Kabanata 11

1.6K 55 3
                                    

Hindi ko mapaigilan na maexcite. Pupunta kasi kami sa Puerto Galera at tutulungan namin si Ate Dee na mabawi ulit si Kuya. Sa totoo lang isa ako sa mga nangangarap parin na magkabalikan sila. Sobrang ganda kasi ng love story nila at sayang naman kung matatapos lang kaagad.

"Ang ligalig mo masyado." Sabat ni Paolo sakin. Nakahiwalay kami ng sasakyan kina Ate Dee.

"Naeexcite kasi ako. After 2 years, finally magkikita ulit si Ate Dee at Kuya." saad ko at tumango naman siya.

"Pero expect na magiging iba ang tungo ng Kuya mo kay Dee." sabi niya at sumang-ayon naman ako.

"Alam ko. Siguro masyado akong nabulag sa love story nila na gusto ko sila parin kasi alam mo Paolo. I know Kuya is happy with Kuya Primo pero kulang." sabi ko. "Hindi katulad nung saya niya noon sa ngayon eh." sabi ko at tumango naman siya.

"Mahirap na ibalik yung dati pero sana nga magkabalikan sila." sabi niya at ngumiti naman ako.

"Daan muna tayo sa susunod na stop over. Naiihi nako tsaka nagugutom." utos ko at tumango naman siya.

...

Like what I am expecting, nagulat si kuya na nandito si Ate Dee. I can feel na Ate Dee is uncomfortable seeing that Kuya is happy with Kuya Primo. Pero in order for her to be happy she must endure the pain. Kailangan mong magpakatanga muna. Katulad ng matagal ko ng ginagawa.

After 2 years ng pagkakaibigan namin ni Paolo, akala ko mababago yung nararamdaman ko sa kanya. Akala ko kapag nagsettle kami sa kaibigan lang eh mawawala yung feelings ko sa kanya. Pero sinong niloko ko. Halos araw-araw kaming magkasama. My feelings for him never faltered kahit kunti. It just intesifies.

"Hoy, tulala ka na naman" saad ni Paolo ng maabutan niya ako dito sa dalampasigan.

"May iniisip lang." sabi ko at tumanfo lang siya. Inalok niya ko ng beer na iniinom niya pero tumanggi ako.

"Ano na nga palang nangyari kay Ajeer? Nagtetext parin ba sayo?" tanong niya at bumuntong hininga naman ako.

"I don't know kung bakit but he just stops. It's a good thing." sabi ko at tiningnan ko siyang uminom ng beer. Ang gwapo talaga ng baklang to kahit kailan.

"Nakatitig ka na naman." sabi niya matapos niyang pitikin yung noo ko na sapo sapo ko na ngayon.

"Stop being handsome kasi." sabi ko ar inismiran niya lang ako.

"Maganda ako hindi ako gwapo okay?" pangungumbinsi niya sakin pero inismiran ko lang siya.

...

Ilang oras din ang naging byahe namin mula Manila papuntang Puerto Galera. I'm actually worried about Ate Dee. It will be painful for her nakakasiguro ako dun. Pinili ni Hana na kaming dalawa ni Ate Dee ang magkaroom mate. Hindi naman ako nagreklamo kasi namiss ko talaga si Ate.

"Maliligo ba kayo?" tanong ni Ate Dee habang nakatayo sa balcony ng aming room. Tumango naman ako habang hinahanap ang damit na susuotin ko para sa dinner mamaya.

"May dinner na inialay si Kuya Primo sa amin. Sasama ka samin. Ihanda mo na ang sarili mo Ate Dee. Makikita mo na siya ulit." labag man sakin na sabihin ang paparating na si Kuya pero kailangan. Need ni Ate Dee na lakasan ang loob niya dahil hindi ako susuko sa love story nila.

"Okay lang ba yun, Ate?" tanong ko habang pinagmamasdan siya. Ate Dee is the ate that I wish I have. Napakacaring niya sobra hindi lang kay Kuya pero sa mga taong nasa paligid niya. Lagi kaming magkasama ni Ate Dee na nagiging dahilan minsan ng pagkaselos ni Kuya. Pero hindi niyo ko masisisi kasi kunti lang naman ang agwat niya sakin.

"It's okay. Hindi naman natin pwedeng sabihin sa Primo na yun na he can't make dinner with us tonight because I am still hurting or I am planning to get his boyfriend from him. Pakisama lang, Kiana." sagot niya at napangiti naman ako dun. Still the Ate Dee, I know.

"Feeling ko maiinlove ka ulit kay Kuya pag nakita mo siya. He's so pogi na kaso nga lang bakla." sabi ko at napangiti naman siya.

"Hindi naman ako tumigil sa pagmamahal sa kanya." sagot niya sakin at hindi rin ako titigil hangga't hindi kayo nagkakaayos muli.

Nakahanda na kami ni Ate Dee. Nakasuot ako ng blue sundress at naglugay ang buhok. Siya naman ay yung white tube dress parin na sinuot niya kanina papunta dito.

"Ang ganda mo talaga, Ate. Alam mo ba nung naghiwalay kayo ni Kuya halos hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa suot ko sa buhok ko kasi nasanay ako na nandyan ka para magbigay ng comment sa suot ko." sabi ko ng maalala ko yung mga panahong sila pa ni Kuya.

"I can still do that now. Limited for 5 months nga lang or less." sabi niya at napangiti naman ako. Nagulat ko ata siya ng niyakap ko siya. Ito ang unang pagkataong nayakap ko siya simula nung dumating siya dito.

"I really miss you, Ate Dee. I can't bond with Kuya Primo kasi. He's still a guy." bulong ko at napatawa naman siya tsaka ako niyakap pabalik.

"Namiss rin kita ng sobra, Kiana." sambit niya habang yakap yakap parin ako.

Kasalukuyan kaming naghihintay para sa dalawa. Nasa medyo long table kami. Katabi ko sa kanan si Paolo na kanina pako pinagtitripan at sa kaliwa naman niya ay si Ate Dee.

"Blueng blue tayo teh ah." pang-aasar niya at inismiran ko siya.

"Anong problema mo sa blue? Baliw ka na." saad ko at tinawanan niya lang ako. Nakita ko na nilabas niya ang cellphone niya at tinutok niya sakin ito.

"Smile ka teh. Pang-IG." suhestiyon niya at sinunod ko naman siya. Mag-iinarte pa ba ako eh magaling kumuha ng litrato tong si Paolo. "Oh pak. Ganda no? May bayad to." saad niya ng ipakita niya sakin.

"Ih, ang arte naman nito. Airdrop mo na sakin." sabi ko at binelatan niya lang ako.

"Lalake ang kabayaran para sa litratong to." kundisyon niya at nanamlay naman ako. Hindi ko na ba talaga mababago tong lalaking to. Consistent eh. Pano nagawa ni Ate Dee yun.

"Sayo na yan. Tapos yayayain mo na naman ako mag-bar kapag nasaktan ka. Sayo na yan." sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay ay hindi na pinansin.

"Grabe ang postura natin ngayon, mamsh ah." narinig kung bulong ni Paolo kay Ate Dee. "Bagay na bagay sayo ang pula mong lipstick." sabi niya at humalakhak. Nababaliw na naman ang isang to.

"Ewan ko sayo, Paolo." sagot ni Ate Dee sa kanya. Napangiti naman ako.

"Para kang tanga na nakangiti diyan. Akin na iair drop ko na." sabi niya at nilabas ko na ang phone ko. Napatingin naman ako ng nanahimik ang maingay naming table. Dumating ng magkahawak kamay si Kuya at si Kuya Primo.

"Hi, everyone! Thanks for coming. Let's eat na." sabi ni Kuya Primo at napatingin naman ako kay Ate Dee na ngayon ay nakatingin lang sa kamay na magkasalop nina Kuya at Kuya Primo. Sorry, Ate Dee.

...

My Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon