Chapter 1

680 2 0
                                    

5:00 a.m

♪♫ the sun goes down. the stars come out.

and all that counts is here and now.

my universe will never be the same.

i'm glad you came. ♫♪

"arghhh! shete ang ingay naman!" hinablot ko yung alarm clock ko sa may night stand tapos ibinato ko sa pader. nakinig ko yung pag crush nung alarm clock sa pader. kainis naman ang aga-aga pa e. tutulog na muna ulit ako. tinatamad pa kong pumasok e.

huh?? lumilindol ba?? bakit parang may umaalog as mundo ko?? pagmulat ko nakita ko si mama. sus naman! si mama lang pala yung yumuyugyog saken. so this means na kelangan ko na iprepare ang aking beautiful ears para makinig sa ratatatat na bibig ni mama. :)

"Hoi Ariella! gumising ka na nga dyang bata ka! ano ka ba?! alas-sais na! male-late ka na sa klase mo! may pa alarm-alarm ka pa dyan hindi naman epektib! sinira mo pa! hui! ano ba?! bumangon ka na kasi dyan! first day na first day mo sa school tapos late ka? ano ka ba namang bata ka? 4th yr. kana ngayon ganyan ka pa ren? alam ko na, ako na lang gigising sayo araw-araw para sure na hindi ka male-late. wala naman kasing kwenta yang alarm clock mo!

haha...odiba? panalo si mama? ganyan talaga yan, hobby nya ata ang magsalita ng magsalita e! :) pero sanay na ko dyan! wala pa nga yan sa 1% ng powers ni mama e. buti na lang may pasok! naku, kung wala e para na akong umattend ng sampong misa sa isang araw!XD ahaha 

pero automatic naman akong napabalikwas sa kama nung sabihin ni mama na siya na ang mang gigising saken araw-araw. nagulat naman ako don! kase pag sinabi talaga ni mama ginagawa talaga nya take note ginagawa talaga nya ng walang palya! pero hindi naman ako papayag no?! ako?? araw-araw gigisingin ni mama?? hell no!

"ma, pede ba tumahimik ka na? eto na nga o tatayo na nga po." pero nakapikit pa rin ako. :) "ma, bibili na lang ako ng alarm clock mamaya. yung tipong malakas yung tunog at very durable. kesa naman ikaw gumising saken! :)" sabay grin ko kay mama.

"aba e kung bibili ka rin lang e gawin mo nang sampu para siguradong epektib!"

haha...patawa talaga tong si mama e, ang aga-aga. "sige ma! basta ba bibigyan mo ko ng pambili e!" ahaha

aba! dun ka humingi ng pambile sa tatay mo! and speaking of tatay mo, e bilis-bilisan mo nang mag-ayos dyan at kanina pa yun nag-aantay sa baba para sabay-sabay na tayong makakaen. idadamay mo pa ang tatay mo sa pag ka late mo! lagot ka dun!" sabay belat saken ni mama.

hay. si mama talaga kahit kelan! antanda na e! may pa belat belat pang nalalaman!XD

O.O oh em! si tatay nga pala!! hala! lagot talaga ako dun! strikto kasi yun! >.< pero i know naman na hindi ako kayang pagalitan ni tatay e. tatay's girl kaya to! :p haha dali-dali akong tumakbo sa banyo ko para maligo. after 15 minutes tapos na ko. haha! record breaking yun a! usually kase 30 mins. ako sa banyo :) nag tooth brush na ko tapos sinuot ko na ang aking napakagandang uniform *yuck!* haha...e kasi naman! ikaw ba naman mag suot ng gantong uniform? mahabang palda tapos naka long sleeves ka pa? kase naman tong lintik na private school na to e! ang arte! ah! basta! buti na lang gagraduate na ko! :p ahaha tumakbo na ko pababa.

malayo-layo pa lang ako sa kusina e naririnig ko na si mama na nagdadadakdak kay tatay. poor tatay :) haha si tatay kase tahimik na tao yan. hindi pala imek. e tahimik na tao nga e! malamang hindi pala imek!XD ahaha minsan lang yan magsalita pero lagi naman may sense ang sinasabe. hindi katulad ni mama na talaga namang walang preno! ewan ko nga ba kung baket nagkainlaban tong dalawang to! sobrang opposite kasi nila e. as in! pero nakikita ko naman hanggang ngayon that they're still very much inlove with each other. naks! gumaganon?? pero walang halong biro kitang-kita ko kung gaano kamahal ni tatay si mama at ganun din naman kay mama, mahal na mahal nya rin si tatay. <3 haha lagi ko kase silang ini-is-spy-an. minsan pag nanonood kame ng t.v sa gabe lagi namin papanoorin yung mga paboritong drama ni mama, kahit hindi naman yun type ni tatay. :) kase si tatay si mama ang pinapanood :") tapos minsan maiiyak si mama sa mga kadramahan na pinapanood nya tapos pupunasan naman ni tatay yung mga luha ni mama o diba ang sweet lang :">

anyways...nung malapit na ko sa hapag kainan namin napatingin saken si mama. ngumiti naman ako sa kanya :) "o ayan na pala ang napakabait mong anak! pagsabihan mo nga yan. ang hirap gisingin..." tapos biglang singit ni tatay di na nya pinatapos si mama :)

"okay. tama na yan kumain na tayo at ako'y gutom na." napangiti naman ako dun! si tatay talaga! alam na alam nya kung kelan ako ililigtas :) sanggang dikit kamin nyan ni tatay e! nginitian ko si tatay ng aking killer smile "good morning tatay!"  sabay halik sa kanyang pisngi at umupo na ko sa aking upuan.

nagsalita si tatay. "ariella, sa susunod agahan mo na ang gising mo ha? wag mo ng pahirapan ang nanay mo, alam mo namang mahal na mahal ko yan." sabay kindat saken ni tatay. odiba?? ang aga-aga lakas na agad bumanat? haha sinabe lang naman yun ni tatay para hindi sya mapagalitan ni mama na kinokonsinte nanaman ako :)

pagkatapos naming kumain ay sabay kami ni tatay na nagpunta sa pinto habang nakasunod naman samin si mama. "ma, pasok na po ako." sabay halik ko sa pisngi ni mama.

"osige anak. mag-ingat kayo ng tatay mo ha? tsaka galingan mo sa school. i love you!" :)

"opo ma. bye! love you too!" lumabas na ko sa pinto tapos sumakay na ko sa kotse ni tatay. si tatay naman ang nagpaalam kay mama.

"hon, pasok na ko sa office. i love you." kiniss ni tatay si mama sa lips. ahaha...kinikilig talaga ako sa kanila! :">

"osige tay, ingat kayo ni ariella ha? agahan nyo ang uwi nyo ha? magluluto ako ng paborito nyong dalawa mamaya. bye tay! i love you!" si mama naman ang kumiss kay tatay. ayiee! :""">

lumakad na si tatay papunta sa kotse at sumakay. "o ariella, wala ka na bang nakalimutan sa bahay?"

"ok na po tay, wala na po akong nakalimutan." :)

"well then, let's go." :)

pagdating namin sa school.

"anak, ingat ka ha? galingan mo sa studies mo. txt mo ko mamaya kung magpapasundo ka. love you!"

"opo tay. ingat ka din po sa pagpasok sa office. love you too!" :)

kiniss ko si tatay sa pisngi then bumaba na ko. nag wave bye ako kay tatay nung paalis na sya.

A/N (Aning Note): haha...nakaisa den!XD ewan, di ko alam patutunguhan neto. basta pag naisipan ko na lang ulet. mukang wala namang makakabasa. XD

So Wrong But It Feels So RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon