Ang Unang Lablayp

30 1 2
                                    

Ang unang lablayp ko nitong high school ay punung- puno ng katangahan. First time ko lang kasi ma- inlove so ayun, na- rebound ang gaga.

Before you say anything bad, you might wanna read the last-est chapter of this story. XD

---

Year 2013 noon (which is last year) and I met some 4th year guy in school  na matalino, talented, pero hindi gwapo. I repeat, HINDI GWAPO. Mabait siya sa lahat, siguro dahil siya ang 1st honor sa klase nila. 2nd year lang ako noon at isa lamang average na studyante.

Chinat ko siya dahil kailangan ko makasagap ng impormasyon sa kanya para sa bestfriend ko.

Nalaman ko na yung girlfriend niya ay yung babae na lagi niyang kasama last year. Kala ko bestfriends lang sila. Kaya lang yung babaeng yun... parang ginamit lang ata siya, ayon sa mga close friends. However, minahal niya ng bongga.

Tapos yung kaibigan ko, sinabi sa akin na hindi na daw niya crush yun.

So I'm left with all the informations I gathered.

Naawa ako sa kanya. And so I continued talking to him. We acted like brother and sister.


One day, nagulat ako nang nag- "I love you" siya sakin. Ang Korean hindi basta naga- I love you. And yet he said those three words. Akala ko ang ibig sabihin niya mahal niya ako bilang kapatid... so I replied. But then... naisip ko yung girlfriend niya. Anyare dun?


"We broke up two weeks ago."


2 weeks ago lang? Diba ang pagmu- move on 3 months? Or a year? 2 weeks lang?


Anyway, sa week na yun, na- realize kong iba pala ang ibig sabihin niya sa 'I love you'. Ang ibig sabihin pala mahal niya ako bilang... ako. After a week, nagtanong na siya.


Pinag- isipan ko ng mabuti. Kaya lang ang tanga ko mag- isip. Sa awa ko sa kanya, pumayag ako.


Pumayag ako na maging kami.


Sa desisyon kong yun, pumayag ako kasi mahal ko siya bilang kuya. Ayokong makita siyang nasasaktan, ayokong makita siyang patuloy na nagpapakatanga.


For short, nagpagamit ako.


---

Sa times na naging kami, we meet at night since naka- dorm lang kami. Nagke-kwentuhan kami sa hagdan... under the moonlight... Those were magical moments. Mga 30 minutes kaming ganun then babalik na kami sa kanya- kanyang room. Though sa school, we act like we don't know each other dahil kamusta naman? 2nd year ako and 4th year siya. Isa pa, sikat siya while... isa lamang akong hamak na commoner. Lol.

---

December 1. Midnight. Magkausap kami sa text then... nagulat ako nang sinabi niyang ang dami niyang iniisip tungkol sa kung ano man ang namamagitan samin.

Doon ko lang na- realize na hindi ko na pala siya mahal bilang kuya. #MedyoTanga

But then after that, we still kept meeting. Nagkikita parin kami sa gabi at nagkekwentuhan. We kept doing that until March. Lumalabas kami kasama ang iba pa niyang kaibigan para kumain at maglaboy.

The last date we had ay pumunta kami sa isang mall. May sinama siyang dalawa pang kaibigan na first time ko lang nakita. Isang babae at isang lalaki.

---

Hindi to essential na makwento pero... may connection to sa susunod. XD

Hinayupak na Lablayp ni AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon