Ang Ikalawang Lablayp: Part 1

18 1 0
                                    

Now this is more Wattpad-like.

---

And so yun nga. Sa last date namin ay may kasama kaming babae at lalaki. Hindi sila kagandahan at kagwapuhan. Kung makikita mo sila ay masasabi mong Koreans nga talaga sila.

Pinakilala sila ni kuya (Yung lalaki sa unang lablayp). Itago natin sila sa pangalang Oso at ***.

That moment... aaminin ko may naramdaman akong kakaiba. Sinabi sa akin ni kuya na si *** ay magiging kaklase ko ata next school year. Ngunit umiling si *** at sinabing Grade 10 na siya next year.

Nang makita ko ang lalaking yun... hindi ko akalaing maiisip ko to pero...

Paano kung magustuhan ko siya? Si ***?

Hindi ko rin alam bakit ko naisip yun, for that time si kuya ang mahal ko. I erased the thoughts and continued with my first lovelife.

---
1st day ng 3rd year ng high school. Masaya lang akong pumasok sa klase ko at pumwesto sa unahan dahil bulag po ang author niyo XD

Nang mag- bell na para sa simula ng unang subject, may pumasok sa room at dumiretso sa upuan sa 3rd row.

Napanganga ako. Literally. Si ***. Omg.


Nabigla ako hindi dahil sa naisip ko dati, pero nabigla ako kasi isa siyang malaking reminder ng unang lablayp ko. This time, nagmu- move on ako kay Kuya.


Nag- freak out talaga ako literal (which is nakakahiya XD) at patuloy lang akong pinapakalma ng mga kaklase ko. Wala naman siyang pakialam so ayun.


Nang mag- introductions na, patuloy akong nananahimik. At the bell of 2nd class, nilapitan ko siya.


"Hi! Are you... ***?" Oo medyo tangang tanong, pero kasi nagpakulay siya ng buhok at parang tumangkad na pumayat na ewan. Medyo nag- iba ang itsura niya.


Tumango lang siya.


"Do you remember me?"


"You' re the one with *insert kuya's name* in ***** mall?"


"Yeah." Natatawa kong sagot.


Maya- maya, nilalapitan na din siya ng mga kaklase ko at lahat sila iisa lang ang sinabi:


"KAMUKHA NIYA SI *INSERT KUYA'S NAME*!"


Huh? Tinignan ko din siya.


AY OO NGA ANO O-O

===

2nd night of the 3rd year of my high school life. Masaya lang akong umaakyat ng hagdan sa dorm namin. Naalala ko nanaman si kuya sa memories namin doon.

Mahilig akong mapag- isa kaya nagpaka- emo muna ako dun sa hagdan hanggang sa naabutan na ako ng mga kaklase ko. Pagkaakyat namin sa 2nd floor, nagulat ako nang hinila ako ng isang babaeng Korean na medyo close ko naman kahit papaano. Pinauna ko na ang mga kaklase ko sa 3rd floor, which is the girls' floor.

Did I mention na boys' floor ang 2nd floor?

Itatago ko ang sarili ko sa pangalang L XD

"L, umm do you know ***?" tanong netong babaeng Korean. Nasa likod niya si ***.

"Of course!" Isa lang naman siya sa mga nanggulo sa date namin ni Kuya.

"Because... umm... he wants to become friends with you... so-" Naputol ang usapan namin nang tumakbo siya papunta sa room niya. Weirdo.

Hinatak parin ako nung babae hanggang sa tapat ng pinto niya at patuloy na kumatok. Binuksan niya ito, pero enough lang para ulo niya ang makita.

"Because... I don't have friends in the classroom..." Nahihiya niyang bulong sakin.

"It's okay ^^" sagot ko at inabot ang kamay ko sa kanya.

And so nag- shake hands kami. Medyo napatagal dahil hinihintay ko siyang bumitaw. Bumitaw din naman siya. Ang tagal lang talaga.

---

The next days were so weird. Dahil ako lang ang so-called friend niya sa room, feeling ko responsibilidad ko na siya. Simula nun, tinatanong ko na siya kung magre- recess ba siya. Pag 5- minute breaks nilalapitan ko siya kasama ng iba kong kaklase. Pag mga klase, lumilingon ako sa kanya at tinatanong kung okay lang siya. Feeling ko ako na ang guardian niya sa classroom.

Sa weekend ng klase, na- realize ko... crush ko siya. Masyadong maaga, pero ewan ko bakit. Hindi kasi ako ganun sa mga lalaki. Iba ang tingin ko sa kanya. Ayokong mawala siya sa paningin ko, actually.

---

2nd week ng school. It was a Friday and doon palang ang orientation day namin. Nag- ayos ako ng gamit at medyo napatagal. Pagkalabas ko, nagulat nanaman ako.

Nakita ko siya sa tabi ng pinto, at ready nang umalis pero mukhang may hinihintay.

"Hi!" Bati ko. Malamang! Crush ko, Ninja moves din diba XD

Nagulat nanaman ako nang nilapitan niya ako at sinabihang "Let's go?"


"Uhh, sure." sagot ko.


Naglalakad kami papunta sa dorm nang ilabas ko ang phone ko. Nilabas niya rin ang phone niya at doon nagsimula ang kwentuhan namin tungkol sa phones.

Hanggang sa nagbigayan kami ng phone numbers.

"You should text, you know."

"Ah reallyyyy?" Tanong niya at ngumiti na parang bata.

Nang makuha niya yung number ko, tinawagan niya to just to make sure na tama yung number na binigay ko. At dahil hindi niya kabisado yung number niya.

---

Days passed, at text lang kami ng text. On the next weekend... tinanong niya ako kung ano ang ideal guy ko.

Ang sabi ko: Christian, marunong mag- play ng music instruments, matalino, at cute or gwapo

Sabi niya, parang naghahanap daw ako ng perfect guy. Sabi ko naman, willing akong magbaba ng standards. Lalo na sa kanya. lol.

Meanwhile, tinanong ko naman siya.

Siya: Someone who can control me, who has a good voice and is cute.


So ayun lang ang hinahanap niya.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hinayupak na Lablayp ni AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon