Where did ella go ??

34 0 0
                                    

Ella's POV
Yun ! Lunch na. Makakakain na din. Gutom na talaga ako, kanina pa. Hahaha.

Ang boring naman kasi pag first day. Lahat ng subjects puro pakilala dito pakilala diyan.. Ay nako. Hahahaha.

Kami G9 pa lang pala ang maglulunch. Di pa lunch ng ibang level, di ko pa alam mga sched. Nila eh. Hahahaha.

Every year kasi kinakabisado ko yung mga sched. Nila.

Pabababa na kami sa 2nd floor nang tawagin ako ni sir. Bakit kaya ? "Guys una na kayo sa canteen. Tawag pa ako ni sir eh." Ako. "Sige. Sige. Sunod ka na lang ha." Kate. "Oo naman. Susunod ako. Hahaha."

Bumaba na sila at ako naman pumunta na sa faculty room, kumatok muna ako bago pumasok. Wow ganda ng pinto kahoy na dati plastic lang. Haha. Pagpasok ko nagulat ako nandun si Peter. Ano ginagawa niyan dito ?! Ano ba naman yan.

Wait guys di ako galit sa kanya sa totoo lang, may crush ako diyan. Ang pogi kaya niyaa. ❤️ shh lang kayo ah.

"Sir bakit po ?" "Samahan mo ito si Peter ikutin ang buong school." "Ahh yun lang po ba.. WAIT SIR ? ANO PO YUN ? SAMAHAN SI PETER IKUTIN ANG BUONG SCHOOL ?" Ako gulat na gulat. "Oo bakit ? May masama ba dun ?" Sir na mukhang nang aasar. "Wala naman po. Bakit pa kasi ako sir nandiyan naman sila sabea, mae at kate." Tumawa na lang si sir. "Sige na. Samahan mo na siya."

Bakit ba kasi ako nagrereact eh gusto ko din naman ! Hahahaha. Para di halata, ganern. Adik ko. Buti na lang maliit tong school. Haha.

Lumabas na kami ng faculty room, "Tara na ?" Sabay smile, siyempre pacute. Joke. Di ako ganun. "Tara" woaaah. Ang cute ng voice niya.

"Simulan natin sa 3rd floor." Umakyat kami sa taas. Una kong tinuro sa kanya ang room ng G10 sunod room ng G8 at yung room ng G7.

"Yun lang naman ang meron dito sa taas." Ako. Yun lang ang alam ko eh. "Ella ! Wait lang ! Ano yung isa pang room na yun sa tabi ng G8 ?" Siya. First time, ang haba ng sinabi niya. ❤️ linapitan ko iyon. "Ahh yan. Sorry nakalimutan ko. Yan nga pala ang music room." "Ginagamit niyo yan ? Or pinapasukan niyo ?" Siya. "Di. Minsan lang." "Ahh." "Tara na baba na tayo."

Ang weird niya. Kanina pa siya tumitingin sa akin ng palihim. Anmeron ? Habang bumababa kami.

Nagulat ako nang nagsalita siya. "Uhm. Ella, can i get your number ?" WOAH ! OMG. GRABE. KINIKILIG AKO. NAGSMILE AKO NG PALIHIM. " Oo naman. Ito oh, 09123456789" kinikilig ako habang sinasabi ko yan. Nagpipigil lang. Haha "Ahh. Thanks. Pakilala na lang ako pag nagtext." Tumango na lang ako dahil di ko na kayang magsalita pa. Hahaha.

After 10 minutes, natour ko na siya sa lahat at nagpaalam na din ako sa kanya. Bumaba na kami sa canteen.

Kate's POV
(Ito yung time na tinatanong ni peter ang number ni Ella)

Grabe. Ang tagal nung babaeng yun. 20 minutes na lang tapos na ang lunch. Makakakain pa kaya yun ? Ano ba kasing pinagawa dun sa babaeng yun ! Apaka tagal. Haha.

"Ang tagal ni Ella." Sabi ni Mae, pati pala sila. Haha. "Guys ayan na si Ella oh !" Sabi na sabea. Lumingon ako at nakita ko si Ella.. Na may kasamang lalaki at ang masakit... Si peter ! Nagtatawanan pa sila. Aray.

"Kate ! Nakakain na kayo ?" Tinignan ko siya wala na si peter. "Oo. Kanina pa. Tagal mo kasi eh. Haha. Ano ba pinagawa sayo ?" Curious eh. Lalo na magkasama pa sila ni peter. "Sabi kasi ni sir Samahan ko daw si peter na ikutin ang buong school." Ouch. Bakit siya pa ?? Pwede namang ako eh.

Tumango na lang ako pagtingin ko sa kanya hawak niya cp niya may katext ngumingiti pa. Kanina pa yan ah.

"Hoy babae ! Wala ka bang balak kumain ? Kanina ka pa text ng text diyan ah." Ako. Concern bestfriend hereee. "No. Mamaya na lang, sabay daw kami ni peter. Siya nga pala yung katext ko kanina pa." Ouch again. Ano na bang meron sa kanila ? Sandali lang silang nagkasama ah. Hay.

Teka bat ba ako nagkakaganto ? Crush ko lang naman si peter diba. Pero bat nagseselos ako. Mahal ko na ba siya ? Ugh. Di pwede.

"Tara akyat na tayo." Ako. Habang paakyat kaming apat, iniisp ko hahayaan ko na lang silang dalawa, ayoko magkaron ng away. Lalo na at bestfriend ko pa.
~
Hi guys. Sorry ah ngayon lang ako nakapagupdate. So here is the chapter 4. :))
-Author Amica :))))

No matter what happens...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon