C2= First Goodbye

0 0 0
                                    

2014

It's been a year since naging kaklase namin si Joseph. And for an update, we're friends now. Just friends, no more no less.

"Hoy, Joseph! Wala nanaman kayo ni Maan?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang mga silyang magulo na iniwan ng mga kaklase namin.

"As usual, Hindi na namin mahal ang isa't isa eh" kampanteng sagot nito habang binubura ang mga nakasulat sa blackboard.

Napatingin naman ako sa kaniya, kahit na likod niya lang ang nakikita ko. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit ko siya naging kaibigan. Kung bakit ko siya nakasundo kung halos magkaiba ang ugali namin.

Ilang linggo nalang at bakasyon na namin. Ilang linggo nalang at iiwan ko na ang sectiong ito.
Ilang linggo ko nalang siya makakasama sa iisang silid.

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ko na ang bag ko at nag ready na para umuwi.

Tinignan ko siya at patuloy pa rin siya sa pagbubura

"Mauna na ako, at baka wala na akong masakyan" paalam ko sa kaniya.

"Nga pala, advice lang. Alam kong wala dapat akong pakialam pero sana magbago ka na. Tigilan mo na ang pagpapalit palit ng babae. Kawawa lang sila"
mga huling salitang binitawan ko bago ako tuluyang umalis.

Hindi ko na alam kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ko. Basta iniwan ko nalang siya doon.

----------

It's our recognition day.
Katatapos lang ng program at heto ako, nakangiti habang kinukuhaan ng litrato ng isang photographer.

Maraming bumati sa aking mga kaklase ko. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Lalo na at mapapalayo na ako sa kanila. Ako kasi ang napiling ilipat sa Section A dahil na rin sa kadahilanan na ako ang most outstanding student sa klase namin.

Matapos akong kuhaan ng litrato ay lumapit ako kay Miss Villanueva. Nagpasalamat ako sa lahat ng kaniyang itinuro sa akin. At nangakong hindi ko sasayangin ang opportunidad na dumating sakin.

Masaya kong niyakap sa huling pagkakataon si Miss Villanueva. At nagpaalam na sa kaniya.

Habang palabas ako ng auditorium kung saan ginanap ang recognition namin nakasalubong ko ang taong hindi ko inaasahang makikita ko.

"Congrats Lalaine!" masayang bati nito.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o kukunot ng noo ng makita ko si Joseph sa harap ko. Wala naman kasi sanang problema kaso may kasama siyang babae at naka akbay pa siya rito.

Teka parang kilala ko ata tong babae ah? Inisip ko kung saan ko siya nakita hanggang sa naalala ko nuong Foundation day ng school namin.

Siya si Riecon. Yung nag Miss Foundation na taga Section B.

Kahit medyo naiilang dahil nakita kong nakasimangot si Riecon sakin, pilit na nginitian ko nalang silang dalawa ni Joseph.

"Salamat" sabi ko habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kamay ni Reicon na nakapulupot sa bewang ni Joseph.

Hanggang sa isang kalokohan ang pumasok sa isip ko.

Taas noo kong tinitigan si Joseph at nginitian.

"Ahm, Joseph. Hinahanap ka pala ng isang babae kanina. Ano na nga bang pangalan non? Ke - Keisha ata? Diba yon yung kasama mo nuong nakaraan? Paki balik daw yong bra niya" sabi ko sabay inosenteng ngumiti sa kanya.

Hinampas ko pa siya ng mahina, na kunwari ay nakikipagbiruan ako sa kaniya.

Bago ako umalis ay lumapit ako sa kanya at kunwari bineso siya.

"Bye for now Joseph. Grabe ka naman, pati bra inuuwi mo for souvenir. Paki balik kay Keisha , favorite niya daw yon" sinadya kong nilakasan ang boses ko para marinig ni Reicon.

Humiwalay na ako sa kaniya at nginitian silang dalawa sa huling pagkakataon.

Taas noo ko silang nilagpasan pag katapos. Iniwang nakaawang ang mga bibig ni Joseph na tila ba hindi makapaniwala sa ginawa ko .

Inayos ko ang medalyang nakasuot sakin. At naglakad palayo sa taong hindi ko na inaasahang magbago.

Bye. Joseph Carlo Monteverde!

Keep on doing that shit, but always remember that karma is a bitch.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hit and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon