Best Dancer 1

36 6 0
                                    

"Sa pagiging best dancer lang pala magkapareha. Hindi sa feelings ng isa't isa."

***

DANI'S POV

"Crush is a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time." mahinang basa ko sa lumabas ng merriam webster kung ano ang ibig sabihin ng crush.

Does not last a long time?

Naalala ko ang sinabi ni Homer noong tinanong ko siya kung ano ang crush para sa kanya. Ayon sa kanya, normal lang naman daw ang magkaroon ng crush dahil paghanga lang naman iyan sa isang tao at mga isang buwan o linggo lang daw iyon nararamdaman tsaka mawawala na at sabi pa niya mga abnormal daw ang hindi magkakaroon ng crush.

So, ibig sabihin tama siya sa part na mga isang buwan o linggo nararamdaman ang crush-crush tapos mawawala na.

Inaamin ko na marami akong crush at natural lang naman iyon para sa akin pero may isa talaga akong crush na ewan ko ba. Minsan kasi kapag naririnig ko mula sa mga kaibigan niya na crush niya daw si Kyla, nakakaramdam agad ako ng karayom na parang tumutusok sa puso ko. At alam kong hindi iyon normal.

Hindi ko alam kung saan iyon nagsimula pero ang naalala ko lang ay ayaw ko sa kanya noong first day of school dahil feeling ko masama ang kaniyang ugali. Pero nang tumagal, na-realize ko na ang gwapo niya pala kahit na marami siyang tigyawat, matangos pa ang ilong, matalino, magalang, kadalasan hindi siya nagsasalita, at minsan kung titingnan ko siya ay ngingiti-ngiti tapos magaling din siyang sumayaw, magaling maglaro ng chess at kung ano-ano pa, at maganda pa ang boses.

In short, isa siyang package, nasa kanya na ang lahat.

"Hiphop dancers, huwag muna kayong umuwi may meeting pa tayo." anunsyo ni Eli nang matapos ang huli naming klase.

"Okay!" sabay sabi naming mga hiphop dancers.

Nagsi-uwian na ang iba naming kaklase at labintatlo nalang kaming natira, kasama na si Kieran, ang crush ko. Magaling kasing sumayaw kaya napili ni Eli. Well, sabi nila magaling daw akong sumayaw kaya napili din ako ni Eli.

"So, guys, natapos na namin i-remix ni Kuya ang kanta na ating sasayawin at mayroon na rin kaming nagawa na steps kaya pwede na tayong magsimula ngayon sa pagpractice ng ating sayaw. Okay lang ba sa inyo?" ani ni Eli kaya nagsi-tango-an kami.

Nakapag-paalam na naman ako kay Papa na simula ngayon matagal na kaming makakauwi kaya ayos lang.

"And about sa outfit natin. Ano ba ang gusto niyong isuot natin sa hiphop?" dugtong pa ni Eli.

"Jogger tsaka hoddie."

"Shorts tsaka loose na t-shirt."

At kung ano-anu pa ang kanilang sina-suggest kay Eli. Kadalasan nagsusuhestyon ay ang mga kasamahan naming babae. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at paminsan-minsan ay tumitingin sa direksyon ni Kieran.

Seryoso siyang nakatingin sa nilalaro ni Glen na mobile legends sa cellphone nito. Nakatukod ang kanyang isang braso sa inuupuan ni Glen, nakakunot ang noo at nakanguso ang mga labi. Hindi ko talaga alam kung bakit nagkagusto ako sa kanya. Ang ideal man ko kasi ay magalang, gentleman, matalino, medyo funny, mataas ang respeto sa kaniyang nanay at sa mga kababaihan.

Inaamin ko doon na nasa kanya nga lahat ng iyon pero minsan kasi hindi siya gentleman tapos minsan masungit, minsan mabait, tsaka minsan suplado. Bipolar in short.

Nag-iwas ako ng tingin kay Kieran nang sinabi na ni Eli na magsimula na kami sa pag-ensayo ng aming sayaw. Nilabas muna namin ang lahat na upuan para malaki ang space kapag sumayaw na kami.

Best DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon