Part III

130 3 8
                                    

Masquerade.

Dahil sa malakas ako sa president, ako ang nagrequest ng iba sa mga songs.

Gaya ng sabi ni Justin charot siya ang partner ko.

At ewan ko pa kung ano ang nangyari….

Pakiramdam ko hindi ako to…

Si Summer naman kasi eh.

Binunutan ako ng kilay…

Tinapon ang eye glasses ko at pinalitan ng contact lenses.

Pinaalis din namin ang mga braces ko.

At heto pa nagpafacial kami na kulang na lang tanggalan ako ng mukha sa kakamassage sa mukha ko :3

Pero peste ang ganda ko!!!!

Ahahaha di na masama.

Di kami sabay ni Summer sa party may sumundo kasi sa kanya, at ako?! Heto kasama ko si charot ahahaha.

“hoy… wala kaba talagang balak na umamin kay Summer?” pagtatanong ko sa kanya habang papasok na kami sa event hall.

“just wait charot diba sabi ko naman sayo ngayon na ko aamin .” nakangiting sabi niya sabay abot niya sa akin ng mask ko at pareho na naming sinuot.

Nakita ko na rin si Summer at wala naman siyang kasama. Di na lang ako nag comment, hindi na ako ang official photographer pero sabi nga nila…

Once a photographer… always a photographer.

Kaya heto ako at dala ang camera ko nagpaalam rin ako sa dalawa para makuhanan ng picture ang iba pa.

Magkakatabi kami sa table. Nakita ko din si Lance gwapong gwapo sa blue prince custome niya. Buti na lang at naka mask ako.

Maya maya pa pumanik na sa stage si Justin charot para sa speech niya.

Hetong katabi ko?! Kinikilig ahahaha

Inalis ni Justin ang mask niya kaya mas lalo nakita ang kagwapuhan niya swerte nga naman nitong magandang babae sa tabi ko.

 

“ehem… first of all I want to congratulate all the people behind this event. And to you guys who successfully passed our 1st semester. I hope this is not the last time we will be together and celebrate. To our mentors… teachers… school admins/staffs thank you! Before this night end we will reveal the King and Queen for this night… again thank you and congratulations!”

 

Nagpalakpakan pa kami sa pag aakala naming tapos na ang speech ni Justin pero hindi pa pala.

Pinatay ang mga ilaw at bigla na lang tumapat sa table namin ang spotlight…

“I’ve been thinking about this for years…” nagsalita ulit si Justin na may spotlight din ang kinatatayuan.

Nagtinginan lang kami ni Summer na para bang nagtatanong na alam mo ba to…

Pero siyempre wala akong alam pero meron akong idea…

“congratulation Justin na gawa mo na rin finally.” Yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko at nakangiting pinagmamasdan ang dalawa.

Lumapit si Justin sa table namin habang sinusundan siya ng Spotlight, tumigil siya sa may kinauupuan ni Summer at nasa harap ko na silang dalawa ngayon :3

“Summer, i’ve kept this feeling for long time… first I thought its just normal cause we’ve been friends for years, until I felt jealous or should I say I always get jealous whenever you’re with someone else. I envy those guys who had the chance to hold your hand so tight… those guys who hugged you whenever they say goodbyes… those guys who sends you in our dorm everynight… oo na torpe na kung torpe, pero masisisi mo ba ko kung pinahahalagahan ko rin ang pagkakaibigang meron tayo?! Summer I love you… I really do love you and I never wanted to see you smiling knowing that I’m not the reason behind it… masyado ko na silang pinagbigyan… pwede THIS TIME ako naman ang dahilan?”

The Mask (SHORT STORY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon