Chapter 5: Ang iyong mga nalalaman

2 0 0
                                    

Madaming tao ang takot sa mga kaluliwa. Ang iba naman ay mas kinakatakutan ang mga buhay kesa sa mga patay na. Ang mga kaluluwa lang naman daw kasi ay guguluhin ang isip mo ngunit hindi ka nila magagawang saktan. Ang mga taong nasa paligid mo na hindi mo kilala ay pwedeng maka patay sayo, lalo na kung mabilis kang mag tiwala na hindi mo alam o gaano kilala ang pinag kakatiwalaan mo.

Ang kwento na ito ay ayon sa tunay na buhay. Isang kaibigan minsan ng na nganib ang buhay. Ito ang dahilan kung bakit mas takot sya sa mga buhay at hindi man lang magawang matakot sa mga patay.

Eyrin ang kanyang pangalan. Magandang babae, maputi at hindi gaanoon ka tangkaran. Sya ay nakakkita ng mga patay. Ngunit imbis na matakot sya ay kinakausap pa nya ito kung amo ang mga problema at kung bakit hindi sila matahimik. Isang araw ay may nakilala syang isang kaluluwa ng bata duon sa may school nila. Nung una ay may alinlangan pa sya dahil hindi nya alam kung masama o mabuti ba itong kaluluwa. Inalaman nya ang kwento ng isang kaluluwang bata na pagala gala lamang sa school nila. Madalas nya kasi itong mapansin kaya naman inalaman nya ang kwento nito. Napag alaman nya sa kanyang guro na ang bata ay 10 years ng patay. Ito ay na rape ng tatlong lalaki na nag aaral sa school na kanyang pinag aaralan ngayon. Ang kaluluwa ay hindi matahimik at madami ngang estudyante na nakaka kita nito. Ito ay napag usap usapan na sa buong school nila at ito daw ay madalas makita sa may cr kung saan sya na rape. Ang tatlong lalaki naman na ng rape sa batang iyon, ang isa sa kanila ay nakitang wala ng buhay sa labas mismong ng school. Ang sabi ay may naka away daw ito na may baril. Kitang kita na binaril sya sa ulo, kuha iyon ng cctv ng school. Ang isa pa sa kanila ay hindi na alam kung nasaan dahil nag tago ito ng mapag alaman na ng rape sya. Ang huli ay nasa kulungan na. Ang batang kaluluwa ay naka usap ni Eyrin noon sa mismong cr kung saan sya na rape. Ang kaluluwa nito ay talaga namang puno ng galit. Minsan na rin nyang narinig ito na umiiyak.

Naging madalas ng nakikita ni Eyrin ang bata. Kaya naman hindi na bago sa kanya kung may marinig sya o makita man ito. Hindi sya ganon na takot sa bata. Madalas nya itong makita kaya naman normal nalang sa kanya. Ngunit isang araw ay nakita nyang nasa mismong classroom nila ang bata nasa dulo at para bang may inaabangan ito. Sa una ay hindi nya ito pinapansin dahil madaming tao sa palagid nya. Ngunit ng sya ay naging abala sa pag susulat at pakikinig sa guro, bigla nalamang may humawak sa kamay nya at may narinig sya dito na tila pang bumulong sa kanya. "Magingat ka" yan ang kanyang narinig. Hindi nya alam kung bakit ito ang sabi ng bata. Binaliwala lang nya ito. Matapos ang oras nila sa klase ay pupunta syang cr para hanapin ang bata ng bigla namang makita sya ng kanyang guro na lalaki at tawagin. "Halika at tulungan mokong checkan itong mga paper works na ito" ang gurong iyon ay malapit sa mga estudyante nya kaya naman sumama sya dito. Pumunta sila sa bahay ng guro at walang tao doon. Madilim ngunit binuksan naman ng guro ang mga ilaw. Sa una ay ok naman ito at na kaka kwnetuhan panya. Nang tumagal ay parang pawis na pawis ito kahit naman na may nakatutok na fan sa kanila. Nag taka si Eyrin dahil hindi ito mapakali. Napag desisyon na umuwi ni Eyrin dahil natapos na nya ang kanyang gawain. Pero pinigilan sya ng kanyang guro. "Samahan mo muna ako dito" sng sabi ng guro. Nagtaka na si Eyrin at iba na din ang pakiramdam nya.

Naalala nya ang sabi ng batang kaluluwa na mag ingat sya. Kaya naman nag kunwaring syang masama ang pakiramdam nya. "Masama po pakiramdam ko" kaya naman dali dali nyang kinuha ang bag nya ng hawakan sya ng kanyang guro. "Hindi ka aalis" sabi nito. At duon ay nag pupumiglas na si Eyrin at nag sisi sigaw na din sya. inuntog sya nito sa pader kaya naman nahilo sya kaonti. Nadala sya sa kuwarto ng guro nya. At duon ay hinihipuan na sya nito. Ng akmang papatong na sa kanya ay sinipa ni Eyrin sa muka ang kanyang guro. Kahit na mejo nahilo ay nakatakbo padin sya papuntang kusina at duon ay hinanap agad ang kutsilyo. Tinutok nito sa kanyang guro at walang nagawa ang guro kundi lumayo sa kanya. Ng makalayo si Eyrin ay agas syang lumabas at duon humingi ng tulong. Ang guro ay napag tunlungan ng kanyang mga kapit bahay na lalaki upang idala sa malapit na prisinto sa kanila.

Simula noon ay naging mas aware na si Eyrin sa kanyang mga nakaka salamuha dahil hindi lahat ng mapag kakatiwalaan ay hindi na makakagawa ng masama sayo. Tulad nalamang sa guro nya.

Ang tao ay may kanya kanyang paniniwala at may kanya kanyang kakayahan upang maka kita o maka ramdam ng isang kaluluwang pagala gala lamang.

----Pintuan----

Kwento iyo ng isang kaibigan na kanyang karanasan sa kanyang buhay.

"It happens last year 10 PM nung tumambay ako sa kwarto ng kuya ko dahil nasa trabaho pa sya. Binabantayan ko kasi yung bago nyang aso na 2 months old pa lang. Habang naka higa, nakikinig lang ako ng music. Ng biglang bumukas ang pintuan nya sa terrace. Yung bukas na parang may tumulak ng malakas. Nagulat ako at napatayo, miski yung aso ng kuya ko na nakakulong napatayo din kasi katabi lang ng kulungan nya yung pintuan ng terrace. Akala ko non naka uwi na yung kuya ko at pinag titripan lang ako kaya ang sabi ko.
"Kuya, lumabas ka na jan wag kang mantrip! Manggugulat ka pa eh!" tapos inintay ko ng ilang segundo na biglan nya kaming bulagain, pero wala. Kaya napasigaw na ko. 
"Kuya! Para kanv sira ulo ah! Lakas mo mang trip! Lumabs ka na jan!" nakatakip pa ko ng tenga kasi kahit minsan alam kong may tao na mang titrip nagugulat pa din ako. Hanggang sa ilang minuto na wala pa din sya. Dun ko lang ma realize na wala naman akong narinig na may dumating na naka motor. Dahil naka motor ang kuya ko kada papasok ng trabaho. Pati yung sa terrace nya may harang na dalawang maleta na bakal yon bago ka makadaan, kapag dumaan ka don maririnig mo dahil katabi lang ng bintana. May daan kasi pababa sa labas yung terrace ni kuya kaya pwede sya dumaan dun papunta sa kwarto nya. Pero ni isa sa tunog ng motor at maleta wala akong narinig kaya pumunta ako sa kabilang kwarto namin ng mama ko at iniwan kong bukas na bukas ang pintuan ng terrace ni kuya dahil natatakot akong sumilip. 
Pag punta ko sa kwarto namin ng mama ko agad kong sinabi
"Ma, si kuya pinag titripan ata ako. Tinulak nya yung pintuan ng malakas ayaw naman lumabas." Sabi ng mama ko 
"Akala ko anjan na sya at niloloko ka nanaman?"

"Wala nga eh ayaw pa mag pakita. Ma silipin mo nga kung andun?"

Natatakot kasi akong tignan sa labas baka kung ano makita ko. At ayun, sinamahan na ko ni mama sa kwarto ni Kuya, nakita nya bukas na bukas yung pintuan sa terrace lumabas sya para silipin kung may tao ba. Tapos pag balik nya
"Wala namang tao eh, wala pa naman si kuya mo kasi wala pa yung motor nya."

Dun na ko kinilabutan, at lumipat na ko sa kwarto namin ni mama. Pinatay ko na din yung music sa kwarto ni Kuya. Kahit si mama natakot sa kwento ko. After ilang mins na kakahiga ko lang sa kama katabi si Mama biglang dumating na si kuya dahil narinig na namin yung motor nya pumarada. Sabi ni mama
"Oh, ayan na kuya mo kadadating lang." 
Nagka tinginan kaming parehas kasi nga ilang mins lang pagitan nung sinilip pa namin sa labas kung andun sya. 
Pagka akyat nya kinwento ko na agad yung nangyare. Tinatawanan pa nya ko dun sa pag sigaw sigaw ko kahit wala namang tao. Tapos bigla nyang tinanong
"Eh sino yung nag papatugtog dito sa taas pag dating ko?"
Mas lalo akong nagulat kasi bago sya dumating naka patay na yung music sa speaker nya tsaka nasa loob na kami ng kwarto ni Mama. Sabi ko 
"Wala na nag papatugtug dito, kanina nag patugtog ako pero bago ka dumating nasa kwarto na ko eh." 
Pare parehas kami nag tataka na may kung anong mang nantitrip samin. Pero after non, hinayaan nalang namin at hindi na namin pinansin. Nag punta na kami ni mama sa kwarto namin para matulog.

Habang ako ay natutulog na, bandang 1AM bigla akong ginising ng mama ko sabi nya
"May kumakatok sa bintana" 
Pero hindi ko na pinansin sa sobrang antok ko.
Kinabukasan, kinwento nya ulit. Sabi nya
"Kaninang madaling araw nagising ako kasi may kumakatok sa bintana. Akala ko kumakatok pinsan mo." 
Yung pinsan ko kasi, minsan kumakatok yun sa bintana pag pupunta don samin lalo na pag walang tao sa baba namin. Tsaka sya lang nakakakatok don kasi mejo dilikado sa may bintana namin dahil plant box lang yung tatapakan mo, mamali ka ng hakbang malaalglag ka sa baba. Sanay na sya umakyat don kasi. Tapos nung chinat daw sya ni mama nung umaga na yon
"Be, ikaw ba yung kumakatok sa bintana kagabi?"
Sabi nya
"Hindi naman ako pumunta jan eh, andito ako sa kabulang bahay namin."
Dun na kami kinilabutan pareho.

Hindi ko alam kung sino or ano man yun. Pero feeling ko sa loob ng isang gabi buhay na buhay nanaman yung doppelganger sa bahay namin. Hindi man nag pakita, pero sa mga ginawa nya gawain ng mga tao samin yun. Nakakatakot lang isipin na kahit hindi mo nakikita, kayang kaya kang pag tripan".

Ang Kwento ng Pangatlong MataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon