CHAPTER 5

70 3 0
                                    

PHILIP

"Sir Philip kamusta na? Si Portia kamusta na ang kalagayan niya?"

Salubong sa akin ni felix ng bumalik ako sa school para tapusin ang project namin.

"Okay na si Portia.. ang sabi ng doktor mataas lang talaga yung lagnat niya at hindi niya yun nakayanan kaya siya hinimatay kanina.. nasa bahay na nila siya ngayon nagpapahinga"

Bigay paalam ko kay felix at para namang nakahinga ito ng maluwag sa nalaman. Iba ang pakiramdam ko sa inaasal ni felix tungkol kay Portia. Lalaki ako at ramdam ko kung ang isang lalaki may gusto sa isang babae.. sa nakikita ko kay felix parang may lihim siyang pagtingin kay Portia..
Sa huli kong naisip para bang hindi ko maiwasan ang mairita na may ibang lalaking nagkakagusto kay portia.
Shit! Ano ba talaga itong nangyayari sa akin ngayon?! Kanina nagi-guilty ako kay portia dahil sa nangyari sa amin ni Dominique kahapon.. ngayon naman para akong naiinis na ewan dahil sa isiping nagkakagusto si felix kay portia...

"Ah ganun ba. Mabuti naman walang grabe sa kaniya.. alam niyo sir Philip kahit pa ang sungit sungit palagi ni portia sa akin at sinusupladahan niya. Hindi ko naman gugustuhin ang magkasakit siya.. kanina talaga nag worry din naman ako sa nangyari sa kaniya but thank god talaga she's okay na.. sige sir philip salamat.. balikan ko na uli yung ginagawa ko.."

At bumalik na nga sa kaniyang ginagawa si felix.. maya maya si dominique naman ang sumalubong sa akin.. ngayong kaharap ko uli siya ewan ko ba parang bumigat uli ang pakiramdam ko. Kahapon naman e okay kami pero ngayon hindi ko na magawang mag enjoy sa company nito dahil sa nangyari sa aming dalawa. Hanggang ngayon parang gusto ko pa din bugbugin ang sarili ko dahil sa hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa tuksong inihain ni dominique kahapon. Bakit ba hindi ko nalang tiniis ang tuksong yun at nagawa ko talagang makipag-sex sa kaniya.

"Kamusta na si portia? Ano ng kalagayan niya?"

Tanong din sa akin ni dominique ngayong magkaharap uli kami at ng makalapit siya sa akin.. katulad ng isinagot ko kay felix kanina. Yun din ang isinagot ko kay dominique.

"Ganun ba.. well, mabuti naman at wala naman palang grabe.. alam mo bilib din ako sa estudyante mong yun noh. Ang tindi talaga ng pagkahumaling niya sayo.. biruin mo masama na nga lahat lahat ang pakiramdam niya at mataas ang lagnat nagawa pa din niyang pumunta dito para lang makita ka.. im sure yun lang talaga ang dahilan kung bakit siya nandito kanina kasi yun nga gusto ka niyang makita, masiyado na yatang nababaliw yang si portia sayo"

Parang tatawa tawa pang sabi sa huli ni dominique. Ako naman parang gusto ko ang mairita sa kaniya dahil para bang natutuwa pa siya sa nangyari kay portia.

Ang Tangeng Pag Ibig Ni PortiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon