Going home alone

700 21 4
                                    

Nang matapos na ang unang araw ng klase ay umuwi na ako at mag-isa lang ako. Habang naglalakad ako ay parang may sumusunod saakin at sa hindi kong malaman ay bigla na lamang ako niyakap nito. Mabuti na lang ay marunong ako mag  self defense kaya nasipa ko siya sa maselang bahagi ng kanyang katawan at nung pagharap ko ay nakita si Aldrich na namimilipit sa sakin habang nakahiga. Kaya agad ako nabahala at tinulungan ko siyang tumayo.

"Ano ba kasing nasa isip mo at bakit mo agad akong sinipa". Daing niya habang nakatayo kami sa kalsada. " Sino ba kasing tanga ang biglang mangyayakap , malay ko bang masamang tao". Inis na sabi ko sa kanya.

"Pasensya na, gusto ko lang naman na safe kang uuwi eh dahil kaibigan na kita". Sabi niya sa akin at sa hindi ko maramdaman ay may paru- parong nag sisiliparan sa aking tiyan at biglang bumagal ang paligid ko.

" Gwapo ko no?" sabi niya saakin habang nakangisi. Agad ko namang iniwas ang aking paningin at tumungin sa malayo.

" Masakit pa ba, gusto mong pumunta sa bahay para makapagpahinga ka? "
Sabi ko sa kanya kaya agad siyang napatango. Aaminin ko gwapo rin pala ang isang ito kaso nuknukan ng yabang. Hindi ko namalayan na nasa parking lot na kami upang hanapin ang kotse nya.

Nang makarating saamin ay agad siyang nahiga sa kama ko at natulog, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ang gaan ng loob ko sa taong ito. Sa lalim ng aking pag iisip ay dinalaw na rin agad ako ng antok at nakatulog sa tabi nya.

Kinahapunan ng ako ay magising ngunit gusto ko pang matulog. Kaya naman ay pumikit ako dahil napakabago ng unan ko, kinapa- kapa ko ito. Nakakapagtaka kung bakit ang tigas ng unan ko. Kaya napadilat ako tapos nakita ko ang mapang-asar na ngiti sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo dito"? tanong ko sa kanya at nang maalala ko ang nangyari kaninang hapon ay napatanga ako sa nasabi ko. Nang tignan ko siya ay di pa rin mawala ang ngiti sa kanyang labi na parang nang-aasar kaya naman siniko ko ang bandang tiyan nya, ngunit ang halimaw ay tumawa lang.

"Ikaw ha, nakalibreng himas sa katawan ko pero ok lang basta ikaw". Asar niya saakin at tuloy pa rin ang kanyang pagtawa.

Namula ako sa sinabi nya at naiilang na tumingin.

Tinanong ko siya kung kumain na siya at sinabi niyang hindi pa, kaya't ako na ang naghain ng aming pagkain at pagkatapos ay umuwi na siya.

Nangungulit pa ngang kuhain yung number ko. No choice kaya binigay ko na lang.

Hindi ko mawari ngunit isang araw pa lamang ang nakakalipas ay napakagaan ng loob ko sa kanya at sa sobrang pag iisip ay dinalaw na rin ako ng antok at natulog ulit.

Under the Moonlight (BL♥️) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon