Jealous ?

24 0 0
                                    

Ella's POV
*After 1 week*

Ang himbing himbing ng tulog ko nang biglang tumunog yung alarm clock. Ugh.

Lunes na naman pala ngayon. Ayoko pa bumangon, pero wala akong magagawa dahil pag di pa rin ako bumangon magagalit sakin si mommy.

Bumangon na ako at pinatay yung alarm clock.

Pumunta ako sa walk-in closet ko para kumuha ng towel at pumasok na sa bathroom.

After 30 minutes, nagbihis na ako at bumaba na. Pagbaba ko nandun na si daddy at mommy.

Umupo na ako at nagsimulang kumain, nagulat ako ng nagsalita si daddy. "How's school ?" Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si mommy. "As usual. Alam mo naman wala na namang ibang ginawa yan dun kundi makipagharutan." Tas tumingin sa akin. Haay.

Nahusgahan na naman ako. Ako na lang lagi. Nagbuntong hininga na lang ako at umiling, di ko naman pwedeng kontrahin eh kasi pag kinontra ko, wala. Sasabihin lang sakin bakit di ba totoo ? Pag sumagot naman ako na hindi sasabihin sa akin, wag ka ngang magsinungaling kaya kahit di nama totoo kailangan kong sabihin na totoo po.

Natapos na akong kumain at umalis na. Habang naglalakad ako nagulat ako ng may tumwag sakin. "Ella !" Paglingon ko si cha pala. Kaklase din namin yan. Kaibigan ko rin. "Oh bakit ?" Tanong ko, di kasi kami masyadong naguusap niyan eh, "pwede mo ba akong tulungan ?" Sabi na eh.

Nilalapitan lang kasi ako niyan pag may kailangan siya sakin. "Saan ?" Tanong ko. Nacurious ako eh. Saan ko naman kasi siya tutulungan, eh sobrang talino niya ? Hay nako.

"Uhm, ano kasi eh. Yung ano, may ano." Hala. Ano daw ? Wala akong naintindihan. "Huy, ano ba yun ? Puro ano lang naintindihan ko sayo eh." "Pwede mo ba akong tulungan na mapalapit kay Mae. Feeling ko kasi gusto ko na siya eh." Sabay kamot sa batok.

"Hahaha. Yun lang ba ? Sure, tutal bagay naman kayo eh. Hahaha. Ikaw ah inlababo ka na pala." Tumawa na lang siya at nagthank you.

Sabay na rin kami pumunta sa school. Pagpasok ko umakyat na agad ako kasi 5min. Na lang.

Pag akyat ko, "Uy Ella, Bat sobrang tagal mo ?" Tanong ni Kate. "Grabe naman yung sobra ? OA na, hahaha. Wala naglakad kasi ako kaya napatagal." Sabi ko. "Ahh." Sabi ni Kate.

Kate's POV
Grabe ang tagal naman ni Ella. 5min. Na lang dadating na si sir.

Usually naman di yun nalalate eh. Maya maya may pumasok. Si ella "Uy Ella, Bat sobrang tagal mo ?" Tanong ko. "Grabe naman yung sobra ? OA na, hahaha. Wala naglakad kasi ako kaya napatagal." Sabi niya. "Ahh." Yun na lang nasabi ko.

Pero di ako naniniwala sa sinabi niya. Feeling ko may tinatago sakin tong babaitang to eh. Kasi dati kahit naglalakad yan di naman siya nalalate. Mas nauuna pa nga siya sa akin eh. Mamaya nga tatanungin ko ulit to. Makulit ako eh

Ella's POV.
Habang may klase nagulat ako nagvibrate phone ko, sinilip ko ng palihim at nakita ko ai Peter nagtext.

Napatingin ako sa kanya pero Wala nakikinig lang siya. Ito talagang lalaking to. Haha.

Ito yung convo. (P-Peter E-Ella)
P: Hi Ms. Beautiful.

E: Peter, ang aga aga nambobola ka ah.

P: Wala man lang bang Hello Mr. Handsome ?

E: Ang drama mo ah. Oh edi Hello Mr. handsome. Ok na baa ?

P: Yan good.

E: Jusko ka. Haha. Ano bang trip mo ? May klase oh. Baka mapagalitan pa tayo.

P: Gusto lang kasi sana kita tanungin kung pwede ba ulit tayo sabay maglunch ?

E: Suure. Haha

P: ok. So see you later ?

E: see you later. :)
~End of Convo~
After ilang minutes recess na. Tumakbo papalapit sakin si peter at "Tara na ?" Tanong niya. "Saan ?" Sabi ni Kate. "Sabay kami maglulunch eh." Sabi ko.

"Di ka na naman sasabay sa amin ?" Tanong niya ulit. "Uhmmmm.... Di na muna siguro." Sabi ko tumango na lang siya tapos umalis na. Pagkaalis niya umalis na din kami ni Peter.

Kate's POV
Waaaaaah. Sabay na naman sila. Kami kaya kelan magsasabay ? Ang drama. Sorry na.

Pinuntahan ko na sila Mae nauna na kasi sila dahil gutom na gutom na daw sila. Haha.

Paglapit ko dun biglang tumayo si Mae, at para bang may hinahanap sa likod ko. "Uy Mae, Anong ginagawa mo ?" Tanong ko. Ang weird eh. "Ayy sorry. Asan ba si Ella ?" Ahh yun pala. "Si ella ba ? Kasabay niya ulit si Peter eh." Sabi ko.

Tumango na lang siya at kumain ulit. "Sabay na naman sila ?" Biglang nagsalita si Sabea. "Oo nga eh. Lagi na lang silang sabay, di na siya masyado nakakasabay sa atin. May something na ba sa kanila ? Sana meron na. Bagay sila eh." Sabi ni Mae. Weh ? Bagay sila ? Ouch. It hurts. "Oo nga bagay sila." Gatong naman ni Sabea. Super ouch.

"Weh guys ? Bagay sila ?" Tanong ko di kasi ako makapaniwala. "Oo. Bagay na bagay." Sabay nilang sabi. Ano pa bang magagawa ko ? Boto sa kanila mga kaibigan ko.

Tumahimik na lang ako. After ilang minutes biglang nagsalita si Mae. "Uy yare sayo ? Natahimik ka diyan ?" "Ako ? Di naman haha." Sabay fake laugh.

"Eh ? After nung sinabi namin kanina di ka na nagsalita. Teka nga, nagseselos ka ba ?" Sabi ni Sabea. Shoot. Nahalata niya. "Ako ? Magseselos ? Kanino naman ?" Tanong ko. "Kay Ella at Peter." Sabi ni Sabea.

"Kay ella at peter ? Di ah." Pag tanggi ko although its true. "Wag kami Kate. Kilala ka na namin eh." Mae. Am i really jealous ? But why ? Do i love peter already ?

•••

Guuuys ! SORRY SA SUPER LATE UPLOAD NAGKAPROBLEMA KASI AT NAGLOLOKO NET NAMIN. SORRY TALAGAAAA
-Author Amica ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No matter what happens...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon