Kabanata I: Ang Unang Istorya

447 6 1
                                    

“Magandang umaga Roel!”, sabi ng inay.

            “Oh ma!... magandang umaga rin.”

            “May lakad ka ba ngayon?”

            “Wala naman po.”

            “Lalabas sana tayo patungong park.”

            “Sige, excited po ako nyan.”

            Yan si Roel, ang mabait na bata sa lugar ng Basaidan, Huwaik. Anak siya nina Rolando at Elastica na parehong lumaki sa bayan ng Sundai. Lumipat sila sa bayan ng Huwaik upang mapagtapos ng elementarya si Roel sa Basaidan Elementary School. Si Roel y isa sa mga nangunguna sa klase, masipag mag-aral, pero maraming nagagalit sa kanya dahilan nga ng siya ang nangunguna at matalino sa klase.

            “Nay, ang ganda talaga dito sa Park. Di ko akalain na makakakita ako ng ganito, mga nagliliparang mga ibon, nagsisiawitan, mga tigre na nakakulong at may mga matatalas na mga ngipin. May malamig na simoy ng hangin.”

            “Oo, nga anak eh, kaya dinala kita dito para makapag relax ka.”

            Marami pang magagandang tanawin sa park na ito. Ang park na ito ay tinatawag na “Park de Basaidan”, kung saan makikita dito ang iba’t-ibang uri ng mga hayop, miunsan naihahalintulad ito sa isang malabong na kagubatan.

            Napa sulyanp si Roel sa kabilang dulo na may mararaming uri ng “Ocean Creatures”. Isang nagmumukahang aquarium na may daanan sa gitna ang kanilang pinuntahan. Maraming malalaking uri ng ocean creatures ang makikita doon. Maraming iba’t-ibang uri ng coral reefs. Para nang sumakay ng submarino patungo sa ilalim ng karagatan.

            Sa unaha n or sa dulo ay mga taniman na naman. Iba’t-ibang klase ng mga tanim ang naroroon, mga tanim ng mga nakaraang taon at mga cross breed na tanim.

            Makikita din doon ang isa sa mga matataas na puno sa bansa ng Huwaik ang punong “Subaik”, kung saan, may taas na siyam na talampakan at anim na inches. Walang atip ang taniman na area ng park dahilan nga sa mataas na puno. At kaya rin maraming iba’t-ibang ibon ang pumapasok dito.

            Sa gilid ng mga taniman ay ang mga rebolto ng mga sinaunang bayani ng Basaidan, kabilang na dito ang rebolto ni Henry de Gallo, Sr., ang unang nagtatag ng katapangan laban sa mga Amerikanong mananakop.

            Sa kabilang gilid na taniman ay may mga nakalagay na mga habilin ng mga sinaunang tao sa bayan ng Huwaik, kabilang na dito ang baril na ginamit ni Henry de Gallo II, ang ank ni Henry de Gallo Sr. At marami pang magagandang tanawin na dapat maaalala.

            “May, hindi lang pala mga hayop at tanim ang nandidito kundi pati narin ang mga sinaunang istorya ng ating mga bayani. Tiyak malaki ang tulong nito sa aking pag-aaral sa aming Aral-Pan.”

            “Oo nga anak, alam kung mahilig ka sa mga ganito, kaya dinala kita upang mayroon namang malalaman sa mga sinaunang istorya ng ating bayan.”

            Hindi mapakali si Roel na pumunta sa klase kinabukasan dahil gusto niyang mai bahagi ang park at experience niyasa pagdalaw nila dito.

            Umuwi sila at nagsaya naman si Roel dahil sa mga nakikita niya.

            “Excited na talaga ako...””Maipamahagi ang nalalaman ko sa history, sana magkatugma naman ang topic namin bukas. Sana nga....”

            Kinabukasan ay agad siyang naghanda sa kanayang sarili para makapunta agad sa paaralan.

            “Hay nako... ito talagang anak ko oh.... parang di mapakali,,, excited talaga na makapunta sa paaralan. Mas mabuti pa nga yan para naman makapag-aral siya ng maiigi.”, sabi nga kanyang ina sa sarili.

            “Anong binubulong mo dyan?”, tanong ng ama ni Roel.

            “Ay napa hanga lang ako sa anak natin kasi araw araw ay excited na pumasok sa paaralan, mas lalo na ngayon na marami siyang nalalaman sa history.”

            “Eh saan pala kayo pumunta kahapon.?”

            “Ay, pumunta kami sa Park de Basaidan, gusto ko lang ma enjoy ang anak natin upang hindi ma stress yan eh, nag-aaral pa naman yan ng mabuti.”

            “Kaya nga eh, sana ipagpatuloy niya ang kanyang mabuting gawi.”

            “Inay, itay! Aalis na po ako...”

            “Sige anak mag ingat ka.”, sagot ng ina.

            “Anak, susunduin na lamang kita para di ka na mahirapan pa. Mag ingat ka ha.”

            “Upo itay,, sige po alis na ako.”

            Pagdating niya sa paaralan ay sinalubong siya ng kanyang mga kaklase, masaya sila nag kukwentuhan ay naglalaro habang di pa dumating ang guro.

            Ibinahagi ni Roel ang kanyang naranasan sa Park de Basaidan. Maraming humanga sa mga sinabi nya at gusto makapunta sa sinasabing park. Dumating ang guro nila sa Aral-Pan, at swerte naman si Roel dahil topic nila ang history ng Huwaik at sa kanilang lugar.

            Nag volunteer si Roel na mag bahagi sa kanyang karanasan. Masaya ang guro sa kanyang narinig dahil.

            Pagkatapos ng pasukan sa hapon, nag usap sina Roel at kanyang guro sa Aral-Pan.

Pagkamaya maya ay umalis na ang guro. Naghintay na lang si Roel sa kanayang itay dahil sa sinabi nitong susunduin nalang siya. Ngunit lumipas ang ilang mga oras ay wala pa rin ang itay niya. Ang tagal dumating ng itay niya.

            Dahil mga 3pm na tapos ang klase nila, umuwi nalang siya mag isa at dahan dahan siyang nag lakad. Nang na sa malapit na siya sa lugar nila ay may sumalubong sa kanya. Ang kapit bahay nila.

            “Roel! Roel! Roel!”, sigaw ng kanilang kapit bahay.

            “Bakit po?”

            “Ang bahay niyo, tingnan mo doon!”

            “Ano? Anong nangyari? Nasaan sina inay at itay?”

            “Di ko rin alam kung saan sila, naghahanap ako sa kanila upang sabihin ang mga pang yayari. Nagkakagulo at maraming tao ngayon sa bakuran ng inyong bahay upang tingnan ang nangyari.!”

            “Sige pupunta ako.”

            Ganyan ka bata pa si Roel na nag aaral pa lamang sa elementarya ay naka ranas na ng kaba ukol sa kanyan pamilya.

            Pagdating niya doon ay nakita niya ang bahay nila na halos di na maitsura.

            “Inay, itay, nasaan na kayo?”

Azarcuartous at AporzuarouseWhere stories live. Discover now