Lyle's POV
Nandito ako sa school ngayon at naninibago sa kapaligiran, ako ay isang transfer student at isang Grade 11 Student sa isang Elite na paaralan. Habang naglalakad ako may biglang nagsalita na isang babae sa bandang gilid ko na "Whoa another freak in this school, i can't kung paano sya pahiyain ng mga wild lions". Hindi ko na lang ito pinasin, well wala naman akong pake-alam sa kanila. Sanay na akong mag isa so anong magagawa ko.
Hinanap ko ang room ko kung saan ang una kong klase. Kanina pa ako paikot ikot dito sa building pero hindi ko pa rin mahanap ang room ko kaya nagtanong na lang ako sa global upang itanong kung saan banda ang room.
Sa aking pagmamadali may naramdaman akong matigas na bagay sa bandang ulo ko at natumba kaya napaangat ako ng ulo upang tignan ang aking nabangga. Nagtama ang aming tingin sa isa't isa, nakaramdam ako ng takot sa kanyang tingin.
" Tatanga tanga kasi eh". sabi ng lalaking nabangga ko. Kaya nagbigay ako ng paumanhin ngunit hindi niya ito tinanggap at may salita pa siyang sinabi.
" Hindi mo ba ako nakikilala, well ako lang naman ang leader ng Wild lions at kung ayaw mong masaktan, matuto kang lumugar". Mabuti na lang at nakapagtimpi ako at kung ano pang masabi ko kaya dumiretso na lang ako sa room na aking papasukan.
...........
Sa hinding inaasahan na pagkakataon ay nakita ko nanaman siya at ang sama ng tingin saakin. Napatingin ako sa aking mga kaklase kasi lahat ng upuan na aking nakikita ay meron ng nakaupo maliban na lang ang sa kanya at ilang saglit lang ay napansin ako ng aming guro kaya't agad naman akong nagpakilala sabay sabing " Ako nga pala si Lyle Nicolas, 17 years old at hilig kong mag aral, Salamat". at pagkatapos kong magpakilala ay agad ako pinaupo ng aming guro sa tabi ng halimaw na ito." Ikaw na naman" napatingin ako sa nagsalita at ang halimaw na katabi ko ay nakatingin saakin ng masama. Pero hindi ako umimik at tinuon ang aking atensyon sa pisara. Sa totoo lang hindi ako natatakot sa kanya dahil ako ay isang Blackbelter sa Taekwondo.
" Ako nga pala si Aldrich Kim, pasensya na sa pagsabi ko sayo ah, sadyang bad mood lang ako kanina". Nabigla ako sa sinabi niya dahil ibang iba ang ugali na ipinakita nito kanina. Nagpakilala naman ako sa kanya upang hindi maging bastos at tinanong nya ako kung pwedeng makipag kaibigan.
Hindi ko alam ang aking isasagot, nag aalinlangan ako dahil baka matulad nanaman ang nangyari saakin 13 years ago dahil sa sobrang pagtitiwala ay namatay ang aking ama.Sariwa pa saaking isipan at hindi ako titigil hangga't hindi ko makamit ang hustisya ng aking ama. Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko namalayang Break time na pala. Papalabas na sana ako ng may slna lumapit saakin na isang babae at bakla at sabing " Hi ako nga pala si Ashley" . Pagpapakilala ng isa babae. "at eto naman si Xian pwede ka ba naming maging kaibigan". Tukoy niya sa gay at sinabi kong okay pero sa loob loob ko ay oobserbahan ko muna itong dalawang ito kung may nililihim sila o may masamang balak saakin. Sabihin nyo ng maarte pero para lang ito sa seguridad ko at ng taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
Under the Moonlight (BL♥️) Tagalog
RomanceWhen love moves in unexpected place amd time.