Kabanata 24

1.7K 53 8
                                    

Pagod akong nahiga sa kama. I want the best birthday for my daughter pero hindi ko ikakaila na nakakapagod ito gawin at pag-isipan. Magastos din pero nawawala ang paghihirap na yon sa tuwing naalala ko ang mukha ni Rainne na masaya.

Noong first birthday niya ay nag-Japan kaming tatlo. Clearance palang sa VISA ay mahirap na kunin kasi nga bata pa si Rainne. We need to pull some strings in order to go there pero worth it naman kasi nag-enjoy naman kami.

"Dapat nagpapalit ka muna." sabi ni Paolo ng pumasok ito sa kwarto namin. Hindi ko siya pinansin at pumikit lang.

"Nakikinig ka ba?" ulit niya at tumango lang ako.

"I heard you. Mauna ka na. Mamaya ako kunti." sabi ko at hindi ko siya narinig na sumagot.

Alam kong may assurance kami sa isa't isa ni Paolo pero syempre masisisi niyo ba ako kung minsan nag-wowonder ako kung kailan niya ako papakasalan.

My parents and his parents are asking already. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong sabihin. Napabuntong hininga ako at naramdaman ko ang tapik niya sa akin hudyat na tapos na siya. I stayed under the shower for quite a long time.

Nakahiga nako at nagphophonr habang siya ay abalang abala sa laptop niya. That's the problem din kasi with Paolo kapag may away kami hindi namin pinag-uusapan kasi both of us were afraid to speak up. Ilang beses na naming inaddress sa isa't isa yung isyu na ganito pero I guess hindi parin pala namin.

"May pupuntahan tayo bukas pagbalik ko galing opisina." sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Saan naman? Walang magbabantay kay Rainne." sabi ko. Hindi na kasi ako pintrabaho fully nila Mama kasi daw hassle daw sakin yon at malakas naman daw kumita yung tatay ng anak ko pero kahit ganon ay nag-oonline business naman ako. Hindi lang pwede na siya yung kikita no. May pangangailangan rin naman ako sa sarili ko na gusto ko pinaghirapan ko.

"Kai is already on it. Iwan natin siya sa condo ng Kuya mo tomorrow. Mabilis lang tayo pramis." sabi niya at kumunot naman ang noo ko.

"Para saan kasi to?" I ask one more time. Ayoko ko kasing naiiwan si Rainne eh.

"Ikaw lang daw kasi ang nakakaalam nito. Tungkol sa business. Kakaemail lang sakin ng sekretarya ng Mama mo kaya kailangan ka daw bukas. Hindi sa opisina though." sabi niya at tumango naman ako.

"Mabilis lang tayo?" tanong ko at tumango naman siya. "Okay." sabi ko at nagpatuloy na magcellphone. Ganoon din ang ginawa niya kaya hindi nako umimik pa.

...

Kinabukasan ay buong maghapon akong nakipagusap sa buyer ko ng gamit na binebenta ko tapos nakipaglaro ako kay Rainne ng mag-aya siya. Kakatapos ko lang paliguan si Rainne na ngayon ay nakaupo sa kama namin.

"Please be good to Tito Kai ah. Mommy and Daddy is going to be somewhere lang. Mabilis lang. We won't be gone too long." I said habang pinipilian siya ng damit.

"Yes, Mommy." she replied and I motion her to stand up para mabihisan ko na siya.

Pagkatapos ko siyang bihisan ay iniwan ko siya don na nanonood sa iPad niya ng Peppa Pig at naligo nako. After taking a bath, I choose a white dress para sa pupuntahan namin. This is a business matter kaya need na medyo formal ang suot. Nagmake up na ako habang nilalaro si Rainne.

"Manang, nandyan pa po ba sila?" narinig kong tanong ni Paolo galing sa baba. Masyadong tahimik ang bahay kaya narinig ko siya agad.

"Oho, sir." sagot ng kasambahay namin at alam kong narinig siya ni Rainne kaya ang daddy's girl na batang to ay tumakbo palabas at sinalubong ang ama niya.

"Where's mommy huh?" tanong niya habang pumapasok sa kwarto. Nag-ayos muna ako ng kalat naming dalawa bago ako kumuha ng sapatos.

"Are you ready?" tanong niya sa akin.

"Saglit. Maglalagay lang akong pamalit sa bag niya tapos tapos na." sabi ko at tumango siya. Nakipaglaro muna siya kay Rainne habang nagliligpit ako.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit ng izipper ko na ang pink na bag ni Rainne.

"Business matter nga. Somewhere." sabi niya at tumango naman ako. Hindi ko alam na may on site project na pala na nagaganap ang kompanya namin. Ganon na ba ako kafocus sa pagiging housewife ko at hindi ko na alam ang nangyayari sa kompanya namin.

...

"Kuya, no sweets ah. Masyado na siyang maraming nakain kahapon at sana naman matulog ng nasa oras yan. Kapag iniiwan ko sayo umaabot ng ala una yung bata eh." paalala ko kay Kuya ng dumating kami sa condo niya. Nginitian niya lang ako na parang hindi alintana na mag-aalaga siya ng anak ko.

"Nakikinig ka ba?" tanong ko at tumango lang siya.

"Kaya ko na to. Do not worry. Ingat kayo. Paolo ah." sabi ni Kuya at tinulak ako. Hinampas ko naman ang kamay niya at niyakap ang anak ko.

"Safe ang anak mo sa Tito niya, Kiana. Dali na baka gabihin pa kayo." saad ni Kuya at tumango lang ako at sinundan na si Paolo na naghihintay sakin sa elevator.

"Hindi ako mapakali." saad ko habang nagmamaneho siya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya nagulat naman ako.

"Stop worrying, okay. Everything will be fine. Nasa Kuya mo si Rainne. Atsaka mabilos lang tayo pramis. Medyo malayo pero kailangan nating puntahan eh." pagpapagaan niya sa loob ko.

"It's mom naman kaya okay lang." sabi ko at tumango naman siya at binitawan na ang kamay ko.

"Sino yung kameeting mo nung birthday ni Rainne?" tanong ko at tinawanan ako ng gago. Hinampas ko naman siya.

"Nag-dadrive ako. Madidisgrasya tayo." sabi niya at napasimangot naman ako.

"Kaopisina ko yung kameeting ko. Fafa." sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Edi dun ka na. Letseng to." sabi ko at tumawa naman siya.

"Bakit doon na ko? Eh nandito ka naman." sabi niya at inirapan ko lang siya. Maya maya ay tumigil na ang sasakyan niya at nagtaka naman ako kung bakit parang restaurant yung pinuntahan namin.

"Bakit tayo andito?" tanong ko at nagulat ako ng takpan niya ang mata ko gamit ang panyo.

"Paolo, isa. Sasapakin kita. Ano to?" tanong ko at inalalayan niya ako papunta sa kung saan.

Kinakabahan akong humawak sa kanya at pinagpepray na lang ang mangyayari. Tinanggal niya ang piring ko sa mata at napanganga naman ako sa nakikita ko. Lumibot ang paningin ko sa buong paligid.

"How?" tanong ko ng mapansing nasa bahay kami. He smiled at lumapit sakin.

"Kiana, you do know that I always treasure you, right. So sana pakinggan mo ko." sabi niya at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

...

My Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon