Simula

9 0 0
                                    

S I M U L A

Mamamatay na ko.

Di ako nananakot o kung ano pa man. Pero... Ewan ko ba, may pakiramdam ako na ito na ang huling araw ko.

"Ako mismo papatay sa'yo kapag hindi ka pa rin bumangon diyan." bunganga ng isang babaeng di ko alam kung saan nanggaling.

"Elaine, hayaan mo na kong magpalipas ng huling sandali rito sa kwarto." Balutin mo ko, Liwanag. Huminga ako ng malalim, at bumuga.

Inhale. Amoy kalikasan. Exhale.

Gusto ko na lang maging isang puno. 🌴

Kanina pa ko hindi gumagalaw sa pwesto ko. Nakadapa, nakapikit.

Iba talaga ang pakiramdam ko ngayong araw. May kakaiba, e.

"Kwarto ba to? Graaabe! Mas malinis pa yata babuyan namin kesa rito." naririnig ko ang bawat kilos niya, naiimagine kong sinisipa niya patabi ang mga nakakalat. "Kailan mo huling nakita yung sahig? Eww."

Ginalaw ko ang ulo ko sa kanan ng kaunti at tumingin kay Elaine, my most caring and lovable childhood friend na nakafloral off-shoulder dress. May brown apron siyang hawak, katulad ng suot niya. Binato niya 'to sakin.

Inhale. Amoy kape. Exhale.

"Pwede bang mamaya ka na umakyat sa langit pag tapos na shift mo?" hinalungkat niya ang cabinet at inilabas ang isang sundress.

Tumunog ang cellphone ni Elaine.

"Good morning, ma'am Samantha! Yes po. Si Ella po?" She eyed me and mouthed 'kilos!'.

Agad akong tumakbo sa banyo. Kung mamamatay ako, ito na ata yon. Papatayin ako ni tita Sam kapag late kami. Bago ko isarado ang pinto, e, narinig kong pang sinabi ni Elaine na otw na raw kami.

Laking pasasalamat ko na walking distance lang ang kubo mula samin. Tatang's Kubo (kubo kung tawagin namin) is the biggest and 'main' family restaurant here in Isla Paraiso.

But in reality, kubo is no ordinary restaurant. We serve dangerous people.

Really dangerous people.

I've been serving here since I learned to walk. Kasama ko si Elaine. Kuntento ako rito sa isla (except for the 'special' background we have). I can't convince you why I love this place despite the danger, but once you see the view, you'll be blown away. Ang ganda ng lugar, pramis! Sobrang ganda ng tanawin, malinaw na tubig, puting buhangin, at napapalibutan ka ng kalikasan!

Kung ganito palaging bumubungad sayo, e, malamang walang makakasira ng araw-----

!

"Look who's late? Princess Copy-cat Ella."

Okay, sige. Merong sisira ng araw mo paminsan-minsan.

"Suck it, mushroom-head. No one wants to hear your insecure voice this early." sagot ni Elaine.

( "- _ -)

"Ikaw ba kinakausap ko? Huhhh?" si Mae.

"Kung wala kang magawa, mag-face the wall ka muna roon. Nakakasira ng araw yang pagmumukha mo." turo ni Elaine across the room.

At nagpalitan pa sila ng beep beep words with each other.

Di naman siguro obvious na mainit dugo sakin ni Mae, no? Dahil yon sa nickname namin dito sa restau. Nagkataon kasing pareho kami ng nickname. 

Dito sa Kubo, nicknames are kind of a big deal. Meron kasing sistema rito na kapag high ranking ang isang customer, maaari siyang mamili ng magsserve sa kanya.

Falling Deeper [ongoing]Where stories live. Discover now