TIMOTHY'S POINT OF VIEW
Napapangisi ako sa mangyayari. I'm back after ng ilang years. Umuwi na ako dahil isang taon na lang p'wede ko na siya suyuin.
Ginalaw ko ang aking leeg, pinatunog ko ang aking mga daliri. Ready na ulit akong lumaban. Wala naman makakaalam kung lalaban ulit ako, hindi nga ako nagsabi sa tatlong kumag na iyon na umuwi ako kaya walang magsusumbong sa kanya.
Rinig na rinig ko ang mga hiyawan ng mga tao na nasa labas. Sige, sigaw lang mas lalo akong ginaganahan.
Tumingin ako sa mukha ng lalaking magiging kalaban ko mamaya. Sebastian the Almighty. Tsk. Hindi ko alam pero kumukulo sa galit ang kamao ko ng marinig ko ang pangalan niya. Malas lang niya sa kanya ko ibubuhos ang isang taon kong walang laban.
Tumayo na ako ng marinig ang pangalan ko. "Galingan mo, Timothy!" Tumango ako sa manager ko. Alam naman niyang mananalo ako rito. Walang binatbat sa akin niyang Sebastian na iyan.
Lalong naghumiyaw at nagsigawan ang mga nanonood nang lumabas ako habang nakataas ang aking mga kamay hudyat na binubuhay ko ang crowd.
Pagkaapak ko sa ring gusto ko na agad siyang sapakin at sipain. Nginisihan ko siya at binigkas ang mga katagang nagpainis sa kanya.
"Mahina."
Pagkahudyat ng referee, bigla akong sumugod at sinipa sa kanyang sikmura. Target's locked. Nang makahiga siya, sunod-sunod ang naging suntok ko sa kanya at pagsipa sa mga bahagi ng kanyang katawan.
"Mahina ka. Almighty. Pweee." Paulit-ulit na pinagsisipa ko siya.
Siya na ba iyong Almighty? Siya na ba iyong sinasabing pumalit sa akin? Wala pa nga sa kalahati ko 'to.
Inawat na ko ng referee ng makitang 'di gumagalaw iyong Sebastian. Hindi pa rin nawawala ang mga hiyawan ng mga tao.
Lumayo na lang ako at tumingin sa mga tao. Namiss ko ang ganitong pakiramdam, ang crowd na humihiyaw at nagpupustahan.
"Ang nanalo ay si Timothy!" Announce ng referee sabay taas ng aking kamay.
Tsk. Hindi pa ako umiinit, e. Tapos na agad.
Papalabas na sana ako sa ring ng matanaw ko ang tatlong kumag. Tsk. Mukhang hindi lang ako ang mahilig manood ng underground fight, ito ring tatlo. Subukan nilang magsumbong, idadamay ko silang tatlo.
Lumakad ako papalapit sa kanila pero mukhang may sasalubong sa aking dalawang babae, nginitian ko sila pero dumiretso ako sa kanila.
"B-brod? Bumalik ka?" Nagtatakang tanong ni Coby.
Hindi na ba p'wede akong bumalik? Filipino citizen din ako sa pagkaka-alam ko.
"Hindi na ba p'wedeng bumalik?" Naguguluhang tanong ko sa kanila.
Kung hindi na p'wede, edi gagawa ako ng paraan. May kailangan akong suyuin at iuwi ulit sa akin.
"Hindi naman. Nagulat lang kami kung hindi pa kami niyaya nila, 'di namin malalaman." Saad ni Blue sa akin.
Ah, niyaya sila. Akala ko naman nahiligan na rin nila. Sayang.
Nilibot ko ang aking tingin sa mga kasama nila. Baka kasi kasama siya, mayari agad ako.
"Wala siya. 'Di siya p'wede sumama." Tumango ako sa sinabi ni Blue.
Buti naman. Pingot na naman ang aabutin ko roon. Ang liit-liit pero ang lakas mamingot. Akala mo 6ft sa tangkad.
"Boy's night?" Tanong ko sa kanila. Puro sila mga lalaki, e.
"Nope. May kailangan kaming bugbugin at bigyan ng leksyon." Napatingin ako sa lalaking halos katangkaran ni Blue.
BINABASA MO ANG
STALKER || ʙᴛꜱ - ᴛᴀᴇʜʏᴜɴɢ [FIN] ✓
Mystère / Thrillerꜱᴛᴀʟᴋ·ᴇʀ /ˈꜱᴛÔᴋƏʀ/ - ᴀ ᴘᴇʀꜱᴏɴ ᴡʜᴏ ʜᴜɴᴛꜱ ɢᴀᴍᴇ ꜱᴛᴇᴀʟᴛʜɪʟʏ. ᴅᴀᴛᴇ ꜱᴛᴀʀᴛᴇᴅ: 𝓙𝓪𝓷𝓾𝓪𝓻𝔂 22, 2020 ᴅᴀᴛᴇ ꜰɪɴɪꜱʜᴇᴅ: 𝐹𝑒𝒷𝓇𝓊𝒶𝓇𝓎 𝟣𝟨, 𝟤𝟢𝟤𝟢 [Part1] ᴅᴀᴛᴇ ꜰɪɴɪꜱʜᴇᴅ: March 15, 2020 [Part2] #58 in Epistolary category out of 3.83k #20 in text out of...