Kisha's POV
Saturday ngayon, at pag saturday ibig sabihin nun maglalakwatsa ako mag-isa. Eh ba't ba? LONER ako eh. Sanay na din ako. Abaaa nagdrama! haha. Nasa SM NORTH ako ngayon nag gagala kasi nga sabado diba?! ano uulititn ko nnaman yung sinabi ko kanina? -___-
"Haay nakakapagod maglakad" bulong ko. Paalala lang di ako baliw! Pumasok nalang ako sa tindahan mukhang masarap naman pagkain nila dito.
"Miss. Isang coffee frape nga. Tsaka isang slice mocha cake." Sabi ko sa cashier alangan naman kasi sabihin ko sa customer diba?
"Okay ma'am, Mag- isa lang po kayo?" napa simangot ako sa sinabi ng cashier saken. Ipamukha ba naman saken na loner ako o baka may kasama ako kaso di ko nakikita?
"Ay, Opo ako lang po mag-isa." sabi ko sa cashier na naka simangot, di ba halata?
"oww, hehe Dine in po ba o take out?"
"Dine in." tumango-tango yung cashier.
Nilibot ko paningin ko, nag hahanap ng bakanteng upuan.
"Kakainis naman ano ba tong tindahan na napasukan ko? Dating area ba 'to?" kaya siguro nagulat yung cashier na mag-isa lang ako. May umalis na sa isang table doon maglalakad na sana ako na may umupo doon bigla.
"Mangaagaw to. Ako nauna eh." Bulong ko kahit na di pa ko nakapunta dun sa table na yun.
"Ganyan talaga miss. Dapat kasi binilsan mo maglakad para di ka maunahan, di mo naman pwedeng sabihin na ikaw na-una kung di ka pa dun nakakarating, parang pag-ibig lang yan eh. Panliligaw ganon, Mauunahan ka talaga kung babagal-bagal ka. Kaya dapat gumawa ka agad ng paraan para malapitan sya yan may nauna tuloy sayo. di porke ikaw nauna nakakita eh sayo na. bakit? Nalapitan mo ba?" sabi nung lalaki sa isang lamesa. Wow! Maypinag dadaanan yata to ah?
Humarap ako sakanya at umupo sa harapan nya, wala naman nakaupo eh mukhang mag-isa din sya magandang tiyempo para makishare ng mesa.
"May pinag dadaanan ka po ba? Ba't pinagkumpara ang lamesa sa pag-ibig na yan? di ko gets. pero well, kung para sayo talaga yung mesa para sayo. Baka di talaga para sakin yun baka dumaan lang yun sa buhay ko." O ayan! nakiki lamesa pa tuloy ako dito!
"Hahaha! meron sguro? You have a point there pero. Pwede mo naman ipaglaban yung mesa diba? ang problema lang eh sumuko ka agad. Nagpapadala ka kasi sa flow. Yung go with the flow ka lang." sagot nya, Tama din sya. Sumubo ako ng cake. at uminom sa coffee frape ko, infairness masarap to ah.
"Tama ka nga dun, pero kung ipinaglaban ko yung lamesa ibibigay nya ba? Ipapaubaya nya ba? Pano pag hindi? Nagmukha lang akong desperada? Eh kung hayaan mo nalang at maghanap ng iba edi di ka pa naka agaw ng atensyon." Tumingin ako sakanya at ngumiti nagugustuhan ko to. feeling ko kasi ma pinagdaraanan to at need nya ng advice kaya dinaan nya saganito.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionPaano kung ang dancer at ang super dancer naglaban at meron kayong deal na Kung sino ang Matatalo ay bibigyan ng 1buwan na parusa.. You wanna Join or Die?