7:30 na. haha sakto lang :) pag mondays kase yan talaga ang time namen, may assembly pa kase, pero ang regular time talaga e 8:00 :) pumasok na ko sa gate ng school namen. wala nang mga estudyante sa hallway. siguro na sa gym na yun para sa first day assembly namen. buti na lang hindi pa ko late. nilalock kasi yung gate ng gym pag time na. mehehe pagpasok ko sa gym nakita ko kagad yung mga kabarkada ko.
apat lang kami sa barkada. ako, si alex, si avery at si riley.
si avery unang nakakita saken. "ui elle! dito dali! haha! muntik ka na malate a. wanjo to 4th yr. na tayo hindi ka pa din nagbabago."
sumingit naman si alex. "naku avie! hindi ka pa ba nasanay dyan kay elle?? 4 yrs. na tayong magkakaibigan pero parang di mo pa rin kilala tong si elle e!" sabay tawa ng malakas.
binatukan ni avery si alex. " o eto sayo! kaw naman! tinetesting ko lang naman kung magbabago pa tong si elle e. pero parang hindi na ata talaga! ahaha"
hinampas ko naman yung braso nilang dalawa. "hoi! kayong dalawa! magtigil na nga kayo dyan! ang aga-aga pinagtitripan nyo na kagad ako e hindi lang naman ako yung late a. asan na ba si riley?" nagtataka kong tanong. kase out of us four si riley yung pinaka matino. sya lagi nauuna samen, laging may assignment, laging complete uniform, tahimek, pinaka matalino. yung mga ganung tipo ng bagay. kaya naman it's very un-riley pag sya ang na late. tapos yung dalawang kumag walang kwenta lagi silang pambuwiset! :) tapos ako, kahit ganto ako e hindi ko naman pinapabayaan yung studies ko para kay mama at tatay. odiba?? ansabe??XD pero masasabi ko na yung barkadahan naming apat e medyo popular sa school kase kami lagi yung nasa top hindi naman sa pagmamayabang. :) pero we keep everything lay low ayaw namin yung maraming nakikialam samen :) ipinapaubaya na namin yung popularity sa mga slutty cheerleaders.XD no offense meant. :)
nagkatinginan yung dalawa. "oo nga no??" sabay pa nilang sinabe.
sakto namang pagdating ni riley. pero may kasama pa syang isang babae. pagtingin ko dun sa kasama ni riley hindi ko maiwasang mapatitig. grabe! ang ganda nya! para syang anghel na bumaba sa lupa! ang ganda ng buhok nya medyo brown na medyo curly sa dulo, ang tangos ng ilong, ang pink ng lips nya parang ang sarap ikiss, at pagtingin ko sa mga mata nya e nakatingin din sya saken, nagulat naman ako pero bigla nya akong nginitian at nginitian ko din sya. shet! feeling ko nag iinit yung mga pisngi ko! >.< iniiwas ko na yung tingin ko sa kanya.
i feel like i was rooted to the ground the monent she smiled at me and now i'm grinning like a fool and i can't help it i was really stunned by her beauty. i kept my head down para maitago ko yung ngiting eng eng ko.XD
i shake my thoughts. grabe! anyare saken? baket ganun na lang kung purihin ko sya? why am i feeling this way? ang bilis ng tibok ng puso ko! ano ba to? kinakabahan ako! maybe i was just overwhelmed by her beauty. tama. yun lang to.
riley cleared her throat. "ehem. ah guys eto nga pala si nicole, pinsan ko. nag transfer sya dito sa school naten kase lumipat sila ng family nya dito."
"ahh" sabi naming tatlo.
"by the way," sabi ni riley "nicole, this is avery. avery, nicole."
nginitian naman ni avery si nicole at kinamayan. "avie na lang for short."
BINABASA MO ANG
So Wrong But It Feels So Right
RomanceNaranasan mo na bang magmahal? pero imposibleng maging kayo. as in IMPOSSIBLE kase babae ka at babae rin sya? Tapos idagdag pa natin na magkaibigan kayo para masaya. araw araw na magkasama kayo hinihiling mo na magka-IBIGAN na lang kayo. Pero pano...