Chapter 26

1.3K 86 0
                                    

Gyza's POV

"Let me go! Let me go! What do you want? Mr. Xerson? Make it faster! May gagawin pa ako." inis na sabi ko at pilit kumawala sa bisig niya. Ayoko na, masakit na. Sana hindi ko s'ya pinagkatiwalaan pa.

"Gyza, babe liste...

*PAK!*

"Ilang araw Zaidon, I waited for you, namimiss kita alam mo ba iyon? Mahal na kasi kita talaga pero sa tingin ko maling-mali na minahal kita Zaidon. Malaki ang agwat natin eh, you knew me, at sa tingin ko tama na. Wala namang tayo 'di ba? Wala Zaidon!" Sigaw ko at mabilis akong tumakbo papalayo sa lalaking iyon, papalayo sa lalaking una kong minahal. Masakit man? Pero iyon ang nararapat. Hindi niya ako hinabol at hindi niya ako sinundan na labis kong hinihintay, hanggang dito lang talaga tayo Zaidon. I shouldn't feel this way, everything was just too fast. I fell without thinking, is that love? I don't know what really love, means.

Pumasok ako sa dorm at duon ko na binuhos ang luha ko, hindi ako pumasok, hindi ako kumain at mas lalong hindi ako nakapag ensayo dahil sa sakit na naramdaman ko ngayon. Mawawala rin ito at makakalimutan ko ang lalaking iyon.

***

"Nabalitaan ko na kicked out daw ngayon ang Princess scorpion gang sa Hidden university, bakit kaya?" takang saad ni Ashley habang kaharap ang laptop niya, may tinitipa s'ya rito pero hindi ko pinansin dahil nasa iba iyong atensyon ko.

"Bumalik na nga pala si Zaidon at si Skyla, alam niyo na ba 'to guys?" tanong din ni Zhen. Bumuntong hininga naman ako para iwasan 'tong pinag-uusapan nila tungkol sa nagbabalikwang basura. Masakit parin isipin pero titiyakin kong iwasan.

Tumayo si Alexandria sa kinauupuan niya at nilapitan si Zhen na mukhang interesadong-interesado, umirap na lamang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro tungkol sa mga attack na maari kong matutunan, dahil mamaya ay mag tre-training na naman kami nina Aniah sa Training hall, kailangan kong matuto lalo na't ang kinakatakutan ng taga HU ay malapit na.

"Woah! Totoo! Nagbalikan na ang dalawang iyon? Buti naman." Masayang sabi ni Dria. Mukhang kilala nila ang babaeng iyon dahil tuwang-tuwa pa sila.

Actually kami lang ang nandito sa canteen, wala sina Kizzy at Mhegan dahil may inaasikaso sila sa Hell jail. Medyo matatagalan pa nga raw sila.

"Wala namang problema kung magbalikan sila at isa pa first love naman iyon ni Zaidon eh."

Una ko ring minahal si Zaidon at sobrang sakit. Pasimple kong pinunasan ang luha ko at mabilis akong tumayo na kinabigla nilang lahat, ngunit ngumiti ako sa kanila.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ashley.

"Pupunta na ako sa training hall, nabasa ko na kasi itong libro." sagot ko habang pilit na ngumiti sa kanilang tatlo. Tumango naman si Ashley at nginitian ako habang iyong dalawa ay nagpatuloy na sa pag-uusap tungkol kina Zaidon at Skyla Takashi. Fvck ang sakit!

Bitbit ang libro mula sa kamay ko, tinungo ko ang training hall, alam kong sa mga oras na ito wala pa sila. Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon, hinakbang ko muli ang paa ko, ni hindi man lang tinitingnan iyong daan kung saan ako papunta, nanlalabo ang mga mata ko hanggang sa hindi ko na napigilan.

Napaluhod na ako sa lupa, habang nanginginig ang mga balikat, nakisabay pa talaga ang paligid dahil tanging hikbi ko lang ang nagsasahi ng ingay. Nilapag ko ang libro sa damuhan at dahan-dahan akong tumingala. Ngunit napaiwas agad ako nang may kutsilyong papalapit sa mukha ko, napatayo ako ng wala sa oras.

Wala akong pinakitang emosyon sa mga babaeng nasa harapan ko, nangunguna rito si Shy na sa pagkakaalam ko ay leader ng Princess scorpion, akala ko ba pinaalis na ang gang na 'to?

"Look who's here again girls. Nagdra-drama na naman ang gagang 'to oh." sambit ng leader nila habang may pinapaikot na dagger sa kamay. Nasitawanan naman sila.

"Alam na namin kung sino ka Miss Morphe at kung ano ka. Magtatago ka pa ba? Or magpapakamatay na?" ngising tanong nya. Anong pinagsasabi niya?

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na tanong ko.

"Nagmaang-maangan ka pa dakilang dukha! Paano na lang kung malaman ng buong Hidden univerisity na isa kang mahirap huh? Marumi ang dugong nakalantay sa'yo."

Umatras ako. Paano nila nalaman 'to? Paano?

"Are you afraid now? Alam mong bawal magpapasok ng mahirap dito at marumi sa HU. But the whole useless SCG members keeping you."

Humakbang s'ya papalapit sa'kin ngunit umatras naman ako, nagsimula naring tumakbo iyong mga kasamahan niya  papalapit sa akin, habang ako naman ay medyo kinakabahan baka dito na nila tatapusin ang buhay ko.

"Hindi kami aalis dito hanggat hindi ka namamatay, may ritwal ang Hidden at nararapat kang mag sakripisyo!" sigaw niya at hinawakan ako ng dalawang kasamahan niya, lumapit s'ya sa akin habang may ngisi sa labi.

"Bitawan n'yo 'ko! Bitawan n'yo ko!" Pilit kong winawaksi ang kamay ko para makawala pero mahigpit nila akong hinawakan, bwesit naman!

"Nag-eensayo ka pa! Para ano? Para takpan 'yang dugong meron ka? Mahirap ka lang tandaan mo 'yan, at hindi ka nararapat sa eskwelahan na 'to!"

"Ano ba! Bitawan n'yo 'ko! Bullshit!"  sigaw ko at sinamaan ng tingin ang dalawa pero binigyan lang nila ako ng ngising demonyo.

"Kizzy will die soon. May kalaban sa SCG na hindi n'yo alam. Sinasaktan kayo ng patalikod."

"What do you mean?!" gulong tanong ko. Sino ang kalaban sa student council?

"You'll find out soon." bulong niya at inangat ang kutsilyo sa ire para tamaan ang braso ko pero bago iyon? Inuntog ko ang ulo ko sa isang babaeng may hawak sa akin, umikot ako patalikod at sinipa ang kanilang likod.

"Fvck you!"

Matapang lang kayo kapag kasama n'yo ang leader n'yo, mga bwesit.

"Mauna ka munang mamatay bago...

*BLAG!

"Not so smart, Morphe..."

Umiikot ang paningin ko.

"Miss..."

****

Malakas na buhos ng tubig ang bumuhos sa mukha ko, kaya't hinihingal kong minulat ang mata ko. Umiikot pa iyong paningin ko.

Pinagmasdan ko ng maigi ang buong paligid, nasa isang bodega ako habang may isang ilaw sa itaas ng ulo ko.

May tatlong babaeng nasa harapan ko. Nag-uusap sila pero may isang babaeng nakaupo sa dilim habang may ngisi sa labi. Nakakakilabot.

Hindi ako makapagsalita at makagalaw dahil sa taling nasa kamay at paa ko, habang may panyo naman sa bibig ko.

"Finally the bitch is awake." sabi niya at tumayo pero nasa dilim parin s'ya, parang narinig ko ang boses na iyon.

"Who are you?! Where am I!" angil ko kahit na hindi nila ako maintindihan dahil sa panyong nasa bibig ko.

"Inside my hideout." bulong niya.

At dahil duon, nakilala ko ang boses niya.

Hindi pwede ito! Hindi!

***

Hidden University: School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon