CHAPTER 22

71 2 0
                                    

PHILIP

"Anika Lozano"

"Present po sir!"

"Felix Maknaly"

"Present sir philip!"

"Portia Malasmas!"

"Nandito na ako! Present! Present!"

Hinihingal na sigaw ni Portia ng pumasok siya ng classroom at automatic namang napangiti ako ng makita ko siya.. hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti dahil natutuwa akong makita na okay na siya at hindi siya absent ngayon. Nasorpresa naman ang buong klase sa pagsulpot uli ni portia matapos ang ilang mga linggo na hindi siya nakapasok dahil sa pagsunod sa akin sa baguio.

"Pasensiya na kung medyo late ako kasi yung family driver namin kung saan saan pa ako inikot ikot bago kami nakarating ng school!"

Ang laging dahilan ni Portia sa tuwing male-late siya ng klase.

"Okay lang Portia ang importante okay kana at hindi ka absent uli ngayon"

Kunway pormal kong sagot kay Portia kahit pa man makikita sa mga mata ko ang tuwa at excitement dahil sa muli ko siyang nakita..
naging malisyoso naman ang mga tingin sa amin ni Portia ng buong klase.

Umupo si Portia sa dati niyang seat kung saan katabi niya palagi ang bestfriend na si Anika. Ako naman itinuloy ko ang pagtsi-check ng class attendance..

Makalipas ang ilang sandali habang nagtuturo na ako ng lesson namin manaka naka kong tinitignan si Portia. Sa tuwing magtatama ang mga mata naming dalawa agad siyang mag iiwas ng tingin at para bang naiilang siya. Gusto kong magtaka.. dati naman hindi ganun si portia. Ngumingiti siya sa akin at titigan pa ako nito hanggang sa matapos ang klase namin. Ako pa nga ang naiiilang sa kaniya noon dahil sa malagkit na pagtitig niya pero ngayon bumaliktad yata.

Makalipas uli ang ilang sandali natapos din ang klase namin. Kaniya kaniyang nagsi-alisan ang mga estudyante ko at nagpaalam ang mga ito sa akin. Ang tatlong natira sa classroom ay sina Anika, Felix at Portia.

"Portia kamusta kana?! Okay kana ba? Nabalitaan ko sa lola mo ang nangyari sayo noong linggo sabi niya nahilo ka daw at dinala ka niya sa hospital.. tinanong ko siya kung bakit ka nahilo? Ang sabi niya wala naman daw grabe napagod ka lang sa mahabang biyahe mo galing ng baguio.. so ano okay kana ba talaga? Im glad na pumasok kana uli ngayon..."

Narinig kong saad ni felix ng lumapit siya kay Portia. Makikita sa hitsura ng estudyante kong lalaki ang concern nito ng sabihin niya yun. Alam kong walang mali sa mga sinabi nito o ang kamustahin ang kalagayan ni Portia pero hindi ko maiwasang magselos dahil noon pa man ramdam ko ng may gusto si felix kay Portia.

"Oo pumasok na ako ngayon kasi madami na akong nami-missed na mga lessons natin.. anyway, salamat sa pangangamusta.."

Pormal na sagot ni portia at akmang aalis na sana sila ni anika maagap siyang pinigilan ni felix sa braso.

"Wait lang may sasabihin pa sana ako.. Mamaya pagkatapos ng mga klase natin ngayong umaga.. sa launch puwede ba kitang yayain na kumain with me? Kahit isama mo pa si anika"

Ang Tangeng Pag Ibig Ni PortiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon