Chapter 36: Untitled

2.7K 50 2
                                    

YOHANN's POV

"Nakalagay doon na sa oras na maghiwalay sila, bukod na sa kan'ya ka dapat mag-stay, sinabi rin niya na pati ang presence ng mommy mo kailangang mawala sa 'yo. To make it short, gusto niya na mawalan kayong dalawa ng koneksyon sa isa't isa."

"Hindi ko rin alam ang rason ni Devon kung bakit siya pumayag doon... Siguro sa takot na rin."

"Your dad actually threatened her just for that agreement."

Paulit-ulit na nagf-flashback sa utak ko ang mga sinabi ni lola kanina ng makausap ko ulit siya.

Parang ayaw mag-sink in sa utak ko ang iba sa mga sinabi niya.

A big question mark in my head right now. Why would he threatened her just for me to stay with his second family? What is he trying to do?

Hindi ko maiwasang isipin. Kaya ba nagagalit palagi si dad sa tuwing bukang bibig ko si mom ay dahil doon? Gusto niya na mag-focus nalang ako sa bago niyang pamilya. Pero bakit kailangang idamay niya ako doon? This is freaking crazy!

*Knock Knock*

Bumaling ako sa pinto. Nagbukas iyon at nakita kong pumasok si ate.

"Nakauwi na lang ako at lahat hindi ka pa rin yata nakakalabas ng bahay para gumala. Sabi ni lola buong maghapon ka lang daw na nandito." naupo siya sa couch na katapat ng kamang hinihigaan ko.

Bumangon ako at muling bumaling sa kan'ya.

"I'm just waiting for mom. Hindi siya dumating kagabi. Alam ba niyang nandito tayo?"

"Of course! Maybe she's too busy? Bakit mo ba kasi siya hinihintay? Matagal ka pa namang mags-stay dito. You can still see her."

"May gumugulo lang kasi sa 'king bagay na gusto kong itanong sa kan'ya."

"What is it?"

"Basta. Siya lang ang makakasagot noon."

"Tsk! Hindi ka ba magbabakasakali na baka alam ko?" she rolled her eyes.

I laughed mockingly and shook my head.

"Alam ko naman kasing hindi rin."

She sighed.

"Fine. Whatever."

"Hindi ka rin ba umuwi kagabi?"

She nodded.

"Yeah, nagsabi naman ako kay lola. I'm with my friends the whole night. Jone and Ylon, still remember them?"

Kunot noo akong umiling.

"Not really. Familliar lang ang pangalan nila."

"Hm, sabagay, matagal ka ring hindi nakabalik dito at hindi sila nakita. Let's go."

"Saan naman?" kunot noong tanong ko.

"Ngayon ang drop off ng new designer's clothes and other stuffs sa botique. May celebration after that."

"You know I'm not into that kind of stuffs. Ikaw na lang ang pumunta." muli na lang akong nahiga sa kama.

"I'm part of that business. You should be there as well! Ayaw mo bang masaksihan ang successful business na pinagkakaabalahan ng ate mo dito?"

"I-video mo na lang and send it to me so that, I can still witness the happenings there." I sarcasticly said habang nakapikit ang mga mata ko. Trying to sleep.

Naramdaman ko ang pagbato niya ng unan na hindi naman tumama sa 'kin at pagtayo niya sa gilid ng kama. Nakatalikod ako mula sa kanya.

"Sira ka talaga! Bumangon ka na nga dyan. Samahan mo ako."

This Annoying Guy Is My First Boyfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon