1 | Alliance

11 0 0
                                    


I


"Magandang araw, binibini."

"Welcome back, miss."

Wala akong oras para batiin kayo pabalik, kuya Romel at kuya Vince.

"Tatang!"

Naiinis ako!

>:(

Padabog akong pumasok sa bahay.

"Asan si Tatang?" wala nang paligoy-ligoy pa. Kailangan kong makausap ang matanda.

"Nasa hardin po, sa likod ng western style room, first floor." sagot ni Arturo.

"Salamat. Di mo na ako kailangang ihatid." angkang susunod pa sana ang baguhang bantay pero pinigil ko na siya. Kaya ko na ang sarili ko.

Simula nung nagblack-out ako two weeks ago, hindi na ako nawalan ng kasama. Todo alalay sila sakin dahil baka raw mapagod ulit ako. Sabi ni Tachi, nagblack-out daw ako dahil sa 'over fatigue'. Akala nila maloloko nila ako.

May nanakit sakin. Sigurado ako.

Dumeretso ako sa hardin. Sa dami ng halaman, e, natabunan na ang hardinero. "Ano to, Tatang?!"

"Lolo, Isandrella. Hindi 'tatang'. Hindi kita tauhan, apo kita," nakayanan pa akong itama nang nakatalikod. "Ito? Souvenirs. Nakita mo yung halamang nilagay ko sa silid mo? Mas espesyal yon kesa sa mga to."

"Hindi yan! Ito o!" turo ko sa hawak na dyaryo. Lumapit ako sa kanya at umupo sa damuhan. Binasa ko ang headline,"Are the Golden Eagle and Philippine Eagle mafia uniting at long last...?"

"O? Ngayon pala labas niyan?"

"...Kent Vergara, the leader of the Kayumanggi, the largest mafia group in the east, and Austin Alleje, the president of the Royal, the largest mafia group in the west continent, having shared sake and sworn ties...""

"Wow! Gandang lalaki naman niyan,ay teka, ako pala yan! Mukha bang astig lolo mo?"

ArgG!!

"Walang may paki diyan! Ang problema ko, e, yung sinabi sa dulo!" nagiinit na ko. "... Further testified by the close relationship of the grandchildren of president Alleje and the leader of Kayumanggi, an insider reveals that they are even counting down to a marriage."

"The six-decade long feud between the two mafia groups could very well resolve with the proclamation of these new 'family' ties..." pagpapatuloy ko.

"Grandchild of Kayumanggi? Sino to? Sinong ikakasal?" tangang tanong ko sa matanda kahit alam ko ang sagot.

Ayokong maniwala...

Tumingin sa akin si tatang na parang ang tanga-tanga ko. "Meron pa bang iba?"

AaaAaAHhhH!!!

"Walang kasal! Di ako magpapakasal! Ni hindi ko nga kilala yang Alleje na yan! Tatang naman! Pano mo nagawa sakin to?!" nakaluksong baka na ko, number 1. Me in my lowest.

"Hindi ko naman sinasabing magpakasal ka kaagad. Bibigyan kitang panahon para kilalanin yung tao," singit ng matanda. "Pansamantala, maninirahan ka sa lola mo. Pumayag na siyang pag-aralin ka."

Kay nanang? Malapit sa teritoryo ng Golden Eagle? Nabaliw na!

Pero, papag-aralin niya ako. Hindi na ko magiging home-schooled? Mas baliw ako kung tatanggihan ko.

"Tang naman..." hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nakinig na siya sa matagal ko nang hinihiling, o mainis.

"Subukan mo na, Isandrella. Pumunta ka sa west. Mag-aral, magkadiploma..."

Hindi ako makasagot. Ginagamit niyang alas ang pangarap ko.

Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at deretsahan akong tinignan.

"At magmahal."

Sa tagal ng titig niya ay pawang kinakabisado ang mukha ko. Sa sandaling iyon, may nakita akong emosyon sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. Alam ko na ang dapat kong isagot.

"Sige, lolo," ang huli kong sinabi.






That's what happened 13 hours ago.

Pumayag ako. Kaya, heto ako ngayon sa loob ng isang palasyo. Dito raw nakatira si nanang. Simula ngayon, dito na ko maninirahan.

Ano ba tong pinasok ko? Nasa kabilang parte na ko ng mundo! Maninirahan pa ko sa isang palasyo na mas malaki pa sa Malacanang!

"Wag po kayong mag-alangang tumawag kung mayroon po kayong kailangan, young mistress Isandrella," sabi ni sir Robert. Sinundo niya ako sa airport.

Hinatid niya ako dito sa kwartong nakikita ko sa mga magasin. Ang engrande. Palasyo nga ata ito. Papasa sa panlasa ng mga prinsesa.

"Salamat po, sir Robert. Isla na lang po ang itawag niyo sakin."

"Kung Rob ang itatawag mo sakin," inabot niya ang kamay niya sakin.

Nakipagkamay ako.

"Magpahinga na po kayo. Mamaya po ay ipapakilala na kayo ng iyong lola sa inyong mapapang-asawa," nagtungo na siya palabas at iniwan ako sa silid. Mag-isa.

One on one with my most dangerous thoughts.

Ito na ang buhay ko ngayon. Dito sa west, hindi na ako si Ella Vergara na apo ng big boss. Hindi na ako susundan ng maraming bantay. Hindi na ako kakatakutan ng mga tao. 

Hanggat nandirito ako, ako si Isla Dimaandal, ang apo ni Charlotte Dimaandal. Walang magbabantay sa akin 24/7. Makakasalamuha na ako ng ibang tao, kailangan kong makibagay sa kanila.

At ikakasal.

I'm meeting my fiance later. Magkakasundo kaya kami? Sabagay, pareho kaming hawak ng mga mafia big boss. Ang rinig ko kay tatang ay magalang daw siya (at may itsura). Wala naman akong paki sa itsura niya. Ang sakin lang, sana hindi siya tulad ng mga lolo namin na mahigpit at gustong kontrolado nila ang lahat sa kanilang mga palad. I don't want to be tied.

But technically speaking, being married is being tied up to your partner. Forever.

Sana may magbago. Sana bigyan niya ko ng sarili kong kalayaan kahit makasal kami.

Sana iba siya.

Huling pumasok sa isip ko ang payapang dalampasigan sa isla bago ako kainin ng dilim.

Falling Deeper [ongoing]Where stories live. Discover now