Migraine

994 37 2
                                    

"Lorenne, gising na." mahinang sabi ni Mama sa labas pero tinakpan ko lang ng kumot 'yong mukha ko.

"Later, Mom." I said. Kaya natulog na lang ulit ako. Narinig kong bumukas ang pintuan pero hinayaan ko na lang. Hanggang sa may yumakap sa gilid ko.

"Wake up my princess." he whispered pero hindi ko siya pinansin at lalo ko lang pinasok ang mukha ko sa kumot. Lumipas ang ilang segundo. Akala ko titigil na siya ng bigla siyang pumasok sa loob at pinaharap ako sa kaniya.

"Ano ba? Calum." iritang sabi ko pero iyong mukha niya parang nakakita ng multo.

"What?" I asked pero umiling lang siya at tumawa. Kaya napakunot noo ako at niyakap niya lang ako ng mahigpit. Nakita kong namumula iyong tenga niya.

"I missed this. I miss your smell..." at inamoy niya ang leeg ko.

"Your face."

"And your lips." he said at tiningnan niya ang mga labi ko. Lumipat ang tingin niya sa mga mata ko. Every second passed I feel hypnotized in his eyes. After a minute, I feel his lips kissing my forehead. I closed my eyes and feel the tenderness of his kiss.

'How I wished he was mine.' I silently hoping.

"Lorenne, gising na. Kakain na tayo." sabi ni ate. Kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kaya tinulak ko na siya. Tumayo na at dumiretso sa may C.R.

Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin.

'Oh God, I'm sorry. What did I do?' sa isip-isip ko at napahilamos na lang ako ng mukha.

'He is a living temptation and I hate this or not..?'

______________

Everyday he keep teasing me and all I can do is to remind myself to stay away from him but everytime that I resist his presence, I see myself beside him. Just like now.

Nandito kami sa may garden. Pumunta ako rito para makaiwas sa kaniya pero ang hindi ko alam nakasunod na pala siya sa akin.

"Kailan ka ba magsasawa sa kakaiwas sa akin? Hanggang kailan ba kita hahabulin?" mahinang tanong niya habang nakayakap sa akin sa likod. Kumuyom ang kamao ko at napangiti ako ng mapait.

"Our situation is different hindi na 'to katulad ng dati, dahil kahit pagbalik-baliktarin mo man ang pangyayari. Kayong dalawa ni Ate ang ikakasal at ako ang magmamadre. Do you still remember the rule?" mahinang tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Sa bawat pamilya kailangan may maglilingkod sa diyos at hindi ko kayang talikuran ang tradisyon na 'yon para sa isang taong iba naman ang mahal, Calum." dagdag ko. Humarap ako sa kaniya habang nakakulong pa rin ako sa kaniyang mga bisig. Umuulap na ang mga mata ko. Nakita ko siyang nakapikit.

"Now tell me, hanggang kailan mo ko gagamitin at guguluhin? Kasi sa totoo lang nakakapagod na." naiiyak kong sabi. Tiningnan niya ako at tinaas niya ang kaniyang mga kamay para punasan ang mga luha kong umaagos sa mukha ko.

"I love you Lorenne." he said pero napangiti lang ako ng mapait at umiling.

"No you don't love me. You just want my attention, my presence but not my love, so please. Don't say you love me 'cause I know, it will never be true." I sobbed at tinanggal ang kamay niya sa mukha ko at sa beywang ko. Naglakad na papalayo.

'The most soothing word that I ever heard is saying I love you even its not true.' I uttered and I silently crying.

__________________

"Three days na lang babalik na tayo sa kumbento, ready ka na ba?" sabi ni Angel sa akin. Kaya napatingin ako sa kalendaryo sa may pintuan.

"O-oo naman. Ikaw babalik ka ba?" balik kong tanong pero hindi siya sumasagot. I know kung ano ang totoong nararamdaman niya at parehas lang kaming dalawa. Naiipit kami sa obligasyon at misyon namin sa simbahan at sa taong minamahal namin pero ang pinagkakaiba lang matagal na akong sumuko para kay Calum samantalang siya pilit niyang pinaglalaban ang taong hindi pwede para sa kaniya.

Angel is going to be a nun but Ely is madly devoted to our church and her love will be a forbidden sa mata ng diyos at sa mata ng maraming tao.

"Hindi ko alam." sabi niya at namatay na ang tawag. Tiningnan ko ang cellphone ko at patay na. Kaya lalakad na ako palabas ng living room ng may humarang sa dadaanan ko.

"C-Calum." mahinang saad ko. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Kaya bigla akong kinabahan.

"I made this milk for you." sabi niya.

"No thanks." sabi ko at naglalakad na ako paalis.

"If you accept this, I will never bother you anymore." he said. Kaya huminto ako at humarap sa kaniya kaya kahit ayoko tinanggap ko na lang.

"Drink." he said and I take a sip hanggang sa maubos. I see a glint of happiness in his eyes pero bigla rin itong nawala.

" I hope this will be the last time na magkakausap tayong dalawa. Good Night" sabi ko at tuluyan na akong naglakad pero habang tumatagal parang nag-iiba ang pakiramdam ko. Tiningnan ko ang paligid dahil parang lumalabo ang paningin ko. Hinakbang ko ang mga paa ko sa hagdan pero para akong kinakapos ng hininga. Kumapit ako sa may kapitan sa hagdan ngunit parang umiinit ang paligid. Nakita kong malapit na ako sa kwarto ko.

Hindi pa man ako nakakapasok. Nararamdaman ko ng babagsak ako. Pero bago pa man mandilim ang paningin ko.

"I love you Lorenne."

'C-Calum." And everything went black.






Mistake Love: REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon