Dumating ang kinabukasan nang may iniindang sakin si Wonwoo. Nangyari nga ang mga prediksyon ng isang Yoon Jeonghan kagabi. Hindi lang lalamunan nito ang masakit, buong katawan.
Naramdaman nyang gumalaw ang lalaking katabi nya. Niyakap sya nito at isinik ang mukha sa leeg nya.
"Ang bango mo." Mahinang sabi nito. Ramdam nya ang mainit nitong hingi sa kanyang leeg. Dahan-dahang sinisinghot ni Mingyu ang kanya leeg na akala mo'y mayroong nakakaadik na amoy sa kanya leeg. Maya-maya pa ay marahang hinalikan ito.
Mabilis nya itong pinigilan at pinalayo sa kanya. "Masakit ang katawan ko, lumayo ka muna." Sabi nya dito.
"Galit ka ba hyung?" Tanong nito sa kanya nang tumingala ito. Umiling lang sya bilang sagot.
Napangiti naman ang binata sa kanya. "Ipagluluto kita ng breakfast." Masayang sabi nito at tumayo ito sa kama.
Nang makalabas ito ng kwarto. Muling pinagmasdan ni Wonwoo ang kabuoan ng kwarto ni Mingyu. Malinis at maayos ang kwarto ng lalaki. Tumayo na rin sya at tinungo ang banyo upang maglinis at maligo. Nang matapos sya, naalala nyang wala syangibang dalang damit kaya tinungo nya na ang closet ni Mingyu at kumuha ng isang hoodie at track pants.
Nagtungo sya sa kusina kung saan nagluluto ng pancakes si Mingyu. Tahimik syang umupo sya breakfast table at pinagmasdan ang nakatalikod na lalaking nagluluto. Matangkad ito, mangangawit ang kausap nito lalo na't hindi katangkaran. May nalatabla ang lapad ng likod. May mga naghihimutok na biceps, nagfflex tuwing ito'y gumagalaw. Halata din sa mga braso nito ang mga guta nito na nagsusumigaw. Moreno din ang kulay ng lalaki, na may sariling kinang tuwing nasisinagan ng araw. Isa syang tamang description ng tall, dark, and handsome.
Natigil ang pagtitig nya mula sa likuran ng lalaki nang bigla itong humarap.
"Huli ka. Tinititigan mo ko no." Sabi nito ng may mga ngiti sa mga labi. "Ang gwapo ko kahit naka talikod di ba?" Dagdag pa nito.
"Luh. Asa ka. Mas gwapo pa ko sayo." Sabi nya naman dito.
"Oo nga. Ang gwapo mo nga hyung." Sang-ayon nito. Tignan sya nito sa mata at kinagat ang pang-ibabang labi.
Mabilis syang nag-iwas ng tingin dahil aminado syang natukso sya sa mga labi ng lalaki.
Ilang minuto pa, nilipag na ni Mingyu ang niluto nyang pancakes sa hapag. Tahimik silang kumain nang biglang may narinig silang nagdoorbell.
"May bisita ka?" Tanong ni Wonwoo dito.
"Ha? Wala naman." Sagot ni Mingyu bago tumayo at nagtungo sa pintuan.
"Good morning babe!" Bati ni Sara nang mapagbuksan sya ng pintuan ni Mingyu. Napakunot naman ang mukha ni Mingyu sa biglaang dating ng kasintahan.
"Bakit parang di mo gustong nandito ako?" Alangan na tanong ni Sara. Mabilis na ngumiti ang binata.
"Hindi ah. Kagigising ko lang kasi." Dahilan nito at napakamot sa ulo.
"Nagbreakfast kana?" Tanong ng babae bago tuluyang pumasok.
"Ngayon palang." Mahinang sagot ni Mingyu.
"Wonwoo oppa! Good morning." Nakangiting bati ni Sara nang makita nyang tahimik na kumakain si Wonwoo sa kusina.
"Good morning." Tipid na ngumiti ang binata.
"You slept here, oppa?" Tanong pa ng babae. Tumango lang si Wonwoo bago uminom ng tubig at tumayo.
"I'll go ahead." Paalam nito sa magkasintahan.
"Alis kana, hyung?" Tanong ni Mingyu.
"Mhm. So the two of you can spend the time alone." Kaswal nitong sabi. Nagtungo ito sa kwarto para kunin ang mga gamit nya.
BINABASA MO ANG
Let's Keep It Secret
Romance"How can I keep this secret,if I want them to know you as my boyfriend... How can I keep this secret, If I want them to know that I feel so jealous when they are looking at you... How can I keep this secret, if I want to brag in the whole universe t...