Chapter 3

3 1 0
                                    

Amiera POV...

Nasa cafeteria kami ni bes ngayon nag uusap kami tungkol sa nangyari kaninang umaga saakin

"Bes alam mo ba kung ano ang pinagkakaabalahan nila?"tanong ni Scarlett

"Hindi...kanina ko pa napapansin titig na titig sila sa mga phone nila pagkatapos biglang titingin sila saakin ng masama"sabi ko

"Yun nga bes ehh bakit kaya"sabi ni Scarlett

*ting*

Sabay na tumunog yung phone namin nagkatinginan kami at sabay binuksan ang phone namin...nagulat ako sa nakita

"Bes" tawag saakin ni Scarlett

Napatingin ako sakanya tapos nilibot ko yung tingin ko sa cafeteria at lahat sila ansama ng tingin saakin

"Bes may nagvideo sainyo ng patago"sabi ni Scarlett

Oo navideohan yung pag aaway namin ni Luxxius kanina di naman masyado nakikita yung mukha ko yung kay Luxxius lang pero halatang ako ang kaaway nya at ang masaklap inedit pa talaga

"Bes yari tayo neto sa mga fangirl nya"sabi ni Scarlett

"Anong tayo?,ako lang"sabi ko

"Bes pano na yan kung sabihin mo nalang kaya sa kuya mo"sabi ni Scarlett

"Bes dina kailangan alam na nya"sabi ko at ngumuso ako kung nasan si kuya na papasok palang dito sa cafeteria

"Bes mukhang mainit ang ulo"sabi ni Scarlett

Napansin ko na parang mainit ang ulo nya nakakatakot yung mga titig nya parang papatay ng tao

"Hoyy!!...ikaw na pangit ka!...di kana nahiya!!...alam mo nakaka disappoint ka lagi akong nagtatanong sayo kung may ng aaway sayo tas ngayon malalaman ko ikaw tong nang aaway!!!....at ang malala pa ang supremo ko pa ang inaway mo!...dika na nahiya sobrang kapal naman ng mukha mo !....para lang sa nalaglag na libro nag kaganon kana!!...diko alam kung kapatid pa kita wala kang ginawa kundi pahiyain mo kaming lahat dahil dyan sa pangit mong mukha!!!"sabi ni kuya

Ramdam ko ang galit nya kada sinasabi nya parang gusto nyang pumatay...pero ako eto tinatanggap lahat ng sinabi nya kahit sobrang sakit

"Anong gagawin mo nyan hah!!...iiyak?..walang magagawa yang iyak mo!!.. sabi nya tsaka umalis

"Bes pasensya na wala akong nagawa" sabi ni Scarlett

"Okay lang bes uuwi muna ako excuse mo nalang mo na ako ha"sabi ko

Tumango syo at ako naman tumakbo palabas ng University wala akong pakialam sa mga nakatingin saakin

Pagdating ko sa labas kaagad akong pumara ng taxi...di ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sobrang sakit talaga yung mga sinabi ni kuya di man lang nya ako hinayaang magpaliwanag kung ano ang ginawa ng siraulong lalaking yun

Iyak lang ako ng iyak nakakainis kasi yung nagvideo eh okay na sana kung di nya inedit yun

Pagkababa ko sa taxi kaagad akong dumiretso sa kwarto ko iyak lang ako ng iyak... may tumatawag saaking katulong pero diko pinapansin basta iyak lang ako ng iyak

*kinabukasan*

5:50 palang gumising na ako pumunta muna ako sa cr at tumingin sa salamin grabe sorbang maga ng mata ko nagtoothbrush na ako at bumaba

Pagkababa ko may nakita akong katulong sa kusina

"Mam kumain na kayo hindi po kayo kumain kagabi"sabi ni yaya Jean

HIDDENWhere stories live. Discover now