one shot story

2 0 0
                                    

"Flay crush ka daw ni Kisha," sigaw ng kupal kong kaibigan na si Venice

Dahil sa pagsigaw niya pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante sa buong campus. Madami na din siguro ang galit sa akin, dahil hindi lang naman ako ang may gusto kay Flay. Bukod sa campus crush matalino rin and ideal man talaga siya ng karamihan isa nako dun.

"Kupal ang ingay mo pinagtitinginan tuloy nila tayo," saad ko sabay batok sa kanya

Andami na naman siguro ang magchachat sakin na iuncrush ko na si Flay. I tried but I can't. Diko kayang iuncrush yung taong yun ang gwapo niya kaya. Masyado siyang pogi para iuncrush lang ng ganun ganun.

"Ang sakit kupal ah. Tiyaka sinabi ko lang naman yung totoo," saad niya

"Kupal ka tara na nga," saad ko

Ang awkward na tuloy maglakad sa hallway. Lahat kasi sila pinagtitinginan ako na para bang maya maya ay papatayin na nila ako. Para tuloy ayaw ko ng pumasok bukas.

"Kisha ang kapal din ng mukha mo noh," Saad ni Freya

Isa sa mga may crush kay Flay si Freya. Lahat ng may gusto kay Flay inaaway niya, how pathetic. Puro na lang away ang nasa utak para lang makuha ang gusto niya.

"Pwede ba Freya may klase pa kami," Saad ko

Minsan napagkakamalan na namin siyang buntot ni Flay. Lagi kasing sumusunod. May galit sakin yan. Laki ng galit niya sakin lalo na nong magkagrupo kami ni Flay sa dula dulaan at kapartner ko siya. Hindi ko naman kasalanang ako ang ginawa niyang Laura at siya si Florante. Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin makalimutan ni Freya yun.

"Hindi naman ako pumunta dito para makipag away. Pumunta ako dito para ipaalalang sa akin lang si Flay." Anlaki naman ng dream ni ate

"Kelan pa siya naging sayo?" Tanong ni Venice

"Matagal na tiyaka bakit kaba nakikisali si Kisha kaba?" Ang yabang wala namang respeto

"Kaibigan ko siya kaya may karapatan siyang sumali," Saad ko

Tumalikod na kami ni Venice ng hinila ni Freya ang buhok ko.

"Ano ba Freya nasasaktan ako!" sigaw ko habang hawak hawak niya ang buhok ko

Agad sinabunutan ni Venice si Freya dahilan para mabitawan niya ang buhok ko. Pilit kong pinigilan si Venice ngunit malakas ang kapit niya sa buhok ni Freya. Biglang dumating si Eyah na kaibigan ni Freya. Sinabunutan niya si Venice. Dahil sa inis ko sinabunutan ko siya dahilan para mapasigaw siya.

"Ano ba Kisha nasasaktan ako!" Sigaw niya

"Una sa lahat.. ayoko ng sinasaktan ang mga kaibigan ko!" Saad ko habang hawak ang buhok ni Eyah

Umabot din ng ilang minuto ang pagsasabunutan namin at bangayan. Medyo sumakit ang anit ko dahil sa nangyari.

"Dapat kasi di mo na lang sinabi na crush ko si Flay eh" saad ko kay Venice

"Ano namang masama dun? Tiyaka matagal ko na ding gustong sabunutan yang Freya na yan," galit na galit naman toh

Sa susunod hindi ko na talaga sasabihin kay Venice kung sino ang crush ko ang ingay kasi eh. Napapahamak pa ako kapag kasama ko siya. First time ko pa naman ma guidance.

"Ms. Kisha sumama ka muna sa akin," tawag sakin ni Flay

Sumunod na lang ako sa kanya. Ang awkward kasi andaming tumitingin sa amin. Dapat pala hindi na lang ako sumama baka kung ano pa masabi ko sa kanya di kopa naman mapigilan bunganga ko.

"Flay saan ba tayo pupunta?" Sabi kona nga ba eh kung ano ano lang masasabi ko.

"Just follow!" He said in a cold tone

Stranger's Become LoversWhere stories live. Discover now