"Hyung, sabay na tayong umuwi." Sabi ni Mingyu nang makitang nag aayos ng gamit si Wonwoo dahil magkaklase sila sa katatapos nilang klase.
"Mas maganda kung kasabay mong umuwi yung girlfriend mo dude." Sabi naman ni Soonyoung na syang nagpakunot ng noo ni Mingyu.
"Ahm.. okay lang naman eh. Babalik na lang ako dito para sunduin si Sara." Sagot naman ni Mingyu sa kanya.
"Tsk! Tsk!" Napailing naman si Soonyoung. "Sige bahala ka. Una na ako, may practice pa ko." Pag paalam nito sa dalawa.
"Ano hyung?" Alok ni Mingyu kay Wonwoo.
"Hindi na. Hatid mo na lang si Sara." Sagot naman nito. At tumango pa bago lumabas.
Lumipas ang isang linggo, ganon pa din ang routine nilang lahat. Minsan ay hindi nakakasabay sa pagkain ang iba dahil nalalapit na ang kanilang finals kaya't tututok ang mga ito sa pag aaral.
"Party tayo after ng finals?" Pag aaya naman ni Soonyoung habang sabay-sabay silang kumakain dahil lunch break.
"Sure." Sagot ng karamihan.
"Pakilala nyo naman mga bata nyo samin." Sabi naman ni Seungcheol na patungkol nito sa mga nililigawan ng iba nyang kaibigan.
"Pwera na lang kay Sara, kasi kilala naman na natin sya." Sabi naman ni Jeonghan. Nagsitango na lang iba sa kanila na may balak magdala ng babae nila.
Nasa kalagitnaan ng pagkain nila ay may lumapit na 2nd year student na lalaki sa lamesa nila.
"Hello mga hyung!" Masiglang bati ng kadarating na lalaki.
"Waaah! Channie!!" Nagmamadaling tumayo si Jeonghan at niyakap ang lalaki.
"Aray hyung, di ako makahinga." Sabi nito.
"Kelan ka pa umuwi ha? Bat di ka nagsasabi? Di mo na ba kami mahal?" Nagddramang tanong ni Jeonghan.
"Kauuwi ko lang nung isang araw." Sagot nito.
"My fave dongsaeng!" Si Soonyoung naman ang yumakap dito.
"Pero si Joshua hyung yung favorite kong hyung." Nakangiting sagot nito. Naikinatawa nilang lahat.
"Taksil. Dino nugu aegi?" Singit na tanong ni Jeonghan.
"Hyung naman, nakakahiya." Sabi nito. Ngunit naghihintay ng sagot si Jeonghan kaya't napakamot na lang sya ng batok. "Jeonghan hyung aegi." Nahihiyang sabi.
Isa-isang niyakap ng mga ito ang bagong dating na lalaki na si Lee Chan, ang pinaka bata sa kanilang barkada. Wala ito nung nakaraan buwan dahil na sa Japan ito at nagbakasyon kasama ang kanyang mga magulang.
"Nga pala, lalabas kami pagkayari ng finals. Sama ka?" Tanong ni Seokmin kay Chan.
"Sige hyung." Nakangiti nitong sagot.
Nagsisitayuan na sila upang dimiretso sa kanya-kanyang klase ng may lumapit na babae kay Wonwoo.
"Wonwoo, sabay na tayo?" Diretsong tanong ng babae kay Wonwoo.
Tumango lang si Wonwoo bilang sagot. Lumingkis naman agad ang kamay ng babae sa braso ni Wonwoo. "Ahm. Una na kami." Paalam ni Wonwoo sa mga kasama nya. At tuluyang umalis.
"Sino yon, mga hyung?" Tanong ni Chan sa mga nakakatanda sa kanya.
"Kaklase namin nila hyung sa isang subject." Sagot ni Vernon.
Hindi maalis ni Mingyu ang kanyang mata sa nakalingkis na braso ng babae kay Wonwoo. "Kung makalingkis naman parang ahas." Komento nya ng pabulong ngunit sya ng kanyang mga kaibigan.
"Bakit? Selos ka, Gyu?" Tuksong sabi ni Jeonghan dito.
"Ah.. eh.. hindi, para kasing iritable si hyung sa pagkakahawak nya." Kamot ulong sagot ni Mingyu.
"Kung ayaw ni Wonu don, una palang tinanggal nya na." Sabi naman ni Soonyoung. Nagkibit balikat na lamang si Mingyu at tinapos ang pagkain.
*
Puno ng iba't ibang klase ang bar na pinuntahan ng magkakaibigan. Nasa loob man sila sa isang silid ngunit rinig pa din ang malakas na tugtog mula sa labas.
"Kayo palang, hyung?" Tanong ni Chan pagkaupo nya dahil kadarating lang nito. Naabutan nyang nakaakbay sa upuan ni Jeonghan si Seungcheol. Tumango naman ang dalawa.
Di naman din sila naghintay sa pag hihintay ng iba nilang kaibigan dahil nagsidating na rin ang mga ito.
"Ahem! Pakilala nyo naman mga kasama nyo hyung?" Nakangising sabi ni Seokmin sa mga kaibigan nyang may kasamang iba.
"Ahm.. guys, this is Joah. I guess most of you know her." Pakilala ni Joshua sa katabi nyang babae. May ngiti sa mga labing bumati sakanila ang dalaga.
"Well, sinong di makakakilala sa Vice President, di ba Pres.?" Panunukso naman ni Seungcheol kay Joshua.
"Hyung eto naman si Yang, yung nililigawan ko." Pakilala ni Hao sa katabi nyang singkit na babae. Kagaya ni Joshua ilang buwan na din nyang nililigawan ang kasama nyang babae.
"Miss, di ba ikaw yung kasama ni Wonu hyung nung nakaraan?" Tanong naman ni Chan sa katabi ni Wonwoo na babae.
"Yes. I'm Hana." Pakilala nito sa kanila.
"Hana, Dul, Set!" Malakas na sabi ni Mingyu na mukang wala sa sarili, kaya't napatingin ang lahat sa kanya.
"Huh?" Taka ng lahat.
"Ah.. eh.. hana, dul, set! Si Sara na!" Parang tangang sabi ni Mingyu habang nakakumpas pa ang kamay sa kanyang kasintahan na syang susunod na magpapakilala. Mingyu unconsciously look at Wonwoo's reaction, pero nakatingin lang ito sakanya at pinanuod ang kanyang mga galaw.
"What the fuck Mingyu?" Natatawang sabi ni Jihoon.
"Napaghahalata ay." Bulong pa ni Jeonghan.
"Mukang natuluyan na." Komento ni Soonyoung.
"Hana, Dul, Set pa nga~" sabi ni Seungkwan.At kung ano-anong komento pa ang narinig sa loob ng silid.
"What a big dumb baby you are." Nahihiyang komento ni Sara. Ngunit magiliw pa din itong nagpakilala sa kanila.
Hindi pagilang tignan ni Sara ang kasintahang katabi nya na panay ang tingin sa gawi nila Wonwoo na bubulong at iirap pa. Pero pinagsawalang bahala nya na lamang ito.
Nagpatuloy ang kanilang masayang kwentuhan, kasabay ang pag-ikot ng alak sa pagtungga ay sya ring pag-ikot ng kanilang mga paningin sa mga nagdaang oras.
BINABASA MO ANG
Let's Keep It Secret
Romance"How can I keep this secret,if I want them to know you as my boyfriend... How can I keep this secret, If I want them to know that I feel so jealous when they are looking at you... How can I keep this secret, if I want to brag in the whole universe t...