break n tayo

40 1 0
                                    

Flashback 3

ISang araw nakatanggap ako ng txt mula sa unregistered number

break na tayo
nanginginig ang kamay ko habang nagtatype

bakit?

may girlfriend na ko!

si nathan lang naman ang pwedeng magtxt ng ganito sakin

naitapon ko ang phone ko at nahiga..mabilis na pumatak ang luha ko..naiinis ako at nagagalit hindi ko alam ang dahilan nya..lahat inalala ko kung may nagawa ba kong mali..pero wala.. halos sundin ko lahat ng gusto nya.. hindi lang kami mag-away..pero bakit kami humantong sa ganto..masaya kami dati ehh may pangako pa nga kami sa isa't isa na kami na habang buhay..pero wala n wala n lahat, wala ng pangako wala ng Nathan at Thea,wala ng Thea at Nathan,lalo lang lumakas ang iyak ko sa naisip ko,pagdampot ko ng phone, idenail ang number ni Daire.

Daire
humhikbi ako pagbanggit n pangalan nya

umiiyak ka ?

pu-punta ko jan

sige!

Nang makarating na ko sa kanila

Thea,ayos ka lang ba?

hindi ko sya sinagot,yumakap ako sa kanya at nagsimula na naman akong umiyak.

pinaupo ako ni Daire,anong nangyari,hindi ko nanaman sya singot,hindi ko.alam pano sasabihin.

gu-gusto kong uminom utal na sabi ko

sige,pabibili ako kay Rod,jan ka lang huh

tumango lang ako.

bumalik si Daire sabay ng paglabas ni Rod.

bumalik si Rod na may dalang dalawang bote ng alak

tahamik lang ako,habang pinagmamasdan ko sila Rod,alam ko na gusto na nila magtanong kung anong nangyari sakin kahit na alam ko na alam na nila ang dahilan.

Si Daire ang sumira ng katahimikan.

tatawagan ko ang barkada

wag sabi ko

bkit,ayaw mo

makikita nanaman nila kong umiiyak kakaawaan na naman nila ko

Thea, hindi sa ganon yon

Daire .please!

ok! si Allen na lang

mas lalng ayaw ko

masasaktan lang yon at papagalitan ako non..pero

please..gusto ko tahimik lang gusto ko lang umiyak!

hindi na nila ko kinulit pa

tuloy lang pag inom namin,

at

langya ang luha ko ayan na naman

ano ba talaga ang nangyari? si Rod

wala na kami

pano mo nalaman?

nagtxt sya, ibang number

sa-sabi nya may girlfriend na daw sya,

so totoo ang sinabi sayo ni Nathalie..

hindi na ko nakasagot dahil tuloy tuloy na ang pag iyak ko at nahihirapan na kong huminga!

tuloy parin ang pag inom, kahit na umiiyak ako minsan hihinto tapos iiyak ulit..nakaramdam ako ng pagod sa pag-iyak halo-halo na lahat pagod na mga  mata ko at katawan ko sa pag-iyak,ang isip ko kakaisip bakit nagawa nya to sakin...hanggang sa makatulog ako.

Nagising nalang ako ng may iba akong boses na narinig!

pagtayo ko!

bakit andito yan?

pinapunta ko para may kasama ka sa pag-uwi, si Rod

Rod naman...

Ayaw mo naman papuntahin ang barkada at si Allen..mag kalapit lang naman kayo ng bahay di ba? si Daire

may magagawa pa ba ko!?

tara inom pa tayo!

kaya mo pa ba?

ou lalo na ngayong may kasama na ko!

Anong nangyari jan? si Rex

uminom ,umiyak ng umiyak gang sa nakatulog..wala na sila ng boyfriend nya.

nag inom kami hanggang sa maubos namin ang huling alak.

uwi na kami Rod at Daire, salamat huh.

sus wala yun..ikaw pa lakas mo eh

pareho ko silang niyakap, at feeling ko nabawasan ang lungkot na dala dala ko.

Naglalakad na kami pauwi!

Sino ba yung Nathan na yun? ang tanga tanga nya.

Pwede ba Rex,wala kang alam

sapat na ang nakita ko,para malaman kong ano syang klaseng lalake

tumigil ka na please..at umiyak na ko sa harap nya...mahal ko sya Rex mahal na mahal..pero bakit ganon, iniwan nya ko kala ko sya na forever, nagpromise pa nga kami sa isa't isa eh..pero bakit naglaho nalang parang bula!?

Thea,hindi lahat ng gusto mo makukuha mo,hindi lahat ng mga bagay na nasayo ay sayo lang,may mga bagay o tao sa.mundo na nagbabago o pansamantala lang kaya dapat maging handa sa mga bagay na pwedeng mangyari,tulad ng nangyari sayo...sabi nga nila pag may umaalis may dumadating..may mga bagay na nakalaan para sa tin.

masakit,tanging nasambit ko

Naiintindihan ko,dapat nga sa mga tulad mo iniingatan,hindi sinasaktan.

bakit naman?

kasi totoo ka!

Thea liligawan kita huh!

tigilan mo nga ko Rex,si JOy may Joy ka.

niloloko lang naman nya ko,alam ko lahat..Thea.. alam ko!

bakit parang wala lang sayo?

sipmle lang,bakit ko sasayangin ang luha ko sa isang taong hindi deserving sa pag-iyak ko

nahinto ako sa pag-iyak tinignan sya.

tama sya,tama ang sinabi nya

Ayusin mo muna ang relasyon nyong dalawa bago ako pumayag..

nakauwi na ko sa bahay,deretso sa kwarto at humiga.

iniisip ko ang mga sinabi ni Rex

pag may nawawala may darating,sya kaya yun..mali mali mali

liligawan nya ko, tanga ba ko kong papayag ako?

bakit ganto nalang ang nangyayari sa buhay ko...hayyyyy....birthday na ni Jhane dapat maging ok ako na parang walang nangyari..

Napapadalas ang pag uusap namin ni Rex sa phone..hindi na daw sila nagkikita ni Joy at madalas tumatawag din sya sakin pag hindi na ko nakakapagreply sa txt nya,nagkakachat din kami,hindi narin kasi ko lumalabas,nawalan ako ng ganong lumabas kasama ng mga friend dahil hindi ko pa kaya maging masaya.. gabi gabi umiiyak parin ako..hindi ko maiwasan eh.  ang sakit parin.

Naisip ko si Rex,sya muna gagamitin ko para maging ok ako,di man tama pero kailangan eh at sa pag kakataong ito hindi sana ko matalo..sana hindi ako mahulog ng tuluyan.. gagamitin ko lang sya para kalimutan si Nathan..alam ko imposibleng mangyari ang gusto..pero sana..sana wag humantong na mamahalin ko sya at iiwan din nya ko..alam kong sa larong ito lugi ako, dahil hindi ako marunong makipaglaro sa Love game.Maging tanga man ako sa paningin ng iba . ito lang ang alam kong paraan.

     End of flashback

Tanga ako at tanga ka (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon