1

241 2 1
                                    

Hi! hello! mabuhay! ako nga pala si Chris Dala Pasia, 18yrs old, 1st year collage sa isang sikat na unibersidad sa maynila. Isa po akong gay as in baklang bakla kaso short hair pa ako eh bawal kasing mag pahaba ng buhok dito sa school na pinasukan ko, kaya ito tiis tiis muna last year ko naman na ito eh lilipat na ako next year. by the way ipapakilala ko sa inyo ang aking bestfriend since elementary pa si Randy Salazar 18 yrs old na rin siya at mag ka birthday pa kame dito rin siya pumapasok sa pinapasukan ko at isa siyang straight guy, yup lalakeng lalake ito kaso saksakan ng torpe tatlong beses pa nga lang yata ito nag ka girlfriend eh minsan pa ako pa yung nag pupush na mag girlfriend na siya. Hindi naman siya ilang sa akin kahit na nung elementary pa lang alam na niyang gay ako sabi niya kasi aanhin niya daw yung mga lalake niyang kaibigan kung hindi naman mga totoo atleast daw ako mapag kakatiwalaan mabaet at maaasahan. Mabaet naman din itong si randy close na rin kami ng pimilya niya minsan pa nga dun ako natutulog pero walang malisya kahit na minsan ang landi namen sa isat isa. Minsan nga sinasabihan na siya ng ibang tao na bakla rin siya kasi sama daw siya ng sama sa akin pero dedma lang siya sa mga yun ang bestfriend nga naman hindi ko na nga kailangan ng boyfriend eh kasi nandiyan naman siya palage sa tabi ko siya pa nga nag tatangol sa akin minsan eh. at tinatawag namen ang pag friendship namen na Bromance :D. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip namen na mag kakatuluyan kame.

Monday, nandito ako sa school at mukang Bc nanaman ako this day prelims kasi namen sa miyerkules at kailangan ko maihabol yung mga reports at project ko last day pasahan na kasi bukas eh kay ito kahit bacant hour ko ngayun andito ako sa library at super gawa ng mga ipapasa ko. "chris nandiyan ka pala kanina pa kita hinahanap." pabulong na sabi sa akin ni randy "ou eh may tinatapos pa kasi akong ipapasa bukas" sagot ko sa kanya, "tara mamaya na yan punta muna tayo ng cafeteria nagugutom na ako eh" "mamaya na lang kailangan ko talaga ito tapusin kaya mu naman kumain mag isa diba", "hindi tara na mamaya na nga yan" at sabay hila sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi sumama sa kanya kahit hindi ko pa tapos yung ginagawa ko.

Habang papunta kami sa cafeteria may dalawang lalakeng lumapit sa amen "hey bro! ang ganda naman ng chik mu" sabi ng isang lalake habang hawak ang braso ko, "bitawan mu nga ako" sabay piglas ko sa kanya, "aba pre lumalaban itong baklang ito ah" pasigaw na sabi ng isa pang lalake, "ou nga pre eh sarap halikan eh" sabay nilapit ng lalake yung muka niya sa muka ko at yung tipong malapit nang mag lapit yung mga labi namen sabay tulak sa kanya ni randy , "pre nakakabastos ka na ah kaibigan ko ginagago mu", "baket lalaban ka" sabi kay randy ng isang lalake sabay suntok kay randy buti na lang naka ilag si randy at siya naman ang sumuntok tumulong naman yung isang lalake kaya nasuntok din nila si randy hangang sa mag rambulan na sila dun at mukang nakakawawa na si randy buti na lang dumating yung guard  ng school at pag ka pito nito tumakbo palayo na yung mga lalake at nilapitan ko agad si randy at pinapunta na kami ng guard sa clinic.

Grabe yung mga lalake na iyon buti na alng hindi masyadong nasaktan si randy pumutok lang yung nguso niya pero maliit lang naman. saglit lang kami ni randy sa clinic at pagkatapos nun bumalik na ako sa room ko mag sisimula na kasi yung klase ko siya mamaya pa daw kaya iniwan ko muna siya.

Pag katapos ng klase ko sabay na kaming umuwi ni randy.  "Kasi naman ikaw eh baket mu pa kasi pinatulan yung mga gago na yun yan tuloy napahamak ka pa" sermon ko sa kanya,  "nako, panu kung hindi ko sila pinatulan ikaw naman ang napahamak, konsensya ko pa pag nang yare, tama lang yun sa kanila" sagot niya sa akin "asus tara na nga at may gagawin pa ako" .

Nung magkahiwalay na kami ni randy may nasalubong akong isang grupo mga basketball player may dalang bola eh tapos naka rubber shoes pa at parang nakikilala ko yung isa sa kanila actually sila palang lahat "uyy and2 pala ang prinsesa ng barangay" pang asar ni kuya mark pinsan ko sabay tawanan ng mga kasamang niyang kolokoy, hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso na ako nung makalagpas na ako sa kanila may tumawag bigla sa akin "chris!" nung lumungon ako bigla na lang ako kinilig haha ewan si Chasten kasi yung tumawag isa sa pinaka gwapo d2 sa sa barangay namen pag lingon ko sa kanya kinawayan niya ako tapos biyon binatukan siya ng mga kasama niya sabay kanchaw sa kanyang "binata ka na boyy" sabay tawanan sila at umalis na sila. si chasten kasi yung ultimate crush ko dito sa amin, kahit magkaibigan na kami hindi ko parin talagang maiwasang kiligin pag kinakausap niya ako eh.

I fall inlove with my best friend (My Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon