"Calum, gawa mo ko ng eyrplayn, plish." batang pagkakasabi ko. Inaabot ko sa kaniya 'yong mga papel. Kaya napatawa na lang siya.
"Ilang beses ko bang sinabi sa'yo Kuya Calum, hindi Calum." pagtuturo niya sa akin. Kaya napasimangot na lang ako.
"Ayaw ko ng Kuya Calum, kasi si Ferenne ayaw niyang magpatawag ng ate, kaya dapat ikaw din." nakasimangot kong sabi at hinawakan niya ang mukha ko. Nakita kong lumungkot ang mga mata niya.
"Si Ferenne, Ate mo 'yon at dapat tinatawag mo siyang Ate kasi tanda 'yon ng paggalang. Okay ba 'yon Lorenne?" sabi niya.
"Okay K-Kuya.." mahinang sabi ko.
"Ano? Hindi ko masyadong narinig." sabi niya.
"Sabi ko Kuya Calum." iritado kong sabi pero tumawa lang siya at hinalikan niya ako sa pisnge. Bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Akin na. Gagawan kita ng Eyrplayn." pang-aasar niya pero ako parang may nabuong damdamin sa loob ko.
________
Binitawan ko ang picture sa may cabinet. Tumayo ako at kinuha ko ang photo album sa pinakababa. Pinunasan ko ang mga munting alikabok na tumatakip sa cover ninto.
"If I can turn back the time how I wish you were here." bulong ko.
_________
"Kuya Calum talian kita." sabi ko at nag-puppy-eyes pa sa kaniya.
"Hindi pwede baby, look Kuya's Hair is short." sabi niya at hinawakan pa ang buhok niya.
"Clip. I can use different clip in your hair." pangungulit ko pero tumawa lang siya. Kaya lumapit ako sa kaniya at inamoy ang buhok niya. Tumigil siya sa pagtawa at bahagyang tumingin sa akin.
"Okay fine. Go ahead. Do whatever you want." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Yey. Thank you." I said and kissed his cheek.
________
Linipat ko ang pahina at nakita ko ang isang bulaklak sa na nakaipit dito.
"I love you so much but I'll never be her." mahinang sabi ko at umuulap na rin ang mga nakikita ko. Napupuno na ng tubig ang mga mata ko.
________
"Kuya Calum Thanks for the flo-" naputol ang sasabihin ko dahil nakita ko siyang hinahalikan si Ferenne. Nakaramdam ng pagkirot sa puso ko. Kaya nagtago ako sa may malaking paso.
"Please ako na lang ang mahalin mo. Ako na lang." pagmamakaawa ni Ate. Naririnig ko ang mga hikbi niya.
"Ikaw lang naman ang mamahalin ko Ferenne. Wala ng iba." sinserong sabi ni Calum. Naninikip ang dibdib ko bakit parang gusto ko magwala? Bakit kailangan siya pa? Bakit si ate pa?
"Then Tumigil ka sa pagkikita niyo ni Lorenne. Nasasaktan ako Calum, nagseselos ako." sabi ni Ate.
"Hindi ako makakalapit sa'yo kapag hindi dahil sa kaniya. You know the rule, Ferenne. I used her to be with you." sabi ni Calum at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi niya.
_________
Little did I know I fell in love with a man who can't love me back and my young heart tearing apart. Seeing this picture bring back the memories how stupid I am, before.
__________
Nakita kong umiiyak si Calum sa gilid ng hagdan. Kaya lumapit ako sa kaniya.
"Why are you crying?" I softly said but he just staring at me and his tears are flowing.
"I'm hurt. My queen left me." he sobbed. Palihim kong kinuyom ang mga kamao ko.
"Then let me replaced her just for a while. Let me be your queen for a meantime." I said. He smiled at me and slowly nodded.
Whenever he needs someone, I was there. Giving him so much time, love and care. Pinunan ko ang mga pagkukulang ni Ate habang wala siya. I love him secretly and I'm crying and breaking whenever he looked for my sister na kahit ako iyong nasa tabi niya.
Pero naghintay ako. Naghintay at umasa ako na baka sakaling mahalin niya din ako pero nakakapagod din pala.
__________
For the last page. I see an origami airplane paper. I opened it.
To my Dearest Lorenne,
Thank you for the care and love that you gave to me and I'm sorry if I will leave you for now but don't worry babalik ako at sa pagbabalik ko kasama ko na ang ate mo.
From your Beloved Kuya,
CalumHanggang sa naramdaman kong tumulo ang mga luha ko sa huling sandali at binalik ko na ang eroplanong papel sa photo album. Sinarado ito.
"Its been 5 years and I know you are happy now." bulong ko at tumayo na. Narinig kong may kumatok sa may pintuan.
"'Nak kailangan na naming ihatid ka sa kumbento." rinig kong sabi ni Mom sa labas. Kaya binuksan ko ang pintuan. I see her smiling at me.
"Are you sure you want to be a nun?" she said and I slowly nod.
"I'm so very proud at you. Let's go." sabi ni Mommy kaya tumango na lang ulit ako.
'Yes, I'm going to be a nun soon.'