Kabanata III: Ang Pnibagong Paglalakbay

114 3 0
                                    

Ilang taon na ang nakalipas, wala pa ring solusyon sa imbestigasyon ang naibigay ng mga pulis. Ayon sa mga pulis, mahirap ipaliwanag ang mga pangyayari. Kahit naman ganoon ay pinagpatuloy parin ni Roel ang pag-aaral kasama si Greg, pareho silang nagtapos sa elementarya, at sa kasalukuyan ay nag-aaral sila sa ikalawang taon sa mataas na paaralan.

            Nag-aaral sila sa Yondola, Huwaik. Isa ito sa mga paaralan na nagunguna sa mga kompetisyon. Maraming matataas na gusali ang napaloob sa campus na ito. Kompleto sa pasilidad.

            “Ito ang panibagong paglalakbay ko Greg.”

            “Huh? Bakit mo pa ngayon nasabi iyan Roel na kung saan nasa Ikalawang taon na tayo? Bakit di noong unang taon palang natin?”

            “Di ko rin alam Greg, ngayon ko palang nadama ang ganitong paglalakbay.”

            “Pero....”

            “Kaya nga eh di na ako nag-iisip nbg iba Greg kasi alam kong ito na ang simula.”

            “Sige na nga.”

            Unang klase nila sa Ikalawang taon kaya karamihan na napagmasdan nila ay mga bagong estudyante. Sina Leah, Ricky, Wenny, Bieno at marami pa ay nandoon din nag-aaral. Si Bieno ang naging malapit na kaibigan ni Greg at Roel. Si Wenny naman ang malapit kay Greg at si Leah ang malapit kay Roel.

            Si Greg ay mag paka “chixboy”, di inaasahan na marami siyang kilalang babae sa paaralan nila kahit unang klase pa lamang nila. Pero pambihira talaga si Greg kasi masipag din sa pag-aaral.

            “Roel! See, marami na akong kaibigan.”

            “Hay nako Greg, di ka pa parin nagbabago.”

            “Ako pa....”

            “Hahay sige na nga.”

            “Oh si Leah, Roel oh patungo na dito.”

            “Huh?”

            “Sabi ko si Leah ayan na, paparating na dito.”

            “Ah...ah... ah ganun va...ah... okay”

            “Hello Roel!”, bati ni Leah.

            “Ah... hi Leah, kamusta ka na pala.. haha.”

            “Eh ito pa rin, maganda .. hahah”

            “Ah ganun va... matagal na ata kang maganda eh.”

            “Hmm nambubula ka na naman. Pero siguro yon din ang totoo.”

            “Hay nako naniwala naman.”

            “Ano? Ikaw ha, may utang ka sa akin.”

            “Hahah biro lang yon. Totoo naman talaga eh.”

            “Hay nako di ka pa rin nag babago palabiro ka talaga, pareho lang kayo ni Greg, hay mas mabuti kung papasok na tayo.”

            “Ikaw talaga ikinukumpara mo talaga ako sa kapatid ko. Oh siya na nga pasok na tayo at baka marami pa tayong kilalanin dito sa klase, tara na Greg.”

            Pumasok na sila sa classroom nila at siyempre napakamaingay dahil nga bagong kaklase ang makikita.

            Pagkamayamaya ay pumasok na ang guro at nagsimula na ang klase.

            Nang magkaroon ng recess time ay nauna na si Roel at iniwan na lang si Greg kasi marami itong kasama si Greg.

            Pumunta sa canteen si Roel at kumain doon, pagkamaya-maya’y may nasulyapan siyang isang estudyante na bagong bago pa sa paningin niya, dahil nga si Roel ay di naman masyadong mahiyain, nilapitan niya ito at nagtanong siya.

            “Ah sir, good morning, Roel po, sino po kayo?”

            “Ah good morning din, si Ricky Lee po to, huwag mo ana akong tawaging sir kasi estudyante po lang ako dito.”

            “Ah, okay po, I understand po, anong year level na po kayo?”

            “3rd year na.”

            “Ah ganun ba, bago ka  pa ba dito?”

            “Oo, kasi lumipat kami ng bahay ng mommy ko, galing kasi kami sa States.”

            “Ah ganun va. Ang layo naman dun.”

            “Kaya nga eh. Marami akong naiwanan doon.”

            “Ah kabilang na girlfriend mo?”

            “Ah ano ka ba, wala pa ako nyan...”

            “Ah okay heheheh, sige balik na pala ako baka hianahanap na ako ng kapatid ko.”

            “May kapatid ka ba dito na ang-aaral?”

            “Di naman siya totoo kong kapatid. Anak kasi siya ng tito at tita ko. Kaya tinuring ko siyang kapatid. Oh sige bye na, maraming salamat.”

Azarcuartous at AporzuarouseWhere stories live. Discover now