ng konsensya ko kahit na isang araw pa lang naman na kami.

"Anong ginawa mo dito?!" Tanong ko sa kanya ng hindi man lang nag-abalang tingnan siya ng maramdam kong sumusunod na s'ya akin.

"Di ba sabi ko sayo my boyfriend na ako. Kaya paki sabi sa prinsipe ninyo tantanan na niya ako." Dugtong ko pa. Eh bakit ba kasi hindi na lang sumuko! Pahihirapan pa ako e.

"Sinabi ko na kaya huminto ka sa kakadada mo, Hanna. Ako naririndi na sayo. Wag mo ko kausapin." Napahinto ako sa paglalakad. Sa dinami dami ng sinabi ko ganyan pa isasagot sa akin. E kung tadyakan kaya kita diyan! Hindi ko naman mapatulan kasi baka ako pa lalabas na masama at pinapatulan ko ang isang pusa.

"Keep moving wag kang huminto sa paglalakad." Utos pa nito na hindi ko sinunod. Nakatalikod pa rin ako sa kanya.

"Natatanaw ko si Raven at ikaw ang pakay niya. I'll distract her , magkita na lamang tayo sa bahay mo." Kusang naglakad ang mga paa ko para makalayo doon. Eh sa mahal ko buhay ko kung sino mang Raven yan. Wala naman akong ginagawang masama sa Raven na yan e bakit ba hina-hunting niya ako.

Nang matanaw ko na ang bahay mabilis kong tinakbo ito at agad agad na pumasok sa loob. Agad ko na sinara ang pinto at bintana ng bahay.

"Hindi ka niya masasaktan. I won't not let that happen." Napahawak ako sa dibdib ko sa pagkagulat. Napaharap ako sa likudan ko at isang kulay abong pusa na litaw na litaw ang mga kulay asul nitong mga mata ang nakaupo ngayon sa sofa namin.

"At sino ka naman?!" Gulat na tanong ko rito. Humikab naman ito bago nagsalita."Welcome naman siguro ako sa bahay ng prinsesa ko hindi ba?" Sabi nito.

"Ano bang pinagsasasabi mo d-diyan!" Isa pa tong pusang to eh. Napakamalas ko naman ngayong araw na to.

" That's exactly why I chose you to be my wife." Mga 5 minutes siguro bago nag proseso sa utak ko ang mga sinabi niya.

S-siya? Siya na ba yung prinsipe na ipapakasal sa akin? Hindi na rin masama kasi maganda ang kulay niya sa totoo lang lalo na ang mga asul nitong mata. Pero hindi maaalis na pusa pa rin siya.

"Isa nga akong prinsipe ngunit hindi ko naman makuha ang babaeng nasa harapan ko ngayon." Tuluyan na siyang umalis sa sofa at lumapit sa akin.

"Just because im a cat? Tell me." Kahit na pusa siya ramdam ko na seryoso siya sa mga sinasabi niya. Eh sa totoo naman kasi pusa siya at tao ako, hindi talaga yun para sa isat isa. "No matter what happen, tuloy pa rin ang kasal my princess." Saka siya tumalikod sa akin at pumuntang kusina. Nilapitan niya ang bukas na bintana at kitang kita ko paano siya muling sumulyap sa akin.

"Magkikita pa ulit tayo and i will make sure i will make you mine." Dugtong pa nito bago tumalon palabas.

AHHHHHHH! I hate you!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MARRYING THE CAT PRINCEWhere stories live. Discover now