Nadin's POV
#Tumawag si Koby
...
Nadin, pwede ba tayo magusap?
...
tungkol saan Koby?
...
Magkita tayo mamaya sa Bo's Cafe.
...
Sige Koby.
...
Okay sige bye.
Binaba ko na ang phone. Kinakaban ako. Bakit kaya sa personal pa? pwede namang sa tex nalang :/
5:36 na, antagal naman ni Koby. Ako yung babae ako pa yung pinaghihintay. Umalis nalang kaya ako? Nakakainip. Nakailang kape na ko. Haaaayyyys! Paalis na sana ako. nang bigla siyang dumating.
...
Sorry beb. Nagusap rin kasi kami ni jerica. medyo natagalan.
#Kung mapapansin niyo nagusap ulit sila ni Nadin at Koby sa personal. Kasi nung una sa tex lang sila nagkausap.
...
So ano na ba yung paguusapan natin?
Kinakaban talaga ako. Taeeeeee! :3 Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pinagpapawisan yung kamay ko. Hindi ako pasmado, pero grabeeee! Bigla na siyang nagsalita.
...
Ano kasi Nadin, Gusto ko lang magsorry.......
...
diba nagusap na tayo sa tex? ayos lang sakin.
Naluluha na ko sa nangyayari. :/
Nadin, Pigilan mo. wag mong ipakitang nasasaktan ka. :'(
...
Gusto kita nadin.
...
Tama na Koby, wag mo na kong paasahin.
...
Hindi naman kita pinapaasa Nadin. Mahirap lang talaga pumili. Sana maintindihan mo ko.
...
Ano ba talagang gusto mo? Bat mo ko pinapunta dto?
Biglang lumuhod si Koby sa harapan ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi kami mag-on pero lumuhod siya. Nagtitingan na yung mga tao samin. Kahit yung mga nasa labas ng dumadaan. hindi ko alam kung umiiyak na siya.
...
Koby, tumayo ka nga jan. Ano bang ginagawa mo. Mamaya may makakita pa satin na kakilala ni Jerica, magselos nanaman yun.
...
Wala akong pakealam Nadin. :'(
Hinawakan ko siya sa braso, pinatayo at niyakap ko.
...
Tama na Koby. Tanggap ko na si Jerica ang pinili mo. Mahal kita yan ang tatandaan mo. Andito lang ako kung kailangan mo ko.
...
Nagsisisi akong siya ang pinili ko.
...
Shhh! wag mong sabihin yan. bagay naman kayong dalawa e. :)
...
Pero mahal na kita. :'(
Naiiyak na ko sa sinabi niya. Gusto ko ng lumuha pero maraming tao. :(
...
Tama na Koby. Pinapalaya na kita. sorry kung nakagulo ako sa inyong dalawa. Lalayuan na kita. Hindi na ako magpaparamdam, delete ko na number mo, pati sa facebook, hindi narin ako pupunta sa school niyo. para makalimutan mo na rin ako Koby.
...
Yan ba ang gusto mo Nadin? :'(
...
O......Oo para sa ikatatahimik ng lahat. :'(
Hindi na napigilan ng mga luha ko. Pumatak na silaaaaaaa! :'(
...
Sige koby mauna na ko.
Hindi na ko nagpapigil sa kanya. tinatawag niya ko pabalik pero ayoko na. Desidido na ko, walang mangyayari samin. Tanggap ko na hindi kami para sa isa't isa.
Paguwi ko sa bahay, andun sila Miles, Sharlene at Cristine.
...
Bakit ka umiiyak nadin? tanong ni cristine.
...
wala, napuwing lang ako jan sa labas.
...
weh? kilala kta Nadin! wag kang magsinungaleng sakin. sabi ni Sharlene.
...
Wala nga to, ano ba kayo. Tara, ano labas tayo? Treat ko? :)
...
SIGEEE BA! SAAN TAYO? :D
Hayy nako ang mga loka. Hahaha pero okay na ko sa mga kaibigan ko ngayon. :) saka na yang LOVE na yan. hindi naman ako nagmamadali. Tama ako diba? :)