Prologue

10 3 1
                                    

" Patayin mo na, Red" Muli kong itunutok ang baril sa isang lalakeng masayang nakikipagusap sa kapwa niya katrabaho, mukhang may pinaguusapan silang mahalaga.

" Yung mga cctv, ayos naba?" muli kong nilingon ang aking kapatid, habang matapang pang naninigarilyo sa tabi ko. " Andoon na si Calyx. Walang bakas ng mukha natin ang makakakita doon"

Isang hithit ng sigarilyo, at hinatak niya ako sa tabi niya. Patago sa kung saan, na walang makakita. Muli kong pinwesto ang aking mga baril sakanila. Hinagis ni kuya ang kaniyang sigarilyo sa isang plato ng kasama nila.

Nagsitayun ang lahat. Nagkagulo, at tila ba hinahanap kung saan nanggaling ang sigarilyo.

" Ngayon na" Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong kusina.

" Tangina" isang binatang lalake ang narinig kong nagmura, mukhang kakarating niya at sobrang nagulat na makita ang kaniyang ama na nakahiga na ngayon at nilalamon ng sarili niyang dugo. Hindi pa ako nakuntento at muli ko itong binaril sa dibdib niya, "Barilin mo rin ang lalakeng iyon" Agad akong umiling, pinasasadahan ko  nalang ng bala ng baril ang kaniyang kapatid sa balikat. Lahat ay nakatingin na sa gawi namin, walang nagaabalang umakyat at tignan kami.

" Maghanda kana, anjan na si calyx at mga pinsan natin, umalis na tayo dito."

Walang pagalinlangan ay muli akong tumingin sa gawi nila. Nagiiyakan at hinihiyaw ang pangalan ng nayumao nilang kamaganak.

" Pagbabayaran nila ang lahat ng to" Saad ko saaking kapati.  Sa huling pagkakataon ay lumingin ako sa gawi nila, alam kong namamalik mata lang ako at malabong makita niya ako sa dilim ng pwesto namin.

"Pero hindi kita idadamay" Bulong ko sa aking sarili, bago kami tuluyang umalis.

If loving you is a sin, forgive me. (Assassin series #1)Where stories live. Discover now