CHAPTER SEVEN

35 8 0
                                    


The sun of six o'clock shone through the window of the room, not seeming bright where Terrina rolled herself with the bed sheets, almost near the edge of the bed that might her fall for one turn. She stretches her whole body, her back cracks multiple times.

Gumulong pa siya maka-isa, balot ang katawan ng makapal na kumot hanggang sa nahulog siya sa kama.

Thud! She groaned mournfully.

Ngunit hindi siya nasaktan dahil sa nakabalot na kumot sa katawan niya. Napa-tili siya. Dali-dali itong tumayo.

"Ayos lang, wala yun." Hingang malalim.

Kinuha niya ang phone nito sa kama at tiningnan ang sarili. Bigla siya nataranta dahil sa buhok niyang gulo at tuyo. Frizzy hair makes her more to worry than having an unlucky day. Sinuklay niya agad ito gamit ang daliri.

Katapos ay tumayo at binuksan ang sliding window ng kwarto at tanaw niya ang buong paligid. Mga punong kahoy ay magulo rin. Ang mga tangkay ay nagkalat sa kalsada dahil sa malakas na hangin kagabi at mga basurang nagkalat sa buong sulok. Tanaw niya ang kalsada na natabunan rin ng makakapal na putik. Lahat ng mga kapitbahay ay nagsimulang maglinis ng kani-kanilang paligid.

Ramdam niya ang malakas at mabilis na pagdabong ng dibdib niya.

Lumabas siya ng kwarto ng naka-pantulog, hinahanap ang katulong. Dali-daling bumaba sa hagdan at sa malawakang sala ay hindi niya nahanap si Aling Rita pagkatapos niyang sumilip sa kusina, sa labas at sa mga kwarto.

"Aling Rita! Saan po kayo?!" Sigaw niya habang naglilibot sa sala para mahanap at nalilito.

"Dito ho ma'am Terrina!" Sigaw rin ng katulog sa likod ni Terrina. Galing ang boses niya sa kusina pero nasa labas ito.

Nagtungo si Terrina sa kusina at may pintuan papunta sa likod ng bahay. May salamin ito at nakita niya si Aling Rita na nagwawalis ng mga basang dahon galing sa puno. Nasilipan niya si Terrina na nakatingin rin ito sa kanya.

"Mabuti at gising ka na ma'am Terrina. Ipinaghanda nga pala kita ng kape, dun sa lamesa." Sigaw niya at napangiti. Napalingon siya sa likod. Mag-isang tasa ang nasa lamesa at mainit-init pa dahil sa usok. Kinuha niya ang tasa at uminon.

Lumabas siya ng kusina papunta kay Aling Rita na abala sa pagwawalis at naka-ilang ipon na ng dahon. May lamesa sa labas na pang-piknik na gawa sa kahoy at upuan na parang isang talampakang troso. Napa-upo si Terrina habang nagkakape.

"Kamusta ang tulog mo? Magaan na ba?" Tanong ni Aling Rita.

"Magaan naman. Anong oras po kayong gumising?" Sabi niya. Hawak ang tasa.

"Kaninang ika-lima ng madaling araw. Nagkape at nagsaing ng kanin pagkatapos ay nagwalis naman dito."

Nagtataka si Terrina sa kanya nung unang dating palang niya sa magarang bahay. Dapat ay may kasama siyang ibang katulong dahil sa pagkalaki-laking mansyon ay hindi niya kayang mag-isang gawin ang lahat ng trabaho. Pero para sa kanya ayos lang, halata sa pagiging palangiti niya. Uminom siya ng kape. At patapos na si Aling Rita sa pagwawalis at nagbuhat na ito ng basang dahon para itapon sa basurahan. Hindi mapigilan ng konsensya ni Terrina gung gaano siya nahihirapan. She took another sip of her coffee.

"Saan po ba yung ibang katulong dito? Ba't mag-isa ka lang po?" Palambot ni Terrina ng boses.

Napatigil si Aling Rita sa paghahakot ng basura dahil sa nabulabog siya sa tanong ni Terrina. Kasuklam-suklam ang pangyayaring ito. She pursed her lips together. Inayos ang sarili at nagtungo siya kay Terrina at umupo, napabuntong-hininga.

"Nasisante sila ng may-ari ng bahay na ito." Boses niya'y nakakalungkot.

"Bakit, may ginawa ba silang hindi maganda o dahil sa tinatamad itong magtrabaho?" Usyosong tanong niya, napahigop ng kape.

THE EVERY SERIES BOOK ONE: Every Eight P.M. (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon