A/n: I'm just inspired with this song entitled "Why Can't it be" by Kaye Cal and I must say grabe yung feels. Ansaket. I have overflowing emotions that's why I wanted to do this and share it with you guys so, hope yah like it! xx
***
"Nakatulala ka nanaman diyan. Lalim ata ng iniisip mo." Napalingon ako sa nagsalita. Si Tiffany pala, bestfriend ko. Kanina pa ata siya nandiyan hindi ko lang napansin. Sa totoo lang, wala naman kasi talaga kong iniisip. Masama bang matulala lang? Malay mo may meeting lang kami ng sarili ko.
"Luh? Attitude ka ghorl?! Tinignan lang ako!" napairap pa siya at pinagkrus ang braso sa dibdib.
"E iniistorbo mo 'ko! nananahimik ako dito e. Wala akong iniisip 'no!" sabi ko sakanya at umusog sa aking inuupuan para mabigyan siya ng espasyo at makaupo sa tabi ko.
"Sus! kunyari pa walang iniisip, e alam ko naman iniisip mo lang yung crush mo sa ibang strand, si—" dali-dali akong tumayo upang takpan ang bibig niya. Napalingon ako sa paligid. Epal talaga 'tong babaeng 'to. Kahit kailan napakaingay ng bibig.
"Ano ba 'wag ka ngang maingay!" mahina ngunit madiin kong pagkakasabi sakanya. "Mamaya may makarinig sayo diyan! Mamaya nandyan pala siya sa tabi o 'di kaya kaklase niya, O 'di kaya nakakakilala sakanya!" sabi ko at lalong hinigpitan ang pagkakatakip sa bibig niya. Nagpupumilit naman siyang tanggalin ito at patuloy na nagsasalita kahit walang maintindihan.
"Tumahimik ka para tanggalin ko 'to." ani ko at tumahimik naman siya kaya't tinanggal ko na. Eksaherada naman siyang huminga na animo'y kay tagal hindi nakahinga. Napayuko pa siya't napahawak sa dalawang tuhod.
"Ano ba? Papatayin mo ba 'ko?!" Pasigaw niyang tanong sa akin at tinuro pa talaga ang sarili.
"Oo papatayin talaga kita 'pag hindi mo tinikom yang bibig mo. Ang ingay ingay mo. Mamaya may makarinig. Sabi ko sayo satin satin lang yun e!" sagot ko sakanya. Ang OA nitong babaeng 'to. Ewan ko rin kung ba't ko 'to naging kaibigan e.
"Oo na, sorry na! parang niloloko ka lang e." umirap siya at tumabi sa akin. "Grabe ang tibay mo rin e no? ang tagal mo ng crush yun. Last year pa, hanggang ngayon crush mo pa rin? E hindi naman kayo nag-uusap. Friends lang kayo sa Facebook at you follow each other sa Ig. Tsaka oo pogi, pero mukha namang suplado." aniya
"E wala naman sigurong masama magkacrush diba? crush lang naman. Wala naman atang jowa yung tao. 'Tsaka isa pa, kung may jowa, uncrush naman agad e. Ayoko kaya magkacrush sa may jowa. Minsan ka na nga lang umasa at mag-daydream, masisira pa kasi may jowa. Atsaka ayoko makasira ng relasyon 'no." Paliwanag ko sakanya.
Last year ko pa kasi crush si Mark. STEM yung strand niya samantalang ako, ABM. Mahilig siya maggitara. Inadd niya ako dati sa facebook at finollow sa Ig kaya simula nun napansin ko na siya. Madami namang nag-aadd sa akin at nagfa-follow pero ewan ko ba, para sa akin iba siya. Sapat na sa akin yung makita siya paminsan-minsan. 'Di naman ako naghahangad ng iba. Okay na ko sa patingin tingin ng Ig story niya at pasulyap sulyap sa malayo.
"Well, sorry to burst your bubble pero sa pagkaka-alam ko, may jowa na siya. Tanong mo pa kay Mikay." Si Mikay yung isa pa naming kaibigan. Dati siyang kaklase ni Mark kaya kilala niya na ito noon pa man.
Napatahimik ako at biglang nakaramdam ng lungkot. May jowa na pala siya? Ba't ngayon ko lang nalaman? Pero kung totoo man, edi masaya 'ko para sakanya. Uncrush ko na lang siya.
Pilit akong ngumiti at humarap kay Tiffany, "Ganun ba? Edi uncrush na siya! madami pa namang iba diyan." Sabi ko pero sa loob loob ko, malungkot ako. Pero okay lang, crush lang naman e.
Pagkatapos nun ay pinigilan ko ang pagkagusto ko kay Mark. Pero minsan ay ang hirap lang talaga pigilan at mawala ng tuluyan. Ngunit habang tumatagal ay 'di ko na gaanong nararamdaman ang pagkagusto sakanya. Pilit ko itong isinantabi at binalewala.

BINABASA MO ANG
Why Can't It Be? (One shot)
Historia Corta"Baby I dream of you every minute. You're in my dreams, You're always in it. That's the only place I know where you could be mine and I'm yours but only 'til I wake up."