UNLUCKY I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND

146 0 0
                                    

Sa diname dami ng tao, bakit may isang tao kang minahal pero sa huli sinaktan ka. Yung ang saya saya niyo pag magkasama kayo pero sa huli iiwan ka lang niya na lumuluha. Ang masakit pa don bestfriend mo siya. Tapos sa lahat ng kasweetan niyong dalawa akala mo mahal ka niya. Nahulog ka sakanya kahit alam mong committed ka na sa iba. Sa lahat ng lungkot niya, ikaw ang karamay niya. Pero sa huli nalaman mo yung bestfriend mong babae ang mahal niya. Saklap diba? Well eto kasi yung kwento.

Sophomore, High School, bagong classmates, bagong teachers. 1st quarter getting to know each other. Hanap hanap ng kaibigan, kanya kanyang grupo. Until one time, isang inter-section contest sa school nagkatagpo na ang mga magkakaibigan. Sina Nicole, Mary, Angelica at Lex. 4 na babae, kanya kanyang love story. Si Nicole, may gusto kay Kenneth, ang escort ng klase na medyo snob. Si Mary, may boyfriend sa ibang section na kaklase niya noon at super sweet nila. Si Angelica naman, rich kid na may gusto din sa kapwa rich kid na saksakan din ng kapogian at si Lex naman, isang kaliwete na sobrang ganda ng sulat, inlove sa close friend since first year. Well similarities? Lahat sila maingay at outspoken. Nadagdagan sila ng isa, lalaki naman. Broken hearted siya at saksakan ng emo. Half Filipino, half Chinese na mabait at malapit sa babae. Siya si Raven, inlove sakanya si Lex since first year. Pero infairness hindi sila nagiilangan kahit alam ni Raven na mahal siya ni Lex. Dyan na mag sisimula.

Nabuo na barkada nila, pati sa sitting arrangement nag tatabi-tabi sila, kahit may minus dahil improper seat. Si Mary at Raven, naging super close. Since first quarter lagi silang magkagrupo sa mga group projects. Parehas pa sila ng class number, B-12 at G-12. At super close friend ni Raven ang boyfriend ni Mary na si Gabriel. Dota players eh kaya ganun. So sina Raven at Mary naging super bestfriends. Yung tipong magsasabi si Raven ng “uy tabi tayo ha” tsaka “uyy, ok ka lang ba? Smile, hindi ako sanay na malungkot ka.” Ganyan sila.

Nag GM si Mary:

AWW ! dami kong sugat !

BTW . text nalang guys ! gm

Nag reply si Raven na “uyy, ok ka lang ? ” sabi ni Mary “hahaha ! oo, wag masyadong OA haha ! “ sabi Raven, “sus, gamutin mo yan ha.”

Diba ang sweet? Tapos sa school ang sweet sweet nila. Pero si Lex, remember inlove kay Raven for more than 1 year, ay nagseselos na. umabot sa puntong nagalit siya kay Mary. Nag decide si Mary na layuan si Raven kahit 1 day man lang. so nagtext si Mary kay Raven….”uy lalayuan muna kita ha, nagalit na kasi si Lex eh. Bukas lang, after nun ok na.”.. sobrang kabado si Mary sa sinabi niya. Then nag reply na si Raven…”wag na, ako nalang lalayo para hindi ka na mahirapan. Last text ko na toh at baka last na paguusap natin toh. Bye. “ halos maluha luha si Mary sa reply ni Raven. Nilinaw ni Mary yung gusto niya mangyari na pahupain muna yung galit ni Lex. Pero hindi na nag reply si Raven.

The next day. Exams, 8:00 ang call time. Dumating si Mary ng 7:15, sarado pa ang gate ng HS so naghintay siya sa labas. Hinintay na niya din si Nicole. Habang naglalakad si Mary, bigla niyang nakita na paparating si Raven. Kaya nung nagkasalubong na sila kunware walang nakita si Mary. Nag abang si Mary sa benches, biglang paglingon niya, nakita niya na nakaharap sakanya si Raven pero may iba siyang kinakausap. Hindi makita ni Mary yung mata ni Raven kung nakatingin ba talaga sakanya kasi medyo malabo yung mata ni Mary at naka-eyeglasses si Raven kaya hindi masyadong halata. Then biglang lumitaw si Nicole, tumakbo si Mary sa kanya at sinabing “wala akong nakikita, wala akong nakikita.” Sabay karipas papasok ng gate. Hindi gaya nung first examination day, nagsasabi ng goodluck sina Raven at Mary sa isa’t isa. Parang hangin lang ang tingin nila sa isa’t isa. Kunware hindi nakikita. Sobrang lungkot ni Mary kasi bestfriend yung turingan nila sa isa’t isa. Then nung sinabi na ni Mary kay Lex kung ano ang nangyare, isa lng ang sinabi ni Lex, “Gago, bakit mo sinabi yun? Ang ganda na ng plano para sa fieldtrip eh. Tapos lalayo lang pala siya.” Sobrang nasaktan si Mary sa sinabi ni Lex. “grabe naman siya. ako na nga itong nagsakripisyo tapos yun lang yung sasabihin niya? Grabe ! “ sabi ni Mary kay Nicole. Uwian na, sinundo ni Gabriel (ang boyfriend ni Mary) si Mary sa room nila. Napansin ni Gabriel na medyo matamlay si Mary. “Babe, ok ka lang?” “oo, ok lang ako.” Sabi naman ni Mary. Hanggang sa makauwe na si Mary ay medyo matipid pa siya sa pagsasalita at balisa. Kaya ang ginawa ni Mary, nagtext siya kay Raven na “uyy sorry na, hindi na mauulit.” Naghintay ng matagal si Mary tapos biglang nagreply si Raven .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNLUCKY I'M INLOVE WITH MY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon