Chapter 2

21 2 2
                                    

Amiera (pov)

* kinabukasan*

"Manang gumising kana" sabi ni kuya

" Sandali nga lang kuya"sabi ko

Inaantok pa ako ehh

"Manang 6:50 na pag dika pa tumayo dyan malalate kana" sabi ni kuya

Ayaw ko kasi sa lahat yung nalalate kaya lagi nya akong tinatakot na malalate daw ako

"Oo eto na po kuya"sabi ko

Tumayo ako at sinuot ang aking malaking salamin....pagbukas ko ng pinto ng cr kaagad akong nagtoothbrush at lumabas ng kwarto

"Ang tagal mo naman"sabi ni kuya

"Wala namang nagsabing hintayin mo ko.!!"katuwiran ko

"Ikaw na nga tong ginising at hinintay ikaw pa tong galit"-kuya

"Oo na tara breakfast na" sabi ko

Bumaba na kaming sabay ni kuya...pagbaba namin nakita ko yung maldita kung kapatid,si mama at tsaka si papa

"Good morning"sabi ko

At bumati naman sila pabalik

"Mga anak aalis kami ng mama niyo for 2 years para sa business natin sa hongkong" panimula ni papa

"Papa 2 years po" -ako

"Oo baby girl wag kang mag alala pagkatapos non wala ng problema at magiistay na ako dito sa pilipinas" sabi ni papa

"Cge po Pa kung kailangan talaga" sabi ko

"Papa ehh sino mag-aalaga saamin?" tanong ni Athena

" Nandyan naman sila yaya Jean at yaya
Jina at kuya Jose at ang kuya nyo"nakangiting sabi ni mama

Panatag ako kasi alam kung mapagkakatiwalaan naman namin sila at kayo" sabi ni papa

" Sige Ma, Pa ako ang mag-aalaga sa mga kapatid ko"sabi ni kuya

"Wag kayong mag-alala babalik kaagad kami pagkatapos at pag may problema sabihin nyo lang" sabi ni mama

"Ma kailan alis nyo?"tanong ni Athena

"Sa linggong ito"sabay sabi nila mama at papa

"Ano?!"sabay sabay na sambit namin

"May anim na araw pa naman tayo mga anak para mag bonding"sabi ni mama

"Okay po" malungkot na sabi ko

At ayon nagkukwentuhan sila habang ako ay tahimik lang na kumakain

"Ma,Pa magbibihis lang po ako baka po kasi malate ako"may pagtatampong sabi ko

"Ohh sige pati narin kayo Athena at Aidan baka malate pa kayo"sabi ni mama

"Opo"nakangiting sabi nila

Umakyat na ako at naligo pagkatapos nagbihis na mga ilang sandali may kumatok

Tok....tok...tok...

"Pasok" sabi ko

"Anak" mama

"Bakit po" tanong ko

"Wag ka nang magtampo" sabi ni papa

"Di naman po ako nagtatampo"pagsisinungaling ko

"Anak ikaw yung una kung mamimiss"sabi ni papa

"Pa bakit po kasi kailangan nyong umalis?" Tanong ko

HIDDENWhere stories live. Discover now