85 [2]

39 5 0
                                    

LEMON'S POINT OF VIEW

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock. Myghad! Almost 3AM palang, mas nauna pa akong gumising sa mga manok.

Pumupungas na bumangon ako at tinangnan ang mga kaibigan kong humihilik pa. 6AM daw kami aalis pero heto sila mahimbing pa rin ang tulog.

Pumunta ako k'warto ko, sa sala kasi kami natulog pa raw sama-sama na kami. Kinuha ang towel at pumasok sa cr, sinimulam ang routine ko.

Nang matapos, nagbihis na muna ako ng pambahay, mamaya na ako magbibihis baka may ipagawa sila sa akin at madumihan lang ako.

Nadatnan ko si Raegan na abalang tinutuhog ang binabad nilang laman ng baboy.

"Good morning, Raegan!" Bati ko sa kanya, siyang lingon naman sa akin.

"Good morning to our, Lemon!" Balik na bati niya sa akin at bumalik sa ginagawa.

"Tulungan na kita," kumuha ako ng barbecue sticks at laman ng baboy, ito kasi ang magiging baon namin sa byahe.

"Goodmorning, guys!" Napalingon kami sa nagsalita at nakita naming si Angie na masayang nakatingin sa amin.

"Goodmorning, Gie!" Sabay naming sabi ni Raegan.

"Naligo ka na, Lemon?" Tumango ako rito.

"Maliligo na rin ako, baka maunahan ako sa bathroom niyo."

"Doon ka na sa k'warto ko maligo, Gie." Tumango naman siya at narinig na namin ang yapak niya.

Habang tumatagal, isa-isa na silang nagigising at naliligo. Pasado alas-singko na ng umaga, kaya nagkukumahog silang nagkikilos.

Ayan, tulog mantika. Tsk.

Lahat kami handa na, p'wera lang sa isa na huling gumising sa amin at si Cedrick iyon.

"Tulog mantika kasi! Gosh! Sabing 6AM kami aalis." Pagpaparinig ni Angie kay Cedrick.

"Wait lang, ito na!" Nakita namin siyang bumababa galing sa k'warto ko habang sinusuot ang shirt niya.

Pagkababa niya, binatukan agad siya nina Nicca at Farrah.

"Ang kupad kasi," pagpaparinig ni Farrah.

Lagot siya.

Nagkanya-kanya silang sakay at ako ang pinili nilang umupo sa passenger seat. Ang daya.

"I'm excited! Ilocos!" Nagsusumigaw na sabi ni City sa likod.

Sa unang hilera nakaupo sina City, Farrah, Nicca and Rhia. Sa pangalawa hilera ay sina Night, Mia, Angie and Ken. Sa pangatlo ay sina Zidane, Jasper, Luigi, and Cedrick at sa huling hilera ay sina Raegan, Rico and Kian.

"Ayos na ba kayo?" Bagot na sabi ni Tims.

No choice kundi maging driver namin kasi isusumbong ko talaga siya kila tita. Akala niya.

Lahat sila sumagot ng Oo, kaya agad na nagdrive si Tims papuntang Ilocos Region. Almost 6-7 hrs ang byahe namin, kapag inabutan kami ng traffic almost 8 hrs ang byahe.

Habang nasa b'yahe  kami, kumakain na rin kami ng chicken skin and barbecue na niluto namin ni Rico.

"Guys, penge pa!" Binigyan naman agad ako ni Nicca at sinusubuan itong si Tims.

"Gutom pa rin ako! Wala ba tayong madadaanan na fastfood man lang. Kulang 'tong chicken skin." Umuungot na sabi ni Cedrick.

Sa amin lahat siya talaga pg. Patay gutom.

"May madadaanan tayo, mang inasal 500m na lang." Pagkasabi niyang iyon lahat kami pumalakpak.

Gutom na rin kasi ako. Tinapay lang kinain ko kanina. Paano naman kasi inabutan kami ng traffic bandang Nueva Ecija

STALKER || ʙᴛꜱ - ᴛᴀᴇʜʏᴜɴɢ [FIN] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon